XVI

2.4K 87 7
                                    

Cyrd's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa pisngi ko, nagmulat ako ng mata at tiningnan ang paligid. Nagising na naman akong wala si Alexis. Katulad na lang kagabi na nagising ako sa dahil sa lamig na naramdaman ng katawan ko.

While staring at the ceiling it came back to my mind, what happened yesterday. From the kiss and him carrying me to his back.

The kissed that shouldn't happen in the first place! Bakit ko siya hinalikan? Bakit hinayaan ko siya?

Kasi nga gusto mo siya Cyrd!

Napailing ako, hindi ko pa rin akalain na magkakagusto ako sa isang kapwa ko lalaki at sa kanya pa talaga. Pero paano na lang kung mali lang itong nararamdaman ko? Mali na ifigure out kong gusto ko siya at iba pala talaga?

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala pa kung ano ang ibang nangyari last night. Why the hell did I let him carry me? Ano ka Cyrd baby?

Paiyak-iyak pa ako, nakakainis!

Kasi naman nagalit ako, hindi ba? Natural lang 'yon!

Kung paano biglang bumugso ang galit sa akin ng makita ko kung paano sila nagyakapan, ngumiti sa isa't-isa. Naalala ko pa kung paano ako lumayo dahil sa hindi ko kinakayang galit sa puso ko. Kung paano at ilan beses ko siyang minura sa isipan ko. We kissed, then after that yayakap siya ng ibang tao? Sino ba ang hindi magagalit doon. Pero sino nga ba ako? Para magalit sa kanya? Ni hindi nga kami magkadugo, ni hindi pa tugma ang apelyido namin. Hindi ko siya gusto, medyo.

Fuck kinakausap ko na ang sarili ko dahil dito. Ayoko talaga ng sobra akong nalilito dahil lang sa nararamdaman kong bago lang sa akin. Na hindi ko alam kung saan galing, kung paano nagsimula.

Umupo ako mula pagkakahiga. Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alexis na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.

"Good morning" Sabi niya sa 'kin saka ako nginitian.

Tiningnan ko siya, pero hindi ko siya nginitian, parang nahihiya akong kausapin siya. After what happened. Parang nahihiya ako ng sobra.

Tangina Cyrd, ngayon pa talaga umurong 'yan dila mo?

Gusto ko bawiin lahat, na mali lang siya ng naiisip mula sa akin. Na hindi totoo lahat ng yun.

"Yeah" Tipid kong sagot saka nag-iwas ng tingin.

"Asan good morning ko?" Dagdag pa niya.

Tiningnan ko ulit siya at nakitang nakangiti pa rin sa akin. I should burn myself now, nakakahiya talaga.

"Wala, stop smiling" Sabi ko saka inirapan siya.

"Why? Are you falling in love to me even more?  Alam ko naman na gwapong-gwapo ka sa'kin" Tumabi siya sa akin saka inilahad ang pagkain na dala niya.

"Asa ka" Sagot ko.

"Kain na"

"Hindi ako gutom" Sabi ko.

Wow lang, normal sa kanya 'to samantalang ako malapit ng sumigaw para  lang matawag ang nasa ilalim ng lupa at ng makain na ako, sanay na sanay a Alexis.

Kita ko kung pano niya sinandok ang pagkain gamit ang kutsara saka itinapat sa bibig ko.

"Dali na, first day ng outing, maraming activities, ayaw mo bang mag-enjoy?" Sabi niya sa akin.

"Hindi na ako makakapag-enjoy lalo na kung makikita ko ang mukha mo, bakit hindi ka na lang sumali  sa iba? Kay Lori samahan mo siya" Iritado kong sagot at hindi ko alam kung saan galing ang iritasyon ko basta lang pumasok sa utak ko si Lori.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon