XX

2.3K 75 11
                                    

Cyrd POV

Almost 10 am na ako nagising, sobrang sakit ng ulo ko at tila hindi ko kayang bumangon, pero kinaya ko pa rin.

Naligo ako at nag-ayos, ako nalang mag-isa dahil siguradong pumasok na si Alexis kanina pa, suspended nga kasi ako, kaya mag-isa ako sa bahay.

Dumiretso ako sa kusina dahil kailangan na ng laman ng sikmura ko, marunong naman ako magprito ng itlog, o magluto ng ramen. 

"Ah?"

I made your breakfast eat it up :)

Pagbasa ko sa sticky note na nakadikit sa lamesa katabi ng nakatakip na pagkain. Tinanggal ko ang takip at nakita ang nakahain.

Bacon, fried egg, cut tomatoes, and fried rice.

Anong akala niya sa 'kin?  Mauuto niya ako sa ganito? Akala ba niya ganun lang pagkatapos namin magtalo? Tsk. Hindi ko kakainin iyan.

Nilukot ko ang sticky note na nasa kamay ko at itinapon sa basurahang malapit sa lababo saka tinakpan ulit ang pagkaing nakahain. Hindi ko kakainin yan no! Manigas siya.

Kumuha ako ng instant noodles na meron sa cabinet sa taas ng lababo, iyon na lang ang niluto ko at kinain.

Habang kumakain ako biglang bumalik sa akin ang nangyari kagabi. Naglasing ako at nagdala ng mga kaibigan para maglasing kami.

Naalala ko pa ang galit na mukha ni Alexis, at talagang sa amin dalawa siya pa itong nagalit kagabi, dapat ako ang galit dito! Kung makapag-paalis pa siya kala mo sa kanya itong bahay.

I'm your boyfriend Cyrd.

Nang maalala ko ang sinabi ni Alexis nakaramdam ako ng inis at kilig? Mali hindi kilig 'to, baka nginig sa pagka-inis.

"Boyfriend boyfriend!" Bulalas ko na para pang nagt-tantrums ako.

"Argh!" Sa sobrang inis ko natapon ang mainit na noodle sa lamesa buti na lang at mabilis ako kumilos kaya nakaiwas ako sa mainit na sabaw nito.

Nilinis ko ang natapon na noodle saka ako bumalik ng kwarto.

Now I don't know what to do.

Pinilit kong libangin ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games sa phone ko ng may biglang tumawag.

Unknown number?

Hindi pa naman ako mahilig kumausap lalo na sa phone dahil iniisip ko may tracker, sabi nga nila don't talk to strangers.

Pero paano kung emergency? Fine.

"Hello?" Sinagot  ko na lang din ang tawag.

Ilang segundo na walang sagot ang kabilang linya, see dapat siguro talagang hindi ko na lang sinagot.

"Hello?" Tanong ko ulit.

One... Two.. Three.. Wala pa ring sumasagot.

"Sino ba 'to? Kung nant-trip—"

"Pinsan, kamusta na? Baka nakalimutan mo na ako?" Natulala ako sa boses ng nasa kabilang linya, tila ako nawalan ng hangin sa katawan ng marinig ang pamilyar na boses niya.

"Sorry wrong number ka ata" Ibababa ko na sana ang tawag ngunit muli itong nagsalita.

"Cyrd are you trying to act like you don't know me? You can't do that, pareho natin alam na imposibleng makalimutan mo ako" Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko na sa diin ay parang nasasalahan ko na ang dugo.

"Bryan...How did you get my number?"  Mahina kong sabi, na tila ba pati ako ay hindi na mahanap ang sarili kong boses.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon