Goodbye

10 1 0
                                    

*Continuation*

Trixie's POV

"Sa tingin ko di ko sya aawayin pagkatapos kitang makitang ganyan ngayon? Ganyan ang itsura? Ha trixie? Sinaktan ka nya! Pinaiyak ka nya at di pinaniwalaan. Damn him!"

"Please Sic"

Ayokong magalit sya kay luke, walang kasalanan si luke, di nya alam to.

"Damn it! Trixie. Hindi ko alam magagawa ko kay luke pero wag ka mag alaala. Ako ang bahala sa trixie na yan. Gagawin ko lahat malinis lang pangalan mo. I believe you"

Lalo akong naiyak. Buti pa si Sic, naniniwala sakin.

I smiled. "Thank you Sic. Ayokong mawala sya sa akin"

"Kahit masakit. Gagawin ko dahil mahal mo siya. At dahil hindi ko kayang makita kang ganyan. Lahat lahat gagawin ko malinis lang pangalan mo"

"Thank you Sic"

~~~~~

Luke's POV

Damn it. Mahal na mahal ko sya pero ginago nya ako. Dinamay pa si Dior? Ni wala nga syang proof.

Ano yan? Gumawa nanaman sya ng kasinungalingan para pagtakpan ang ginawa nyang masama?

I mean everything what I have said to her! Galit man o hindi. Hiwalay na kami at ayaw ko na syang makita pa. Nasaktan na nya ako.

Niloko nya ako shit!

I won't forgive her, never!

Ang galing nyang umarte. Ang galing nya sobra!

Asahan mo Trixie Alexandra Takashi, wala kang babalikan dahil tapos na ugnayan natin. I won't believe in your lies. I have no plan on hearing your explanations.

I will do everything just to forget you. I'm sure that my love for you will vanish.

Our relationship is now ended.

~~~~~kinabukasan~~~~~

*toktok*

*toktok*

"Luke, di ka ba sasama?" Tanon ni Ace pagkapasok sa kwarto ko.

"Where to?" Bored kong sagot

"Airport, maghahatid"

"Who?"

"Trixie" pag kasabi nya ng pangalan na yon ay napamulat ako

Nagbigay ako ng pekeng ngiti.

"Okay wait for me 5 mins"sabi ko

Sasama ako sa paghatid di para pigilan ka kung hindi para sabihin sayo na wala ka ng babalikan pa at wag ka na sanang bumalik dahil tapos na ang ugnayan natin.

Matapos kong magtoothbrush ay bumaba na ako.

"Let's go, asa mansion na si Sic" sabi ni Ace papuntang kotse

Pinaandar na nya iyon papunta sa mga Takashi. Hindi ko namalayang andidito na pala kami. Mukhang kami lang hinihintay. Nahagip ng mata ko si Trixie na may maletang dala.

~~~~~airport~~~~~

Nakatingin lang ako kay trixie habang nag papaalam sya kay Sic at Ace. Palapit na sya saakin at..

"Luke..." sabi nya ng namamaos

"Go get a life" madiin kong sabi

"Pakinggan mo muna ako" sabi nya

"I don't have time to listen on your lies, I have enough. Ang galing mo umarte na parang nasasaktan ka! Wala kang karapatan dahil ikaw ang nanloko! Tandaan mo wala ka nang babalikan na LUKE MATHEW FERNANDEZ! Pwede ba? Wag ka nang bunalik! Gagawin ko lahat ng magagawa ko makalimutan ka lang tandaan mo yan!Sigaw ko sa kanya, nakita ko naman syang ngumiti ng peke sa akin at may tumulong isang luha sa kanang mata nya

"S-Sana di mo pagsisihan ang naging desisyon mo Luke Mathew Fernandez." Sabi nya at tumalikod na

Wala na akong pake pa kung anong sabihin nya. Mas mabuti pang umalis na sya ng makalimutan ko na sya.

Nang makita kong malapit na sya don ay tumalikod na ako pero bago pa ako makasakay ng sasakyan ay isang suntok agad ang umabang sa akin, si Sic.

"What the hell is your problem!?" Gigil kong tanong

"Wag mo sanang pagsisihan ang ginawa mo dahil sa oras na malinis ang pangalan ni Trixie ay ako mismo ang tatawa sa paghahabol mo!" Sabi nya sa akin at...

~~~~~~~~~~~

Trixie's POV

Andidito na ako sa eroplano patunong Korea. Nakaupo na ako sa upuan ko ng maalaala ko ang naging desisyon ko kagabi.

**flashback**

Nasa kwarto ako kasama ko si Sic.

"Sic, pupunta akong Korea bukas, gusto kong lumayo muna, babalik ako dito pag succesful na ako. Pangako mo sa akin na ikaw na ang bahala sa pangalan ko. May tiwala ako sayo. Wag mong pipigilang magmahal ng iba si Luke, hayaan nyo sya. Kahit mahal na mahal ko sya ay kaya ko syang palayain dahil nga mahal ko sya. Pangako mo sa akin hihintayin mo ko dito ah?" Nagbibiro kon sabi at nakita ko namang ngumiti si Sic

"Kita mo? Kung ako sana minahal mo hindi ka iiyak ng ganyan"nagbibiro nyang sabi.

***end of flashback***

Napansin kong may butil ng mga luhang tumulo galing sa mga mata ko. Na alaala ko naman ang sinabi ni luke sakin kanina at kahapon ng gabi.

"Damn you trixie! Hindi na kita kailangan dito! Hindi ko akalaing nagmahal ako ng malandi na katulad mo! Nandidiri ako sayo Trixie Alexandra Takashi! Wag ka na magpapakita sa akin! Umalis ka sa harapan ko!"

"Stop this shit Trixie! Umalis ka na. Hindi na kita matatanggap pa! Sinayang mo ang pagmamahal ko sayo! Seryoso ako sayo pero shit! Wala akon ka alam alam na pokpok pala ang tulad mo!"

"Umalis ka na. Wag ka ng babalik pa. At wala ka na ring babalikan pa. Tapos na tayo!"

"I don't have time to listen on your lies, i have enought. Ang galing mo umarte na parang nasasaktan ka! Wala kang karapatan dahil ikaw ang nanloko! Tandaan mo wala ka ng babalikan na LUKE MATHEW FERNANDEZ! Pwede ba? Wag ka nang bumalik! Gagawin ko lahat ng magagawa ko makalimutan ka lang tandaan mo yan!"

Malandi.PokPok.

Damn this tears. Nasasaktan na ako pero mahal parin kita. Di ko maipapangako na kahit malinis na ang pangalan ko sa lahat at sayo ay mahal parin kita. Dahil mismo dahil sa pagsubok na to, napatunayan kong hindi mo kayang maniwala sa akin. Akala ko mahal mo ako pero sinaktan mo ako ng ganto.

Sana hindi nalang ikaw ang naging ka babata ko. Sana hindi nalang ikaw si mat-mat. Sana hindi nalang kita nakilala. Sana di nalang ikaw si Luke Mathew Fernandez. Sana di nalang kita nakita. Ng sa ganon di sana ako nasasaktan ng ganto. Sana hindi nalang ikaw ang minahal ko. Nagsisisi ako at minahal pa kita. Minahal kita pero napatunayan kong di kasing lalim ng pagmamahal ko yang pagmamahal mong tinatawag. Sana maging masaya ka na wala na ako sa tabi mo, paalam love. Paalam

(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)

Tweet me on: @ miel_licious

Love Changed MeWhere stories live. Discover now