Levi/Elmicia’s POV
Haaay! Kapagod. Buti na lang nauna kami ng kaunti sa professor kundi patay na. First day bengga agad.
“Good morning class.” bati nung bagong dating na professor. Black rimmed eyeglasses, nakapusod ang buhok, mukhang mataray. Naku familiar siya. Di ko lang matandaan yung name.
“Good morning Ma’am!” bati namin sabay upo.
“I’m Ms. Macarimpot and I’ll be your music teacher and homeroom adviser.”
(о´д'о( ß ganyan reaction naming lahat nung marinig namin yun. Sabi na nga ba! Familiar siya eh. Siya lang naman yung pinaka-terror na professor sa lahat. Super strict daw nito at walang sinasanto. Ultimo mga delinquents sa upper years tiklop dito eh. Kinakabahan tuloy ako. Ano na mangyayari sa amin nito?
“Let me first tell you the things I don’t like. First, ayoko ng late. Sec—” biglang napatigil si Ma’am sa pagsasalita dahil biglang bumukas yung pinto.
“Sorry Ma’am were late.” Sabi nung bagong pasok na matangkad na lalaki. Kasunod niyang pumasok yung mga lalaking matatangkad din.
Infairness, hindi nagtilian ang mga babae dito. Bulungan lang. Takot siguro kay Ma’am. Nakakapanibago. Mga hayok pa man din ito sa mga lalaki. Nagsisipagtilian kapag nakakita ng pogi.
Tiningnan kong maigi yung mga bagong dating. Teka, parang pamilyar tong lalaking to ah. Matangkad, maputi, medyo mahaba yung buhok, pogi pero mukhang mayabang.
Pogi?
Matangkad?
May kasamang mga matatangkad na lalaki.
Mukhang mayabang.
MAYABANG?
(0____0) omo!
“Yung Kapre!”
Nagulat naman ako ng mapansin kong nakatingin silang lahat sa direksyon ko.
Vakeeeet? (ô_ô)?
Tiningnan ko sila Dollie. Nakatingin din sila sa akin at binibigyan ako ng lagot-ka-ano-ba-kasing-pinaggagagawa-mo look. Anebey? Bakit ba? Pero bat ganun si Allie? Nakatulaley lang dun sa mga bagong dating. Ganun ba talaga sila ka-gwapo? [OO! Wag mong sabihing di ka nagwapuhan jan, ang choosy mo teh.] Oo na gwapo na. Mahaderang otor to lagi na lang akong inaapi.
“Did you know that I don’t like late students?” sabi ni Ms. Macarimpot habang nakatingin kila Kapre and Company. :P Bleeh! Buti nga. “--and most especially NOISY students?” tapos biglang tingin sa akin yung terrorista naming adviser. Napansin ko lang ha, kanina pa ako tinitingnan ng masama nung Kapre na yun ah. Tingnan ko nga rin ng masama.
(~,^)ßako. Akala niya siya lang marunong ha.
(,~~)ßsi Kapre.
<( · '^´ · ;)> ßsi Ma’am. “Are you two done with your stare off?” sabi niya.
Wait. Si Ma’am?! Bigla akong umayos ng mukha. Pinagpapawisan ako ng malamig. Naku naman. Basta talaga nasa malapit tong Kapre na to napapahamak ako. [Weh? Dati ka nang palpakin no.] Sheddah pashnea! Intrimitidang otor. Eh sa gusto kong isisi sa kanya lahat ng kamalasan ko for this day eh. Vahket bey? Kanya-kanyang trip lang yan.
“Why are you late Mister and company?” tanong ni ma’am dun sa Kapre. Oh ha? Halos parehas lang kami ng tawag.
“Sorry Ma’am, we went practicing this morning and na-late po kami dahil nag-palit po kami ng uniform. Sorry ma’am, it won’t happen again.” Sabi ni Kapre. Marunong pala siyang mag-sorry.
“Okay. Pero don’t you dare use your being varsity players as an excuse to be late in my subject again. And you, miss, please refrain from shouting names at your classmates. It’s a bad habit. Although I will be surprised also to see such height for a 17-year old student. You may fill the empty seats and we will start by introducing yourselves.”
BINABASA MO ANG
One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)
Humor"Height doesn't matter." Yan ang motto ni Levi. Isang clumsy college student with a cute face and height. Mabait sa mabait. Uto-uto na nga minsan eh. Pero pagdating sa nag-iisang KAPRE sa buhay niya, naku lumalabas ang pagiging 'snapping turtle'...