XXIV

1.8K 54 5
                                    

Alexis POV

Pagpasok na pagpasok ko sa gym ay siya agad ang nahagip ng paningin ko. At tila napaatras ako. Gusto ko siyang lapitan, kamustahin, gusto ko rin tumakbo paalis dito dahil hindi ko kaya.

Isang linggo, isang linggo ko siyang hindi nasilayan, hindi nakausap, sobrang nangungulila ako sa kanya gusto ko siyang lapitan yakapin pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Nagtama ang mga mata namin, ilang segundo kaming nagkatitigan pero ako ang unang umiwas.

Natapos ang practice na hindi ko siya tinitingnan dahil alam kong nakatingin siya sa'kin, patuloy din ako sa kaka-iwas sa kanya at alam kong kinukuha kahit na ang maliit na tyansa para lang masubukan akong lapitan. Pero hindi ko iyon hinayaan, I need to stay away as much dahil baka kapag nalapitan ko siya, nakausap. Makalimutan ko ang lahat at ialis na lang siya rito, umalis na lang kami at pumunta sa lugar kung saan kami magiging payapa at masaya.

Kaming mga seniors ang unang lumabas ng gym at alam kong nakasunod siya, ramdam ko ang presensya na, rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon, ang hirap magpigil ang hirap kalabin ng sarili mo. Buti nalang tumigil ito sa paghabol sakin at alam ko kung bakit.

.

Natapos ang araw na tila sobra akong napagod, para akong nagbuhat ng tatlong sakong bigas sa pagod na nararamdaman ko, ang bigat ng pakiramdam ko, ang sikip ng dibdib ko.

Nadatnan kong walang tao sa bahay, wala si mom siguro pumasok ito sa kompanya ni tito David, sekretarya pa rin naman siya nito kahit papaano.

Nagluto ako ng sarili kong hapunan, gusto ko sanang matulog na lang pero hindi pumayag ang tyan ko lagyan ko. I miss cooking for someone, having to eat dinner with him. I miss him so much.

Kumunot ang noo ko ng biglang nag ring ang phone ko na nasa lamesa katabi ng pagkain na hinain ko ngayon, agad ko itong kinuha at tiningnan.

Yael's name flash to my screen, kinuha ko iyon at sinagot.

Nag-aalala na naman ba ito? Sinabi ko kasi sa kanya lahat ng nangyari, hindi naman siya nagulat ng sabihin ko ang sa amin ni Cyrd dahil halata naman daw sa'kin. I'm not subtle enough to anyone but Cyrd didn't get it at first hah.

Sinagot ko ang tawag at bumungad ang maingay na musika sa aking tenga.

"Hello?" Tanong ko.

"Hello Alexis?" Sagot nito na mas lalong nakapagpakunot sa noo ko.
Hindi kasi boses ni Yael ang sumagot sa akin, ibang boses pero lalaki.

"Si Syx pala 'to, hiniram ko lang yung phone ni Yael wala kasi akong load hehe" Dagdag nito.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Ahh... Kasi...si"
Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Syx.

"May ginagawa ako, Ibababa ko na" Sabi ko pero hindi ko iyon binaba hinintay ko siyang magsalita. Kasi gusto ko rin marinig, gusto ko rin malaman.

"Wait Alexis... si Cyrd kasi naglalasing, andito siya nagwawala na" Sagot sa akin ni Syx na madaling-madali sa pagsasalita dahil sa sinabi kong ibababa ko na ang tawag.

Napatayo naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig, bakit naglalasing ang batang 'yon?

"Nasaan kayo?" Tanong ko.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon