Elmicia's POV
Ako si Elmicia Levinne Delago. 17 years old at… ang height ko ay tumatagingting na 4’11! >.<
Alam niyo yung nakakaasar, nakakasakit at nakakatuwa pag may ganitong height ka?
I often get mistaken for a grade schooler. Yan, nakakaasar na medyo nakakatuwa. Bakit? Meron kasing time na tinanong ako ng ‘Ne, di ba grade 6 ka? Anong assignment niyo? Absent kasi anak ko eh.’ Pootek lang. Nangyari ito nung second year ako habang hinihintay ko yung kapatid ko sa may elementary building ng school namen. Masakit sa side ko kasi alam niyo na… height nalang ba talaga ang definition kung anong grade o year ka? Ouch, di ba? Pero ang masaya sa pagkakaroon ko ng…. *EHEM!* ‘CUTE’ height ay yung aking pagiging mukhang baby faced! Buti na lang talaga at medyo nagcompliment ang aking CUTE HEIGHT at CUTE FACE. Ang humble ko noh? Well, sino na nga lang ba ang kakampi sayo kundi ang sarili mo, right? Sabi nga nila, LOVE THY SELF.
Haist… first day na naman ng school at senior highschool na ako. Miss ko na yung barkada kong ‘MALILIIT’. Well, ako lang naman ang MATANGKAD sa tropa namin.
Papasok na sana ako ng gate ng school nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
“LEVI!!!” napalingon ako sa likod at nakita si Mikaela. Levi ang tawag sa akin ng mga friends ko.
“MIKA!!!” tili ko at niyakap ko siya. Siya si Mikaela Francess Salamante, AKA Mika. Siya rin ang pinakamatangkad sa amin sa height na 5’8. Nagbitaw kami sa pagkakayakap. Naglakad na kami papasok ng school.
“O, after two months na di natin pagkikita… kamusta ang height teh?” nakangising tanong sa akin ni Mika. Napasimangot ako bigla.
“Wow… sa lahat ng itatanong mo, ayan talaga ah! Ikaw na matangkad!” sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya. Kaasar na to. Nakita namin sila Dollie, Cassie at Allie na palapit sa amin.
“GUYS!!!” tapos nagyakapan kaming lima habang nagtatatalon.
“T-teka! Hindi na ako makahinga!” reklamo ko. Nagsihiwalayan naman silang apat at nagtawanan. Tinignan ko sila ng masama pero tumatawa parin sila. Di man lang makaramdam! Kaasar!
“Tawa pa!” sabi ko tapos tumigil naman sila at sabay-sabay na kaming naglakad.
“Sana magkaka-block tayo!” sabi ni Dollie.
“Tomoh!” segunda ni Cassie.
“Tara! Punta tayo sa bulletin.” Sabi ni Allie. Tumakbo kami papuntang bulletin at nakipagsiksikan pero di kami makasingit. Lalo naman ako diba? Ang CUTE ng height ko eh! T-in-ap ni Mika yung balikat ko at nginisihan ako.
“Ako na… pahawak muna nito.” sabi sa akin ni Mika at sabay abot ng drinks niya.
“Ikaw na matangkad! Di ko to hawakan eh!” sabi ko sa kanya. Nagtawanan naman sila. Dumami yung tao kaya umurong ako at baka matapon yung drinks na hawak ko. >.< Na-stuck ako. Mas dumadami yung tao. Naso-suffocate na ako. Hawak-hawak ko parin yung drinks. Shit! Nababasa na ako.
“E-excuse… m-me!” sabi ko habang ingat na ingat parin ako sa paghawak ng drinks.
“Shemay! Ang sikip. Excuse me! Padaan ako!” hala! Di ko na mahawakan ng maayos yung drinks!
“Naku, naku—” at tulad nga ng inaasahan…
BOOOOOOOGGGSSSHH!
BINABASA MO ANG
One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)
Humor"Height doesn't matter." Yan ang motto ni Levi. Isang clumsy college student with a cute face and height. Mabait sa mabait. Uto-uto na nga minsan eh. Pero pagdating sa nag-iisang KAPRE sa buhay niya, naku lumalabas ang pagiging 'snapping turtle'...