Cyrd POV
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Alexis nung nasa kotse kami.
Already have his eyes on me? Ano siya baliw?
Pabalik-balik sa isip ko ang sinabi niya ang boses niya pati ang ngiti habang sinasabi niya iyon.
"Argh! Fuck that old man" Sigaw ko sabay hagis ng damit na tinutupi ko na dapat ilalagay ko sa bag na nireready ko mamaya dahil mamaya na ang byahe namin papunta sa lugar kung saan kami mag-school outing.
Kahit kailan talaga ang gurang na 'yon. Simula ng makilala ko siya, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko!
Kung ano-ano na ang nararamdaman ko. Wala naman 'to noon e, disaster talaga ang makilala siya.
"What's with your noise? Kailangan mo ba ng tulong dyan?" Bigla kong narinig ang boses ni Alexis mula sa labas ng kwarto ko kasunod ng katok niya sa pinto.
Katulad nito, bakit ang bilis bigla ng tibok ng puso ko? E narinig ko lang naman ang boses niya? Hindi, Cyrd huwag kang mag-isip ng iba, malamang dahil lang 'yan sa galit mo. Tama dahil sa inis at galit ko 'to sa kanya kaya ganito na lang ang tibok ng puso ko.
"Don't talk to me, gurang !" Sagot ko sa kanya. Kung pwede lang ayoko muna marinig ang boses niya, makita ang mukha niya o kahit ano tungkol sa kanya dahil mas lalo lang akong hindi makapag-focus dito sa bahay, sa mga bagay-bagay, pati na nga ang pagtutupi ko ngayon ay nagugulo.
The hell. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na biro lang iyon pero it's affect me, too much. Hindi ko maiwasan isipin. Sakin? Sa akin talaga? Bading ba siya o trip niya lang ako dahil gusto niya akong inisin?
"Okay, just tell me kung okay ka na, baka maiwan tayo ng school bus" Sabi ulit ni Alexis sa akin.
Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang nahagis kong damit at itinupi ulit saka ipinasok sa bag.
Ilang minuto pa ay lumabas na ko ng kwarto at naglakad papuntang sala kung saan nakita ko si Alexis na nakatayo malapit sa pinto handang-handa na siya dahil nakasukbit na ang bag sa balikat niya habang nakatuon ang mga mata sa cellphone na hawak niya at nakangiti pa. Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagcecellphone at nakakainis yun, nandito na ako diba!
"Tara na" Pag-aagaw ko ng atensyon niya.
"Hmm...sige" Sabi niya at lumabas na ng hindi pa rin inaalis ang mga mata sa phone niya.
Ano ba ako dito hangin lang? Sino ba kasi 'yan kausap niya?
"I-lock mo na 'tong bahay" Sabi ko ulit iritado na ako a, sino ba yang kausap niya at busy na busy siya tapos tuwang-tuwa pa. Kanina lang pinagmamadali niya ako.
"Ah, sorry okay mauna ka na sa sakayan" Sabi sa 'kin saka ako tiningnan at nginitian.
Fuck!
"Bakit sa kotse mo? Asan ba? Bakit kailangan pa natin mag-commute?" Sabi ko habang tinitingnan siya nang simulan na niya ang paglolock ng pinto.
"I don't have my key, na kay Yael yung susi at nakasakay na siya sa bus na naghihintay sa atin" Sagot niya sakin.
Na kay Yael pala, si Yael din kaya yang kausap niya at ganyan na lang siya kasaya? O baka naman si Lori na?
"Edi magcommute ka mag-isa!" Sigaw ko sa kanya at dumiretso na ako kung saan ang abangan ng sasakyan. Bahala siya pumunta roon mag-isa.
"Sabi ko magcommute ka mag-isa huwag kang sumabay sa akin!" Pagtataboy ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko, pumara lang siya ng taxi.
"Tara na" Sabi niya pinanlisikan ko siya ng mata para ipakitang seryoso ako sa sinabi ko pero ang loko nginitian lang ako at itinulak papasok ng taxi. Tapos ay tumabi rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Brother(UnderRevision)
RomanceCyrd discover a new found love when he met his (future) step-brother, a new journey to see what love is.