XXII

1.7K 59 4
                                    

Cyrd POV

Halos 8pm na ng dumating si Alexis. Nakasimangot ako ng sinalubong ko siya, pero ang balak kong pagsusungit ay hindi ko naituloy sa mukhang bumungad sa akin ng makalapit siya.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mga mata niya, okay siyang umalis pero bumalik siyang tila natalo.

"Kamusta na si tita? Cream puffs ko?" Sabi ko sa kanya at hinuhuli ang mga mata niyang parang sadyang iniiwas sa akin.

Gusto ko sana magtampo dahil pinaghintay niya ako ng matagal, but I don't want to act like a child right now, because it's not necessary, something is...off.

Nasa kusina kami ngayon, inabot niya sa akin ang isang maliit na box, I smiled a little when he really bought what I told him.

"Salamat, kamusta na ang mom mo?" I asked again, as he failed to give me the answer.

Tahimik siyang nilagpasan ako, I raised a single eyebrow, nilapag ko sa lamesa ang cream puffs na dala niya bago siya sinundan.

"Hey! Hindi mo ba ako narinig? Parang hindi ka okay. May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.

Nang maabutan ko siya ay agad kong hinapit ang braso niya para patigilin siya sa paglalakad, agad akong umikot sa harapan niya at hinawakan ang mga pisngi niya, I look at him in the eyes and I saw his emotions devastated, pain.

"May nangyari, sabihin mo sa'kin Alexis" Sabi ko at nararamdaman kong unti-unting nawawala ang boses ko.

Ilang segundo siyang tahimik bago niya inalis ang mga kamay ko sa pisngi niya at muli akong nilagpasan.

"Alam na ni mama" Sabi ni Alexis.

Nilapitan ko siya at tiningnan.

"Ang alin?" Tanong ko.

"About us" Sagot ni Alexis.

Napatigil dahil sa narinig, alam niya ang sa amin?

"H-how?" Tanong ko ulit.

"I don't know, but I'm sure about..." Sabi niya saka tumingin sakin pero hindi ko siya hinayaan matapos, alam ko kung ano na naman ang kasunod nito.

"About what? Ititigil na naman natin 'to?"

He clenched his jaw, right. Tama ako, ito na naman kami ilang beses na nangyari 'to paulit-ulit. Hanggang kailan ba niya balak na isantabi ang nararamdaman niya sa akin? Na parang wala lang sa kanya yung mga binitawan niyang salita tapos bibitaw din siya sa'kin.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan ako  sa mata.

"Yes. We need to stop this" Sabi niya.

"Tangina na naman? Hanggang kailan mo ba itutulak 'tong relasyon natin?"

"Yoi don't get it Cyrd"

"Naiintindihan ko Alexis! You don't love me—"

Napatigil ako dahil sa pakiramdam ko iiyak na naman ako.

"Don't fucking say I don't!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon, mapait akong ngumiti. Ito ang mahirap sa kanya, he can't keep me but he wants to have me.

"Please baby please" Ang naiiyak niyang sabi sa akin habang hinalik-halikan ang mga daliri ko.

"Yes you don't! Alexis you don't love me enough to fight for me, for us"

Binawi ko ang kamay ko.

"Sa tingin mo ba mababalik mo lahat sa dati? Kung pwede lang sana diniktahan ko agad yung puso kong huwag mahulog sa mga salita mo"

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon