XI

2.3K 89 19
                                    


Third Person POV

Tunog ng kutsarang bakal na tumatambol sa lamesa lang ang tangina maririnig sa hapagkainan kung nasaan nakaupo si Alexis.

Nagsimula siyang kumain sa tahimik na hapagkainan, hindi siya sanay na tahimik ang lamesa, dahil araw-araw, gabi-gabi siyang ginagambala ni Cyrd kapag kumaikain, ngayon lang hindi.

"Bakit hindi pa siya lumalabas? Hindi ba siya nagugutom?" Tanong ni Alexis sa sarili.

Mula kasi ng mangyari yung bagay na yun kagabi ay hindi pa niya nakikita si Cyrd. Hindi naman niya ito masisisi, siya ang bigla na lang humalik sa binata.

Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon ginawa, he just blink and all he knew is he is inch away from the guy.

"Nahihiya ba siya sa ginawa niya? Sino ba naman hindi haha" Sabi niya sa sarili sabay tawa.

Ilang minuto ulit ang lumipas natapos ng kumain si Alexis, nilagay ang pinagkainan sa lababo at sinimulan maghugas ng pinagkainan niya at lahat ng nagamit sa pagluluto. Nagluto pa naman siya as apology sa nangyari pero mukhang ayaw siya nito ni makita man lang  nang matapos siya ay nagpunas siya ng kamay gamit ang towel sa tabi ng bigla siyang makarinig ng yapak ng paa kaya agad na napalingon siya sa likuran, nakita naman niya si Cyrd na kabubukas lang ng refrigerator at kumuha ng bottle water.

"Cyrd hindi ka ba kakain?" Tanong ni Alexis kay Cyrd tapos ay humarap siya dito pero hindi sumagot si Cyrd sa kanya.

"Cyrd sayang naman kung hindi mo kakainin yung niluto ko tsaka hindi ka p—" Hindi natapos ni Alexis ang sasabihin niya nang padabog na inilapag ni Cyrd ang bote ng tubig.

"You dare to talk to me after that shit!" Sigaw ni Cyrd kay Alexis. At si Alexis ay nagtikom bibig lang, kaya nagsimulang maglakad si Cyrd palayo sa nakakatanda pero bigla niyang hinawakan ito sa braso.

"Cyrd kumain ka kahit kaonti, I'll leave if that's what you want" Sabi ni Alexis.

"Then go! Leave! Ano ba ang tingin mo sa'kin? Kung pinagtitripan mo lang ako, tama na, suko na ako" Sunod-sunod na sabi ni Cyrd.

At tila natauhan si Alexis sa sinabi ng mas nakababata sa kanya, binitawan ni Alexis ang pagkakahawak niya kay Cyrd at bigla nalang nagbigay ng ngiti.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ni Alexis habang nakangiti.

"F*ck Alexis hindi mo pa rin gets? Nananadya ka ba?" Sagot ni Cyrd.

"Bakit nga" Tanong ulit ni Alexis

"Because of that fucking—ahh, nevermind bahala ka sa buhay mo!" Sabi ni Cyrd na halatang may pagkairita ang boses.

"Galit ka ba sa ginawa ko?" Tanong ni Alexis na ngayon ay seryoso ng nakatingin kay Cyrd.

"Who the hell wouldn't? A straight guy kissing another straight guy? Baliw ka ba? Why the hell you even kiss me" Galit na sabi ni Cyrd.

Oo galit siya, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya pero mas pinairal niya ang galit.

"At bakit" Sabi ulit ni Cyrd. Nakatitig sa kanya si Alex kaya hindi niya magawang magsalita ng diretso kaya nag-iwas siya mg tingin at ibinaling ang mata sa ibang direksyon.

"A-Ako? You know our fucking situation right?"  Uutal-utal na tanong ni Cyrd.

"Because you're beautiful" Diretsong sagot ni Alexis na naging dahilan upang mapatingin ulit sa kanya si Cyrd na nanlalaki ang  mata.

"Don't joke around you brat! Are you making fun of me now?" Galit na tanong ni Cyrd ng marinig niya ang sagot ni Alexis sa tanong niya, his heart was in danger, sobrang bilis ng tibok ng puso niya na tila may mga kabayong nagkakarerahan, tila bibigay ang kanyang mga tuhod dahil dun, hindi niya alam kung bakit ganun na lamang siya magreak sa sagot nito. Nanlalaki ang mata ni Cyrd na tumingin kay Alexis.

Don't Call Me Brother(UnderRevision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon