V

2.5K 96 13
                                    

Cyrd POV

"Dito!" Mula sa malayo ay nakita ko na si Alexis kumakaway sakin.

"Tsk" Inikutan ko siya ng mata tapos ay lumakad ako papunta sa pwesto niya, nakasandal siya sa kotse niya. Ang yabang.

"Sakay" Sabi niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Bakit ako sasakay dyan? Kung saan mo pa ako dalhin" Sagot ko saka siya tinalikuran.

"Sasakay ka gamit ang sarili mong mga paa o bubuhatin pa kita?"

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Ang lakas din ng tama mo no? Ayoko nga!" Sabi ko sabay harap sa direksyon niya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay nagsimula siyang maglakad palapit sa 'kin.

"O bakit?" Taas kilay kong tanong.

Hindi niya iyon sinagot at ngumiti lang.

Napaatras ako ng makapunta siya sa harapan ko at hindi pa tumitigil sa paghakbang na mas ikinalapit niya sa akin.

Nagulat pa ako ng bigla niyang pinihit ang bewang ko.

"Putcha naman! Ibaba mo ako!" Reklamo ko ng buhatin niya ako na para bang isang sako ako ng bigas.

"Wag kang makulit!" Singhal niya.

"Gago ka ibaba mo sabi ako!" Muli kong reklamo bago niya ako tuluyan pinapasok sa loob ng sasakyan.

"Wag mo subukan' bumaba dyan Alvarez dahil hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko" Naramdaman ko ang pagbabanta sa boses niya.

Na nagpatahimik sakin hindi ko din alam kung bakit tila napasunod ako dahil lang sa sinabi niya.

Tahimik akong nakatingin sa pagsakay niya sa driver seat

"Seatbelt on Alvarez"

Hindi ko iyon pinakinggan.

Ipinihit niya ang katawan niya paharap sakin.

"Ako pa ba ang magsusuot niyan sa'yo?"

Inismiran ko siya bago ko sinuot ang seatbelt.

"Oo na" Sabi ko.

"Let me" Saad niya bago siya dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang seatbelt.

"Ako na nga, ang kulit" Reklamo ko at hinampas ang kamay niya.

"Ikaw ang makulit" Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya.

Magkalapit pa halos ang mga mukha namin.

Ng maisuot na niya ang seatbelt sa akin ay tumingin pa siya ng direkta sa mata ko, agad akong umiwas at tumingin na lang sa labas.

"Ano ba—" Naiinis ang mata ko ng guluhin  niya ang buhok ko.

"Good boy" Sabi niya.

Amputa?

"Where's your house? " Tanong niya habang busy sa pagbubuhay ng makina ng sasakyan.

"Secret" sabi ko.

"Alvarez alam mo bang ang sarap mong halikan? kapag hindi mo pa sinagot ang tanong ko ng maayos hahalikan talaga kita hanggang sa mamaga yan mga labi mo" Sunod-sunod niyang sabi sakin.

"Fuck you!" Singhal ko.

"Don't try me Cyrd"

Kinagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Damn you, isusumbong kita kay dad! "

Sinabi ko sa kanya kung saan ang bahay na tinutuluyan ko kasama si dad.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon