VIII

2.3K 88 20
                                    

Cyrd POV

Alas onse pasado na ng matapos ang inuman namin nila Syx kasama ang ilan namin kaibigan. Dapat ay mas maaga akong uuwi pero napasarap ang inom ko plus the kwentuhan na hindi na natapos, at damn tama nga si Syx, daming chiks.

Hindi ko kayang umuwi mag-isa buti na lang may kotse ang isa sa amin at nahatid ako.

Naniningkit ang mga mata ko habang binabasa ang papel na nakadikit sa likod ng pinto.

Pagkapasok ko kasi at pagsara ng pinto ay ito agad ang bumungad sakin.

Rules

1.Dapat nasa bahay na before 10 PM Kung hindi, curfew ka mababawasan ang allowance mo.

2.No alcohol kapag nahuli, puro tubig lang kayo for the whole week.

3.Friends can stay until 7pm only no extension or they can't go here again.

4.Dont fight, No fighting or else I will cut your allowance for a month.

5.No girls are allowed, no night parties or I break your legs.

"Ano namang trip nitong mokong na 'to?" Pagtataka ko.

Ilang linggo na ba akong nananatili kasama ang mokong na yun? Ilang buwan? Dalawa tatlo o lima?

Napapiksi ako ng biglang marinig ang pagbukas ng pinto sa likuran ko kaya agad akong lumakad papasok ng sarili kong kwarto.

Pero naharangan niya agad ang daraanan ko.

Pareho kaming galing ng university pero hindi ako sumabay sa kanya kahit na sinabi niyang dapat ay lagi kaming sabay pumasok at umuwi.

"Saan ka galing?" Tanong niya sakin.

Seryoso pa siyang nakatingin sakin na para bang may utang akong eksplenasyon sa kanya.

"Ano naman pake mo kung saan ako galing?" Imbis na sagutin ko siya ay isang mapang-asar na tanong din ibinigay ko sa kanya.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya hinawakan niya pa ang tangos ng kanyang ilong.

"You're drunk saan ka galing? Sino mga kasama mo?" Tanong niya.

"Wala kang pake" Sagot ko.

Bakit ba sa lahat na lang ng ginagawa ko may sinasabi siya? Pinapakielaman niya? As if were really a blood related brother.

"Cyrd why you keep pushing me away? I'm not disgusting as shit" Sabi niya.

"Yes, Alexis you're disgusting as shit, I'm not pushing you away old man ikaw lang tong nagpupumilit na ayaw ko naman kaya wag mo akong sisihin" Sagot ko at tumalikod sa kanya.

Nagsimula akong maglakad pero napatigil ako sa sinabi niya.

"I'm doing my best to be a good brother to you, alam kong ayaw mo samin, sa akin pero bigyan mo naman ako ng chance na ipakitang hindi kami katulad ng iniisip mo, hindi pera ang habol namin sa dad mo" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapasok ako ng kwarto ko.

"I didn't ask you to do that" Bulong ko

Hindi ako nakatulog kagabi ang nasa isip ko ay yung mga sinabi ni Alexis, it bothers me. Walangya nang-guilt trip pa ang gago.

Wala kaming pasok ngayon kaya eto ako pinipilit na makatulog kahit kumakaway na si haring araw sa akin. Gusto ko lang makabawi, kawawa naman ang mga mata kong hindi man lang nakapag-pahinga.

Ilang minuto kong sinubukan matulog pero ayaw talaga. Walangya.

Maliligo na lang muna ako baka sakaling makatulog na ako pagkatapos.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon