Ace POV
Nakatingin lang ako kay trixie habang umiinom sya. Sorry talaga trixie pero di ko talaga pwedeng sabihin sayo. Dinamayan ko nalang si trixie at uminom na den. Alas dos na ngayon at kanina pang nainom si trixie. Nahalata kong lasing na sya at malapit na syang maglabas ng nararamdaman.
"A-Ace?" Tanong ni trix
"Bakit trixie?" Sinagot ko ang tawag nya pagkatapos inumin ang last shot ko.
"Bakit ko ba minahal ang insensitive na lalaking yon?" Natatawa nya pang sabi
Di ko sya sinagot at hinayaan lamang syang magsalita
"B-Bakit sa kanya pa tumibok ang puso ko? Oo nagagalit ako dahil sinabi nyang mahal nya ako pero di ko alam na mas mahal nya pala ang ex nya! K-Kung sigurong ititigil na tong fix marriage na to ay makakalaya na kami sa isa't isa A-Ace. May mahal pala syang ib atapos pinaasa nya pa akong mahal nya din ako, ang tanga ko Ace. Bakit ba hindi nalang ikaw ang minahal ko!?" Naiiyak na nyang tanong
"Nakakagago lang si Luke, Ace. Nakakagago" sabi nya habang dahan dahang pumipikit.
***
Nang makita kong tuluyan ng nakatulog si Trixie ay binayaran ko na muna ang bill. Bumalik ako kay trixie at binuhat sya papuntang sasakyan. 2:30 na ngayon, malapit ng maglabasan sa school.
Habang nagmamaneho ako ay patingin tingin ako kay trixie.
***mansyon***
Andidito na kami sa mansion at buhat buhat ko si trixie papuntang kwarto niya. Inihiga ko si trixie sa kama nya at pumunta ng baba para kumuha ng pampunas.
Pinunasan ko sya pero di ko sya pinalitan ng damit.
Nang matapos ako ay pumunta na ako ng kwarto. Siguro maya maya ay gising iyon kaya nagiwan ako ng gamot don para sa hangover.
***
Trixie's POV
Argggg sakit ng ulo ko. Alas otso na ngayon pero ayaw ko padin kumain. Napangiti nalang ako sa nakita ko sa lamesa. Nagiwan si ace ng letter hay. Nakakatuwa sya sana naging ganon nalang din si luke.
Pumunta ako sa baba at umupo sa sofa. Pero makalipas ang isang oras ay bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko dahil hinahalikan ni dior si luke habang papasok sila sa loob. Nang magmulat ng mga mata si luke at nakita ako ay naitulak nya agad si dior.
Damn him. Ansakit sakit na. Ng saktong tutulo na ang luha ko ay hinila ako ni Ace papunta sa Bar counter.
"Dadamayan kita" sabi Ace sabi nya habang nagbubukas ng alak
"Ayaw ko na ace, nakakapagod masaktan ng masaktan." Sabi ko habang umiiyak.
Sunod sunod kog ininom ang alak hanggang sa tumayo ako at natumba. Nahihilo ako. Umiyak ako ng umiyak habang nasa sahig padin.
Tinulungan ako ni Ace na makatayo at hinatid nya na ulet ako sa kwarto.
Nasa kwarto na kami at inihiga nya ako.
"Ace. Uuwi na ako. Di ko kayang makita syang may kahalikang iba"
Sabi ko."Susuportahan kita kahit anong gusto mo" sabi nya habang nakatingin sakin.
Luke's POV
Di ko na alam ang gagawin ko. Kanina lang ay bigla akong hinalikan ni dior. Nagulat ako. Ayaw ko naman masaktan si trixie kaya ko to ginagawa pero parang mas nasasaktan sya ngayon. Blinablack mail ako ni Dior. Pag di ako sumama at sumunod sa kanya ay ipapaaalam nya kay trixie yong video. Ginagawan na namin nina lance ng paraan. Once na matagtag ang video na yun ay kakasuhan ko si dior. Sorry trixie patawarin mo ako.
Nakita ko kung paano sya natumba sa bar counter. Lalapit na sana ako pero naunahan ako ni lance. Kung masakit sa kanya ay doble ang sakit sakin non, ayaw kong malaman ni trixie ung video dahil alam kong mandidiri sya sa akin. Damn it.
***kinabukasan*
Pumunta ako ng salas para sa na magisip isip pero nagtaka ako dahil may mga bagahe sa salas at alam kong kay trixie.
"T-Trixie what are you doing?" Sabi ko
"Di ba obvious?" halatang galit sya.
"Please"
"Please what luke?" tanong nya
"Nevermind" sabi ko nalang. Mas mabuti sigurong umuwi muna sya para di nya malaman kung anong meron. Kailangan ko ng madelete ung vid gusto ang gusto ko na suyuin si trix.
Trixie's POV
"Nevermind" sabi nya na parang may malalim na iniisp
"Im letting you go luke, tutal mahal mo ang ex mo. Don't worry di ako mangugulo" nagulat sya sa sinabi ko
"No trix di ako pumapayag. You can go if you want pero di hiwalay" madiin nyang sabi
Damn it di ko maintindihan si luke. May kasama syang babae dito at naghahalikan tapos ineexpect pa ata nya sakin na maging martyr?
Di na ako nagsalita dahil dumating na si Ace
"Let's go trix" sabi ace sakin
Tumango naman ako at daredaretsong umalis doon sa salas pumunta na ako nang kotse. Damn you Luke, hindi na kita maintindihan.
Luke's POV
Trixie pangako babawi ako sayo pagkatapos nito ayaw ko sayong sabihin dahil masasaktan ka at iiwan mo ako, siguro pag pinalayo muna kita habang inaayos ko ay magiging okay pa tayo.
Pangako ko sayo trixie mag papaliwanag ako sayo pagkatapos nito sana mapatawad mo ako.
Ang sakit makitang unalis na dito si trixie na may galit sakin. Ang bigat sa dibdib. Kung alam mo lang trixie lahat ginawa ko na.
Napaupo nalang ako sa sahig at napasabunot sa buhok. Tumulo na ang mga luha ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si lance
"Lance?"
"O tol?" Sagot naman nya
"Anong balita sa video tol? Umalis na si trixie dito at mababaliw ako pag di ko sya makakasama dahil sa lintek na Dior yan." Galit kong sabi
"Tol konting tiis nalang, trinatrace nanamin ung nagsend ng video. Mukhang may taong pinagawa si dior para don. Pakisamahan mo muna si Dior. Balitaan nalang kita, may pasok na ulet bukas" sabi nya
"Gege tol salamat" sabi ko
Mahal kita trixie sana maniwala ka.
*kringgg kringgg*
Tumatawag si lance. Singaot ko
"Hello?"
"Tol pagkatapos ng tawag mo kanina ay tumawag sina hanz. Alam na daw nila kung asan ung inutasan ni dior para mag post ng video. Asa ***** hotel, ayon kena hanz ay hanggang bukas lang sya dito."
"Puntahan natin sya tol tayong 4, kita tayo sa bahay ni Alex."
"Ge tol" sabi nya at binababa ang tawag
(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)
Tweet me on: @miel_licious
YOU ARE READING
Love Changed Me
RomanceHe's cold, she's cold too. His life was quiet after she leaves without an explanation. After many years, she came back like there was nothing. He investigated it and find out that his love involved on a car accident. Vipers Series 1: Luke Mathew Fe...