Plan

7 1 0
                                    

Trixie's POV

Papunta na ako sa table ng matanaw kong may mga juice at pagkain na duon.

Umupo na ako at nginitian si Dior na nakangiti sa akin.

" I really want to apologize. Im sorry"

Ngumiti naman ako. "Okay lang yun. Wala na sakin yun" sabi ko

She gave me her wide smile. "Mabait ka pala. Inom muna tayo" alok naman nya.

Napatingin naman ako sa juice na nakapatong katabi ng pagkain.

Uminom muna si Dior ng juice. Kaya uminom narin ako.

Nang maubos ko ang juice ay nagtataka ako bakit parang nagiging dalwa si Dior? Nahihilo ako ng biglang

ALL WENT BLACK

Luke's POV

Kanina pa akong andito sa bahay nina trixie. Naiwan kasi nya yung bag nya sa kotse ko. Tinanong ko ung butler nila kung andidito na si trixie pero sabi nya di pa naman daw umuuwi si trixie dito. Nag -aalala na ako. 7pm na

Tatawagan ko nga.

*kring*

*kring*

"Trixie, where the hell are you!?" Sabi ko

"Wag mo kami guluhin"lalaki ang sumagot.

Binaba nya ung tawag at ng tawagan ko muli ay nakapatay na ung cellphone.

"WHO THE HELL IS HE!?" sigaw ko kaya naglabasan ang mga maid

Galit na galit ako kaya lumabas na ako at pinaharurot ang kotse pauwi. Dun ko na sya bahay hihintayin.

~~~~~~~~~~

Trixie's POV

Arghhh. Masakit ang ulo ko. Kagigising ko lang

Pero damn it? Asan ako!?

Minulat ko mata ko, nakita ko si Dior.

"Dior?"

"Trixie. Nahimatay ka kanina sa restaurant"

Asan ako? Bakit parang hotel to?

"Asan ako?" Tanong ko sa kanya.

"Asa unit kita, condo. Hindi ko kasi alam gagawin ko sayo tapos di naman pede malamn ni luke na nagkita tayo." Sabi nya

"Anong oras na?" Ano bang ngyari sa akin.

"11 pm na" sabi nya.

Hala patay. Baka hinahanap na ako ni luke. Kinuha ko cellphone ko sa bulsa at pag kabukas ko nanlaki mga mata ko.

120 missed calls
67 messages

Nako lagot ako kay Luke.

From: Love
Where are you?

From: Ace
Asan ka trix? Kanina pa kami nagiintay sayo dito sa mansion

From: BoyBestfriend
Bud, asan ka ba? Nagwawala kanina si luke.

From: Love
Kanina pa ako tumatawag pero di mo sinasagot. Nakaoff phone mo.

From: Love
Where the hell exactly are you!?

Love Changed MeWhere stories live. Discover now