Chapter 2.2 [continuation]

29 1 0
                                    

Levi/Elmicia’s POV

“WAAAAAAAHH! BULLY KA DIN! Kanina sina Allie at Mich, ngayon naman ikaw! GANYAN BA ANG KAIBIGAN?! TTOTT” - ako

“Ang drama mo! Hinaan mo kaya boses mo. Ang lakas-lakas kaya. Nakakahiya nandito pa man din tayo sa hallway.” sabi ni Cassie

“Eh kasi naman *hik* ₀· ˚ ˚ ·(>д<;)· ˚ ˚ ·₀ *singhot ng sipon* [kaderders! You’re such a pig!] sila Mich at Allie kanina *hik* pinagtitripan ako. Nabuhusan na nga ako ng drinks niya eh.” Tapos kinuwento ko yung nangyari kanina habang hinahanap ko sila.

“Ah, so in short, ang bottom line niyan ay manghihiram ka ng pamalit, right?” si Cassie

“Galing mo talaga! Kaya labs na labs kita eh!”

“Aysows. Andami mo pang sinabeng kadramahan eh.”Cassie

“May extra PE shirt ako sa locker. Kunin mo na lang, alam mo naman yung number combination ng lock ko eh.” Sabi ni Dollie. Hindi ko kasi ka-size si Cassie eh. Malnourished yun eh. Peace mehn! Over nourished kasi ako [naks! Bumawi!] at mejo kasya saken yung shirt ni Dollie.

So humayo na ako para magpalit.

Nang makuha ko na yung damit, dumeretso na ako papuntang sa cr. Nang malapit na ako sa cr ng girls ay may nahagip ang aking tantalizing eyes. [kapal!] (ô.ô)!!!

Pashnea! Na-stunned ako at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. May naghahalikan sa may pintuan ng cr ng boys. No! (/_\)My virgin eyes! Kadiri naman tong mga lovers na to. [LOVERS?!] GAGA! Lovers na boy and girl! Hindi yang iniisip mo! [Ah, eh kasi naman sabi mo may naghahalikan sa may CR NG BOYS. Eh sino ba lumalabas sa cr nila di ba? Edi sila-sila rin.] Ang dumi talaga ng utak mong otor ka! Mabalik tayo dun sa may kissing scene.

Ayun oh, mukhang bising-busy sila sa ginagawa nila kaya hindi nila ako napapansin. No choice ako kundi dumaan sa harap nila dahil sa tabi lang nun ang cr ng girls. Medyo tinakpan ko yung mata ko [take note mga dre, MEDYO tinakpan] at dahan dahang lumakad papuntang cr na di gumagawa ng ingay. Pero ayaw yata ng otor na hindi ako makagawa ng eksena at mapahamak dahil sa kakalakad ko ay nabunggo ko ang pintuan ng cr ng girls. Napatigil yung dalawa sa ginagawa nilang “naglulumiyab” [wuu lalim!] na eksena. Tinignan nila akong dalawa. Yung lalaki, mukhang nagulat pagkakita sa akin tapos yung babae, well, ano pa nga ba? Syempre nakataas yung kilay at mukhang nabitin.

Dahan dahan kong binaba yung kamay ko na MEDYO nakatakip sa aking charming pez [self-supporting oh. Wala kasing pumupuri.] At hinarap silang dalawa. Tapos nginitian ko sila ng alanganin.

“Uhm. Haha! (^----^;)Sorry to interrupt. Please continue. Bye!”tapos pumasok na ako sa cr habang sapo-sapo ko yung dibdib ko. Grabe lungs. Hindi ko nakeribels! Pumasok na ako sa bakanteng cubicle at nagbihis na.

One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon