Ex- Girlfriend

15 1 0
                                    

Luke's POV

"Hello, dad?"

"Luke, I know magiging biglaan ito but tomorrow night will be your engagement party" sabi ni dad

"But dad! Bakit biglaan?" nagulat kong sabi

"Your tito suggested it, doon din naman ang bagsak niyo" cool na sabi ni dad

"Dad naman"

"Son, para alam nadin ng business world na magkakaroon ng di basta basta partnership and Fernandez at ang mga Takashi"

"Alright" walang magawa kong saad

"I'll expect you to come home by 12 because you need to be prepared son"

"Yeah yeah I know that dad"

"Alright, bye."

"K" sabi ko sabay baba ng cellphone

"Oh bat parang ang lungkot mo hahaha" tanong ni Alex

"Tomorrow night will be Trixie and mine's engagement party and you three were all invited." Bored kong sabi

"Woah dapat masaya ka tol hahaha, diba si trixie ang kababata natin noon?" Natatawa nyang sabi

" I can't be happy bro, di nya ako na aalala."

"Kahit na tol, habang nagsasama kayo pede mo pa ipa aalala sa kanya ang childhood memories nyo"

"Yeah right, yan nalang naman talaga ang magagawa ko. Gusto ko kasi sana mahal nya ako bago sya magpakasal sakin eh"

"Bumabalik na ugali mo Luke ah, hahahah" sabi ni alex

"Sympre natagpuan ko na sya eh"

"Sino?" Sabi ni hanz

"Hahahaha tangina hanz lutang ka talaga" natatawang saad ni lance

"Si trixie sino pa ba" sabi naman ni alex

"Guys, we better go to our place" tinutukoy ko ang Viper's H.O

"Gege doon na tayo kumain at wag na mag klase" saad ni lance

"Trip ko yan" sabi ni alex

Naglakad na kami papunta sa aming hide out ng aming team. Katulad ng napagusapan ay inubos namin ang aming oras sa hideout. Hanggang mag hapon na labasan na dapat namin.

"Tol tingnan nyo, labasan na" sabi ni lance

"Oo nga, tara mag club!" Sabi ni hanz

"Tara tara" si alex

Lumabas na kami ng hide out. Naglakad papuntang car parking.

"Mga tol convoy nalang tayo papunta sa LTH bar." sabi ni lance, sa kanya yung bar konti lamang ang nakakaalam.

"Ge" sabi ko nalang.

Bago ako pumasok sa kotse ko ay nasilayan ko si Trixie na nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan. Nagtataka ako bakit parang ang cold nya saakin? Di ko alam pero nakakapagtaka talaga. Hayy makapasok na nga sa loob ng kotse.

Inistart ko na at bago ko patakbuhin ay muli kong tiningnan si Trixie na nakangiti na naman ng maganda kaya napangiti nalang rin ako. Hayy ang ganda talaga nya, lalo akong nahuhulog sa kanya. Tangina para na akong bakla kakapantasya sa kanya shet.

Pinatakbo ko na paalis ng school ang aking sasakyan. Nakasunod lang ako kay Alex.

*few moments later*

Andidito na kami sa VIP parking ng bar. Bumaba na ako at tiningnan sina lance. Daretso na kaming pumasok sa pinto pero napahito ako at napansin yon ng mga kaibigan ko. Napahinto ako dahil...... nakita ko ang pamilyar na bulto ng babae si...... Dior? Akala ko nagbibiro lang si Lance ng sinabi yon di ko alam bumalik na talaga sya. Napansin nya rin sigurong may nakatingin sa kanya.

"Bro diba si dior yon" sabi ni lance

"Oo tol, luk-" di na natapos ni alex ang sasabihin ng nagsalita ako

"Let's go" sabi ko ng makitang palapit na sina Dior sa amin. Naglakad ako papunta VIP room at nakasunod naman sa akin sina Hanz.

"Hard drink please" sabi ko sa waiter.

Ng bumalik ang waiter ay dala na nya ang dalawang bote ng alak. Di ko na pinagsalita ang mga kaibigan ko at daredaretsong lumagok ng alak. At narinig ko nalang na

"Luke hinay hinay" sabi ni alex

Pero parang wala akong narinig at naka tatlong baso na agad ako. Nag kwekwentuhan sila samantalang ako ay uminom lang ng uminom. Binubura sa isip ang alaala namin ni Dior at iniisip lamang si Trixie. At sa sobrang pagkahilo ko na dahil sa nakarami na rin ako ng inom ay bigla nalang......BLANK

Trixie's POV

Umaga na ngayon at oo alam kong mamayang gabi ang engagement party namin. Ayaw ko nga dahil biglaan pero si dad ang nag insist non kaya wala akong magawa. Umuwi daw ako ng tanghali dahil magaayos pa kami. Gusto ko naman talaga si luke eh simula nung nabangga sya and each day I saw him, i was mesmerized by his handsome face or maybe because of his eyes that looks so sad. Ako ung taong mabilis mainlove pero di ako showy. Pag iniyakan ko ang isang tao, ibig sabihin mahal ko na.

Ginawa ko na ung daily ritual ko. Oo nagiging malambot na ako dahil may naalaala na ako about kay luke. Na si luke ay childhood sweetheart ko pero hanggang dun lang ang naalaala ko.

Pagkatapos kong gawin ang aking ritual ay daredaretso na ako pababa, di ko na pinansin si butler vin. Pagbaba ko ay uminom lang ako ng juice at pumunta na sa sakyan ko. Tiningnan ko ang relo ko at napagtantong alas otso na pala.

Binilisan ko na ang pagpapatakbo at pag kalipas ng pitong minuto ay natanaw ko na ang school. Papasok na ako ng school parking. At pagkatapos kong mag park ay bumababa na ako at naglakad pa taas ng classroom.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko na agad ang apat na magkakaibigang naka ubob. At ang dalwa kong kaibigang halatang hinihintay lamang ako.

"Goodmorning Ms. Takashi" sabi ni ms.

"Yeah, same here" sabi ko

Daretso upo na ako sa aking upuan at umubob. Hinintay kong mag recess dahil bored na bored na ako.

*after 1 and half hour*

*kringggg*

*kringggg*

Wooooh recess na pero nagulat ako ng makita ang isang babae sa pinto at nakatitig sya kay luke.? Napakinig ko ang usap usapan ng mga babae dito

"Oy girl diba sya si Dior? Ex ni Prince Luke"

"Oo girl diba niloko nya si luke"

"Ay oo balita yan eh"

Bat ganon biglang bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko.?

Luke's POV

Pakshet naman oh. Ang iingay ng mga babae dito. Tumunghay ako at sa di ko inaasahan ay ang makikita ko ay si dior na nakatingin sa akin habang nakangiti. At sa kabila ay si Trixie? The heck? Bat andidito si dior. Diba sya nahihiya nyan?

"Luke si dior oh" ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala sila

"Don't tell me pupunta sya sa engagement party namin?"

" i think so" sabay ni hanz

Daredaretso lang ako paalis ng classroom. Rinig ko pa ang tawag nila sa pangalan ko pero di ko iyon pinansin. Tumambay na lamang ako at hinintay na mag alas dose.

*12 oclock*

Pagtingin ko sa relo ko ay alas dose na. Pumunta na ako ng parking at daredaretso ng umalis papuntnag mansion. Sana naman hindi mangulo ang ex ko sa party mamaya dahil wala syang karapatan. Baka nakakalimutan nyang sya ang nagloko!

(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)

Tweet me on @miel_licious

Love Changed MeWhere stories live. Discover now