XV

2.4K 87 5
                                    


Alexis POV

Dumadampi ang lamig ng hangin sa katawan ko habang nakatayo sa ilalim ng puno malapit sa resort na tinutuluyan namin habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakapabilog at nagtatawanan kasabay ng hampas ng alon malapit sa kanila, hindi inaalintana ang lamig ng gabi dahil binibigyan sila ng init ng nagliliyab sa apoy sa gitna ng bilog.

Kung bakit kasi naisipan kong magsando lang.

"Alexis asan si Cyrd? Kanina ko pa kasi siya tinetext to join the bonfire pero wala akong natanggap na reply" Tanong sakin ni Syx ng lumapit ito, katulad ng ibang estudyante nakatopless lang ito.

"Nasa kwarto tulog mukhang pagod sa byahe" Sagot ko.

Natatawa ako sa naisipan ko dahil naalala ko ang itsura ng tulog na Cyrd, cute fuck.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Cyrd, unang kita ko palang sa kanya sa laro, sa gym nakuha na niya ang atensyon ko alam kong nagmukha akong gago dahil sa pinag-gagawa kong kalokohan pagdating sa kanya, ewan ko rin. Natutuwa ako sa tuwing naasar at naiinis siya. Ang cute niya tingnan. hindi ko alam kung bakit na ganito na lang ako kahit alam ko ang sitwasyon namin dalawa. Kapag kasama ko siya nawawala yung ideya na magiging kapatid ko siya oras na mag-isang dibdib ang mga magulang namin.

 
"Huh? Kwarto? So totoo nga ang sabi ni Yael na kayo ang magkashare sa kwarto?" Tanong nito sakin saka ako binigyan ng mapang-asar na tingin.

"Yeah" Simpleng sagot ko.

"So kamusta na kayo ni Yael?" Pag-iiba ko ng topic dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kakangiti sakin ng kakaiba na tila may ibang pinaparating.

"Huh? Kami? tropa lang" Sagot niya saka tumawa.

Oh? Talaga?

Hindi ko alam kung bakit tumatakbo pa rin si Yael palayo kay Syx salamantalang gusto lang naman makipag-kaibigan ni Syx.

"Anyways, pupuntahan ko si Cyrd wala kasi akong kasama sa bonfire eh" Sabi sakin ni Syx.

"Hindi na pagod talaga ata siya ng sobra yayain mo nalang si Yael gusto niya ang bonfire" Pagdadahilan ko para pigilan siya sa plano niyang pagpunta kay Cyrd.

"Alexis!" Rinig kong sigaw ni Yael, tiningnan ko ang pinagmulan ng boses niya at nakita kong nakasuot ito ng puting shirt at ang mabulaklak niyang short na hindi lumampas sa tuhod nito habang palapit samin.

Save

Saktong-sakto lang ang dating ni Yael.

"Man sakto gusto ka samahan ni Syx dun sa bonfire, sige na" Sabi ko saka itinulak-tulak ang likuran ni Syx kay Yael.

"Luh hindi ah! Imbento ka!" Natatawang sabi Syx at kumamot sa batok.

Tiningnan ko lang si Yael at umiling siya bago hinatak si Syx paalis sa pwesto ko.

Sa nakikita ko, tila ba si Syx na ang nagpupumiglas ngayon, natatawa ako.

"Alexis" Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Lori.

She's wearing a short and a croptop, pero may jacket din, pero malamig a.

"Malamig dito" Sabi niya saka inilahad sakin ang towel na hawak niya.

"Hmm, salamat. May kailangan ka?" Tanong ko.

"Wala lang, gusto ko lang na sa first day ng outing ikaw ang kasama ko" Nahihiya niyang sagot. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

Napalunok ako, ito na naman tayo.

"Lori, to make our relationship clear again, gusto ko ulit sana sabihin na itinuturing kitang malapit na kaibigan" Sabi ko.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon