*Chapter Echos [extra lang po ito]

35 0 0
                                    

Author’s POV [oh ha? Meron din ako! It’s vendetta time! *evil laugh*]

Sa sobrang SAMA NG LOOB gawa ng mga tao sa kanyang paligid, napag-desisyunan ni Elmicia na umalis na lang. Habang dahan-dahan siyang naglalakad nang nakatungo pababa ng 3rd floor, napansin niya ang isang bukas na locker na kasing laki ng isang cabinet na pinaglalagyan ng mga cleaning materials. Unti-unti siyang lumapit sa bukas na locker at may kinuha sa loob nito na isang mahaba ngunit matibay na bagay. Habang hawak ito ay unti-unting gumuhit sa kanyang mukha ang isang nakakapangilabot na ideya. Naisip niya ang kwento tungkol sa lumang lab building ng school nila.

 “Ito ang solusyon sa problema ko. Buti ka pa, dadamayan mo ko at tutulungang tapusin ang mga problema ko at sama ng loob.” Sambit niya habang tinatanggal sa pagkakabuhol ang bagay na iyon.

Tama – isang lubid. Nang matanggal niya ito sa pagkakabuhol, pumunta siya sa lumang laboratory sa likod ng school nila na pinaniniwalaang haunted. Tiningnan niya ang paligid ng building. Walang tao, madumi, malamig at mahangin. Napangisi siya at pumasok sa loob ng laboratory. Dumeretso siya sa puwesto kung saan pinaniniwalaang nagpakamatay ang isang babaeng nagbigti dahil sa pang-bu-bully.

“Malungkot mag-isa hindi ba? Lalo na kung pinagtutulungan kang bigyan ng sama ng loob ng mga tao sa paligid mo.” Sambit niya habang iginagala ang kanyang mata sa loob ng classroom na iyon. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na iyon na kahit ano kung hindi sama ng loob. Nang maiayos niya na ang lubid sa pagkakatali mula sa kisame, tumuntong na siya sa isa sa mga mesa doon. Nang maka-akyat na doon ay inilibot niya muli ang kanyang mata sa classroom. Napansin niyang may gumalaw mula sa labas ng pinto. Matatakutin siya ngunit nakapagtatakang wala siyang anumang takot na nararamdaman. Mula sa mesang kinatatayuan niya, tinitigan niyang mabuti ang pigurang nabubuo sa may pinto. May nakita siyang babaeng nakasilip sa kanya mula sa pintuan ng classroom. ‘Babae? Hindi kaya ito ang napapabalitang multo dito?’ Tanong niya sa kanyang sarili.

“Ikaw ba yung babaeng na-bully dito?” tanong ni Elmicia sa babaeng nakasilip sa pinto. Nanatiling nakatingin lang sa kanya ang babae at walang ekspresyon. Nginitian niya ito at muling nagsalita.

“Malungkot mag-isa di ba? Lalo na yung pakiramdam na pinagtutulungan ka.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Napangiti siya ng mapait.

“Pero mas masakit kung may mga kaibigan ka nga pero sila pa ang nagbibigay ng sama ng loob sayo.”  Muli niyang tiningnan ang babae at nginitian muli ito. Sa pagkakataong iyon, she gave her a sweet, peaceful smile.

“Don’t worry, sasamahan kita para di ka na malungkot. At para may matahimik na din ang loob ko.” Sa pagkakataong iyon, isinuot na niya sa leeg niya nag lubid at dahan-dahang naglakad sa gilid ng mesa. She is about to jump down the desk when suddenly memories come flashing into her mind. Muling bumalik sa kanya ang mga alaala ng masasayang panahong kasama niya ang mga kaibigan niya. Muli siyang napaluha and hesitated to jump but she didn’t noticed that she was at the edge of the table! All her weight shifted down to the table. At biglang-- BOOOOOOOOOGSH! Bumagsak ang mesa kasabay ng kanyang katawang nakabitin mula sa kisame. Pinilit niyang kumawala sa pagkakabigti ngunit talagang mahigpit na ito. Hindi na siya makahinga. Pilit pa rin niyang ikinakawag ang kanyang mga paa habang pilit niyang hinihila papalayo ang lubid na sumasakal ngayon sa kanyang leeg.

Dahil sa pilit niyang pagkawag ng kanyang paa, nagtagumpay siyang makawala at tuluyang bumagsak…

.

.

.

.

…ang kisame dahil hindi nito kinaya ang kanyang bigat.

Naman guys! Lumang laboratory building nga di ba? Eh, ang bigat pa niya. Talaga naman, oo. Di naman ako ganun kasama. Onti lang. (^____________^)V

Hindi pa maatim ng aking imahinasyon na pumatay [sa ngayon] ng pangunahing tauhan sa aking istorya. Haaay… buti na lang mabaet ako. Di na ako badterpz sa kanya. Oh, ayan na. Matino na yung sunod kong UD. Promise!  Bati na kami ni Elmicia. Naglumuhod kasi siya sakin nung malaman niya yung pwedeng mangyari sa kanya kung mabubwiset pa din ako sa kanya. Andrama niya masyado, natapunan lang ng juice papakamatay na.

( ˘ں˘ ) I so love myself! O sige na. Tama na to. Trip lang naman tong chapter na to eh. HAppy HAlloween!

One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon