VII

2.3K 96 22
                                    

Cyrd POV

Nagising ako ng ingay sa paligid, labag sa loob kong minulat ang mata ko at nalaman ko na may kumakatok sa pinto, walang tigil na katok sa pinto pala galing ang ingay na nagpagising sakin.

"Cyrd malalate kana, bumangon kana dyan!" rinig kong sigaw ni Alexis mula sa labas.

"Fuck stop being annoying old man!" Pagrereklamo ko bago idinukdok ang ulo ko sa pagitan ng dalawang unan.

"Bumangon ka na, wag mo hintayin na pasukin kita dyan"

Iritado akong tumayo at binuksan ang pinto.

Bumungad ang bulto ni Alexis pagkabukas ko ng pinto nakasuot pa siya ng apron at may hawak na sandok.

Mukha na siyang tatay kung titingnan.

"Let me sleep you fucker!" Singhal ko sa kanya saka sinara ang pinto.

Pero muli siyang kumatok wala pang dalawang segundo ang nakakalipas.

Pasensya ko na ang nasasagad dito!

Muli kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng itulak ako ni Alexis dahilan para mapaatras ako ng konti buti na lang nabalanse ko ang sarili ko at hindi ako natumba.

"Ano ba Alexis!" Singhal ko.

Pero para siyang bingi na hindi man lang sumagot sa reklamo ko bagkus ay dire-diretso siyang pumasok ng kwarto ko.

Kinuha niya ang nakasabit kong tuwalya pati na rin ang kabinet ko ay binuksan niya, gamit ang isang kamay ay kumuha siya ng sando at boxer.

"Hoy! Anuba! Wag mo nga hawakan 'yan" Sigaw ko saka lumapit sa pwesto niya at sinubukan agawin ang hawak niya.

Pero hindi ko pa naiaabot ng kamay ko ay ibinato na niya yun sa mukha ko.

"Maligo ka na, may pasok pa" Sabi niya sakin bago tuluyan lumabas ng kwarto.

"Putcha, hindi na ako natutuwa sayo Alexis Mendez!" Sigaw ko.

Lumabas ako ng kwarto hawak-hawak ang mga personal na gamit ko panligo.

"Make your move fast, ako ang sunod" Sabi niya ng hindi ako nililingon.

"Pake ko sayo?" Sagot ko tapos ay nagpatuloy maglakad hanggang sa makapasok ako sa banyo.

Binuksan ko ang shower at habang lumalandas ang tubig mula sa ulo ko papunta sa iba't-ibang parte ng katawan ko ay bigla nalang pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi.

Yung pakikipag-talo ko sa kanya. Alam kong nainsulto ko siya at mali iyon pero hindi ko maiwasan lumabas iyon sa mga bibig ko. Sa sobrang galit ko.

"Argh" naihampas ko ang kamay ko sa mukha ko, why do my mind need to remembered that?

And fuck him bakit ngayon ay tila ba wala lang para sa kanya ang nangyari kagabi, hindi ba siya galit sa akin?

Umiling ako at pinagpatuloy na lang ang paglilinis ng katawan.

Matapos akong maglinis ay agad akong nagtapis ng tuwalya sa bewang ko tapos ang isang pamunas ay ipinanpapamunas ko sa buhok ko.

Lumabas ako ng banyo at halos humiwalay ang kaluluwa ko ng makita si Alexis na nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Lumingon siya sa gawi ko.

"Bakit antagal mo? Konti na lang sana papasukin na kita" Sabi tapos ay tumayo kaya napatingala ako dahil mas matangkad nga naman siya sakin.

"Pake mo ba? Katawan ko 'to" Sabi ko saka nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Pero nakaka-ilang hakbang palang ako ng bigla kong maramdaman ang palad niyang tumakip sa mga mata ko.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon