Levi/Elmicia’s POV
Nang naglalakad na kami pababa ng hagdan, parang may nakalimutan ako. Kinapa ko yung bulsa ko. Sabi na nga ba eh.
“Ahhhm, guys. Mauna na kayo. Hintayin niyo na lang ako sa canteen.”
“Huh? Bakit?” tanong ni Cassie
“Eh, nakalimutan ko kasi yung wallet ko eh.”
“HAaaay. Anu pa bang bago? Sige na. Bumalik ka na se-save-an ka na lang namin ng upuan. Bilisan mo ha.” Sabi ni Mich
At tumakbo ako pabalik ng room. Ang hilig ko tumakbo no? Mahirap nang magtagal at baka mabatukan ako nila Mich. Ang sakit pa man ding mambatok nun. Ang lalaki pang tao.
Ayan na. nakikita ko na yung pinto ng classroom. Lalo ko pang binilisan yung takbo ko para makabalik agad ako kaso nung papasok na ako…
.
.
.
…Nadulas naman ako.
TT^TT waaaah. Ayoko na! Kanina pa tumatama yung pwet ko sa sahig. Ansakit-sakit na. Feeling ko nag-flat na nga siya eh. Pero baka lumaki din kasi namaga na sa kakabagsak niya sa sahig.
“Aray… ”(─┬──_──┬─) ang tanga naman ng sahig!
Nakita ko na lang na may nag-abot sa akin ng kamay para itayo ako. Tumingala naman ako para makita kung sino siya.
HOMIGOWSH!!! He’s so gwapo! Mukha siyang Korean. Para siyang si Tak Goo [main character ng Baker king. Korean series po yun]
“Ahm, are you okay? Mukhang masama pagkabagsak mo ah.” Then inabot niya yung kamay ko at dahan-dahan niya akong inalalayan patayo.
“Ah, t-thank y-you.” >///< HANUBAYAN! Nag-stammer pa ko. Nakaka-utal naman kasi ang kagwapuhan niya. Pero parang pamilyar yung boses niya. San ko nga ba narinig yun?
“You’re welcome. Ayos ka na ba?” tanong niya ulit. Ang gwapo niya talaga. Yung mukha niya sobrang concern. Ampness! Crush ko na siya!
“Ahm, oo. Ayos na ko. Salamat ulit ah.” Echos! Ang plastic ko. Ni hindi nga ako makaalis sa pwesto ko kasi masakit talaga yung pwet ko. TT^TT makalakad pa kaya ako ng maayos nito? Sana umalis na siya. Nakakahiya naman kung makita niya akong uugod-ugod lumakad diba? Wa poise yun, dyahe.
“By the way, I’m Glenn. ” *extends his hand and smiles*My goodness gracious! Ang hot niya. Pinagpapawisan ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatulala lang ako sa pogi niyang pez.
“Hey, are you sure you’re okay? Pinagpapawisan ka na oh. *sabay punas ng pawis sa noo ko* Masama nga yata ang bagsak mo. Dalhin na kaya kita sa clinic?” nag-aalala pa rin niyang tanong sakin.
Homigosh! Can I just die? [Gusto mo talaga? Madali akong kausap.] Wag! Oh please, no! Gusto ko pang kiligin. (^-^)V
Hmmm… Ambango ng panyo niya. Pero hindi to pwede! Kailangan ko nang makabalik sa canteen. For sure kanina pa nila ako hinihintay dun.
“Ahm, I’m really fine. Medyo naiinitan lang ako. I’m Levi by the way.” Then I shook his hand. Ay naku teh, heaven! Ang lambot ng kamay niya. Parang hindi kamay ng lalaki. Mas malambot pa ata sa kamay ko to eh. At kahit gusto ko pang makipag-‘holding hands’ sa kanya, binawi ko na kamay ko. Baka mahalata niyang gusto ko siyang ibulsa eh.
“Sige ha, pasok na ko sa loob. May kukunin pa kasi ako eh.” At pumasok na ako sa room. ^__________________________^ ang saya-saya! Parang ayoko nang kumaen. Busog na ako sa kanya. Grrrrrrr!
[a/n: e2 ung nwala. slamat s correction Zcelynne! nagloloko kasi ung net eh]
BINABASA MO ANG
One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)
Humor"Height doesn't matter." Yan ang motto ni Levi. Isang clumsy college student with a cute face and height. Mabait sa mabait. Uto-uto na nga minsan eh. Pero pagdating sa nag-iisang KAPRE sa buhay niya, naku lumalabas ang pagiging 'snapping turtle'...