IV

2.7K 93 22
                                    

Cyrd POV

"You mean you kissed him?" tanong sakin ni Syx, pinag-uusapan namin ang nangyari sa dinner dalawang gabi na ang nakakalipas habang naghihintay na may pumasok na prof. Kinukwento ko sa kanya lahat.

"Muntik lang, and he insisted it he lean on me makinig ka naman kasi" Sagot ko.

Tumango siya at nakatingin lang sa akin.

"Bakit?" Iritado kong tanong.

"Bakit gusto mo siyang halikan?" Ngumisi siya sakin.

"What the fuck Syx, stop it, hindi ko gusto. I asked him to pissed him off" Inis kong sabi.

"And you're the one who got pissed. Wala ka pala mahina ka" Natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at ang loko ay tinawanan lang ako.

"Gago tigilan mo ako" Iritado kong sambit sa kanya.

"Punta kang gym later?" Pag-iiba niya ng usapan.

"For what?" tanong ko din sa kanya.

"Try-out ng basketball sali tayo diba?" Sagot niya sakin

"Ang aga nila magrecruit" Pagtataka ko.

Wala pa naman' instrams or sport fest a, isang linggo pa nga lang halos ng magsimula ang pasukan.

"Ewan, malay mo may laro na laban sa ibang school" Sabi niya sakin.

"Ano sali tayo?" Tumango na lang ako sa kanya at muling idinukdok ang ulo ko sa desk.

Sana kahit saglit man lang ay maipahinga ko ang mga mata ko, Sana wala muna pumasok na prof.

"Okay class attention please" Napamura ako ng mahina nang marinig ko ang boses ng guro namin, kakahiling ko pa lang kaya.

Iniangat ko ang aking ulo at nakita ang apat na lalaking nasa harapan iba ang kulay ng kanilang necktie malamang senior ang mga 'to. Ang samin kasi ay kulay pula ang kanila naman ay asul, napakunot ang noo ko ng may makita akong pamilyar na pigura ng isang lalaki. The big guy wearing a black rectangle glasses. The big nerd.

Putek, bakit ba sunod-sunod kamalasan ko?

Naglilibot ang mga mata niya, at ng lumapat ang tingin nito sa direksyon namin ay agad akong yumuko.

Muli kong idinukdok ang ulo ko sa desk. Sana ay hindi niya ako nakita.

"Sila ang basketball team ng school, at nandito sila para mag-announce" Sabi ng guro ko.

What basketball team? That's why he's with the team last time, player pala talaga.

"Hello good day students, nandito kami to inform all of you about our team's recruitment, para sa mga freshmen ng school na ito. Inaanyayahan namin kayo na sumali sa try-out ng basketball na gaganapin mamaya sa school gymnasium" Sabi ng kilala kong boses.

Damn that voice.

Bakit anlambing nito magsalita ngayon? Samantalang nung ako ang kausap niya ay nasa tono ng pang-aasar, at naiinis ang boses niya.

"Kung sino ang mga interesado sa inyo ay pwede nang magpalista, magpapa-ikot kami ng papel" Sabi ulit niya.

Kahit hindi ko iangat ang tingin ko ay kilala ko ang may-ari ng boses na 'to.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Syx sa tagiliran ko.

"What?!" Mahina kong singhal sa kanya.

"Bakit nakayuko ka pa? Magpalista na tayo" Sagot niya sakin sa mahina din' boses.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon