Glenn’s POV
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!” umiyak ito bigla.
Hala?! /(о´д'о)\
Ano ba yung mga pinaggagagawa ko?! Pinaiyak ko na siya! Waaaaaaaaaah! Pano na ba
ito?!
Inupo ko siya sa bench at umupo naman ako sa harapan niya. Hindi naman totally
salampak. Nakaharap lang ako sa kanya na paupo.
“Shhh… Ello… wag ka na umiyak, please? Tahan na… sorry na…ikaw kasi eh. Kanina mo
pa ako binabara eh. Sorry na. Gagawin ko lahat ng gusto wag ka lang umiyak. Sige na
oh.” Pag-aalo ko sa kanya. Tumigil naman ito sa pag-iyak at hinarap ako.
“Ih*hick* kaw…*hick*kasi…eh! Nakakatakot ka eh!” TT^TT sabi niya sa akin na
mangiyak-ngiyak parin. Malay ko bang matatakot pala siya sa ginawa ko. (-__-“)7
Wait lang, akala ko kapag ginawa ko yun eh, kikiligin siya? Mukhang di naman siya
kinilig eh. Sinungaling talaga tong Ivan Jeric na to eh!
“Kahit kailan talaga sinungaling yung lalaking tukmol na yun…” bulong ko.
“May sinabi ka ba?”tanong nito sa akin. Nagulat naman ako.
“E-eh?! Ang ibig kong sabihin eh, bakit ka nga ba naligaw dito?” pag-iiba ko. Sana di
ka na magtanong.
>...< Mukhang effective naman.
“Sa Saint Andrews ako nag-aaral. Fourth year na ako. Pumunta ako dito kasi… trip
ko lang. Tototo yung sinabi ko sayo na pinapasok ako ni Manong Guard dito, mukha
kasing close sila ni ate eh kasi pinagkamalan niya akong si ate kanina. First time ko
lang dito kaya naligaw ako at nakita mong umiiyak. Sorry kung binabara kita kanina
ah. Ganun talaga ako kapag natatatakot na eh.” sabi nito.
Tumango-tango na lang ako. Grabe, isang tanong lang yun ang dami ng sagot.
^__________^ Nakakatuwa pala siya.
“Nga pala. Anong name mo?” sabi nito.
Ang angelic na ng boses niya ngayon ah.
Sobrang inosente pati yung way ng pagtingin niya. Paiyakin ko pa kaya? Hehe ang
sama ko.
“Oo nga pala. Sorry nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Glenn.” Tapos
nilahad ko yung kamay ko. Ngumiti naman siya at inabot yung kamay ko. Hindi ko
alam pero yung oras na nahawakan ko yung kamay niya may kung ano akong narinig.
Ba-dump…
Ba-dump…
Ba-dump…
Ano yun? Napatayo ako bigla at mukhang pati siya nagulat. Pati rin naman ako eh
nagulat sa inasal ko.
<3 <3 <3
Leize POV
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. Tapos tinakpan niya yung bibig niya ng kaliwa
niyang kamay at umiwas ng tingin sa akin.
“Glenn? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito ng sunod-sunod. Napansin kong parang namumula siya. Kaya
tumayo na din ako at hinawakan yung noo niya. Napatingin naman siya sa akin pero
nakatakip parin yung kamay niya sa bibig niya. Lumayo siya sa akin at tumalikod.
(??_??)
Nakakapagtaka naman.
Anyare dito?
Nasusuka kaya siya?
Humarap ito sa akin na nakangiti.
(^____________^)
“Saan mo gusto kita ihatid papunta?” sabi nito na nakangiti parin ng maluwag. Wait
lang- ANO DAW?! Di ko naintindihan yun ah.
“Sa…Main…Building...?” sabi ko ng nakangiwi. Tama ba yung sinagot ko? Yun lang kasi
yung naaalala ko na sinabi ni ate eh. Hinila niya bigla yung kamay ko. Hindi na lang
ako pumalag. Ang lambot ng kamay eh! Tamad siguro to. Hahahaha! Napansin kong
huminto na si Glenn sa paglalakad. Tinignan ko naman yung paligid. Ito na siguro yung
Main Building. Binitiwan na ni Glenn yung kamay ko. Pumunta ako sa harapan ni Glenn.
“Glenn.” Sabi ko sa kanya.
“Hmm?” Tugon niya.
“Yung kamay mo ang lambot…” sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti naman siya ng parang nahihiya tapos nagkamot ng batok. Ang kyut!
Ganito oh à(^///^)7
“Tamad ka siguro no?” biglang hirit ko. Natigil naman siya at napanganga.
(O Д O)7 ß Glenn
Magsasalita na sana siya kaso inunahan ko na.
“Joke lang! Pero di nga, di ka gumagawa sa bahay?” pabirong tanong ko sa kanya.
Tumawa naman kaming dalawa.
“Patawa ka talaga Ello.” Tapos p-in-at niya yung ulo ko. Tinignan niya yung relo niya
at nagulat ako dahil napasigaw siya.
“Sobrang late na pala ako! Waaaaaaaaah! Pano na ito?” sabi niya with matching talon
factor pa. Ang kyut lang parang bata.
“Sige na Glenn. Thanks nga pala ah.” Tapos nginitian ko siya.
Tumalikod na ako at nag-wave sa kanya pero bago ako tuluyang makaalis eh may
humila ng kamay ko.
Lumingon ako sa likod at nakita ko si Glenn na hawak-hawak yung kamay ko. Teka
lang parang iba na yung aura ni Glenn ngayon. Nakatitig siya sa akin with a blank
expression that gave me creeps. Natatakot na ako kay Glenn.
“G-gleenn-” nagulat ako ng bigla niyang hinalikan yung kamay ko.
“See you later… Ellodie…” tapos umalis na siya. Ako naiwang nakatulala doon.
Did he really do that..?
Shemay…
My heart starts to beat so fast… for that weird guy.
[a/n: ok ba? wala lang. naisipan lng namin ng kapatid ko na isali siya sa kwentong ito. ang landi eh. ayaw p kasi niyang i-post yung sariling story niya. btw, please comment and kindly give me your feed backs. libre naman siya diba? thanks! hi glenna! :P]
BINABASA MO ANG
One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)
Humor"Height doesn't matter." Yan ang motto ni Levi. Isang clumsy college student with a cute face and height. Mabait sa mabait. Uto-uto na nga minsan eh. Pero pagdating sa nag-iisang KAPRE sa buhay niya, naku lumalabas ang pagiging 'snapping turtle'...