Chapter 3.1

32 0 0
                                    

Allie’s POV [naks! Perstaym to ah!]

“Hay, August, kelan ka kaya babalik?*sigh*” si Mich habang nakapangalumbaba at  nakatingin sa profile picture ng kanyang “tutang pag-ibig”. [Puppy love yan. Oo na. ako na corny --___--‘’’] Ewan ko ba dito sa babaeng to, well, super nag-iinaso talaga yan kapag bigla-biglang nagpa-pop out sa isip niya ang pez ng kanyang ‘perslab’ DAW.

At dahil kami ay ever supportive friends, eto ang mga sumunod na eksena…

“Di na babalik yun.” Ako.

“Kasi may Amerikana na yun dun.” Dollie

“UHHHHH!! Kasi naman eh!” Mich ○(><)○

“Wag nga kayong ganyan!” saway sa amin ni Cassie.

Napatingin kami kay Cassie. Naka-poker face siya sabay tingin kay Mich.

“Uuwi pa yun.” Bigla siyang niyakap ni Mich habang nagtatatalon.

“Waaaaa! Ikaw lang kakampi ko dito!” T^T maluha-luhang sabi ni Mich habang yakap niya si Cassie. Tapos binelatan kami at ngumisi. Parang baliw lang noh? Bayaan niyo na, natural lang sa kanya yan.

“Siyempre naman uuwi yun dito noh. Iuuwi niya yung Amerikana niya dito, tapos ipapakilala sa parents niya. Tapos magpapakasal sila at dahil sobrang nasaktan ka at first love mo siya, di ka makakamove-on at tatanda kang dalaga. Pag tumanda kang dalaga, magiging masungit ka. At dahil masungit ka, maha-high blood ka at aatakihin ka ng hypertension. At dahil inatake ka ng hypertension, mamamatay ka. Pag namatay ka, mapupunta ka sa hell kasi madami kang napagsungitan nung nabubuhay ka pa. The end.” Mahabang paliwanag ni Cassie

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tawa kami ng tawa ni Dollie dahil sa sinabi ni Cassie. Akalain niyo ba namang sabihin niya yun habang naka-straight face siya? At yung mukha ni Mich, ang EPIC! Hindi maintindihan ang itsura. Nanlalaki yung mata niya sa shock at the same time naluluha-luha na rin. Ang babaet naming tropa noh? Ganyan talaga kami magmahalan. Cariño brutal.

“Woooooooh!! Da best ka talaga bumanat!” Sabi ni Dollie kay Cassie sabay lingon kay Mich. “PFFFFFT! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA !” ^O^ ang wagas ng tawa niya. Nakikita ko na yung tonsils niya na gumagalaw-galaw. Tapos si Mich naman paiyak na.

“So, ano ang bottom line dun sa sinabi mo?” tanong ko kay Cassie.

“Wag i-stalk ang facebook ng crush sa harap ng supportive mong friends.” Biglang sabat ni Babes. Sino si Babes? Basahin niyo ulit yung chapter 2. Aba! Kasali pala to dito? Anong konek ng sinabi niya?

 “At saan ka galing, ha, malanding babaita?” Sabay-sabay naming tanong sa kanya. Sweet namin noh?

“Dyan lang sa tabi-tabi. Naghahanap ng pogi.” With matching pagwagayway [nosebleed!] ng kanyang bagong manicured nails. Sige na! Ikaw na may nail art!

One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon