Glenn’s POV
[By my sister’s demand. Crush niya daw si Glenn eh. Anlande.]
Kasalukuyan akong nasa Gym ngayon at nagpapahinga. Katatapos ko lang kasing magpraktis ng basketball.
Hay~ ka-boring. Walang magawa. Tinignan ko yung relo ko.
10:45 a.m na pala. Late narin pala ako.
Hehe. (^_^)7 dali-dali akong lumabas ng Gym. Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansin akong babaeng umiiyak.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Asan na ako?! Ate ko!” sigaw nito habang umiiyak.
( '.')??
Parang ngayon ko lang nakita yung uniform niya.
Mukhang hindi siya tagadito. Pero paano siya nakapasok? Dahil na-curious ako ay nilapitan ko siya.
“Miss?” tanong ko at dahan-dahan itong lumingon sa akin.
(0____0)
“Levi?!” naibulaslas ko. Mas umiyak pa siya lalo.
“Teka lang, Levi… ano… shh… wag ka nang umiyak please? Hindi ko alam yung gagawin ko eh.” pero patuloy parin ito sa pag-iyak.
Argh! Ano bang gagawin ko?!
( · O ·)*lightbulb*
Sana effective to.
Dahil wala akong ibang maisip na gawin, binuhat ko na lang siya. Yung paharap sa akin.
Yung buhat baby. Basta ganon imagine-in niyo na lang.
Tumigil siya sa pag-iyak kaya natitigan ko siya ng mabuti. Teka lang, parang may naiba sa kanya. Mas mahaba yung pilik mata niya ngayon, mas mahaba din yung buhok niya at fullbangs pa ito at may ribbon na blue.
Teka? Parang tumangkad siya ah.
“Um… ano… pwede mo na ba akong ibaba… kuya?” mahinang sabi niya.
Agad ko naman siyang binaba. Pagkababa ko sa kanya ay napansin ko yung height niya.
“Levi… tumangkad ka ata.” Tapos pinat ko pa yung ulo niya.
“Hindi ako si Levi.” Masungit na sabi nito. Wait- ano daw?!
“EH?!” malakas kong sabi.
Leize’s POV
“EH?!” malakas nitong sabi. Aray! Grabe! Parang ang layo ko sa kanya eh noh.
“Hindi ikaw si Levi?! Edi sino ka? Paano ka nakapasok dito? Sino nagpapasok sayo dito? Bakit kamukha mo si Levi?” sunod-sunod na tanong nito. Grabe, nakalunok siguro ito ng armalite. Sunod-sunod magtanong eh.
Tinakpan ko ng daliri ko yung labi niya.
“Shh… sandali lang. isa-isa lang naman. Pwede?” sabi ko kanya.
Tumango naman siya at dahan-dahan kong tinanggal yung daliri ko sa kanya.
“Okay… first question.” Umubo naman ito. Ay teka lang, POGI pala siya!
>/////////< Oh my god!
Bakit ngayon ko lang napansin? Kaloka! Naku, kakahiya yung kanina. Di ko na lang pinahalata na kinikilig ako ng todo. Pinakinggan ko nalang siya.
Grabeh… *Q*
*drools*
“Okay. Sino ka?” seryoso nitong tanong. Grabe mas pogi siya kapag seryoso.
Kakatunaw pa yung look niya. My gahwd!
“Leize Ellodie. Ello for short.”
“Paano ka nakapasok dito?”
“Edi dumaan sa pintuan. Sa gate.” Tapos binigyan niya ako ng ‘Seriously?!’ look.
Binigyan ko naman siya ng Oo-nga-kulit-nito look.
“Ehem. Sino nagpapasok sayo dito?” tanong niya ulit. Andaming tanong!
“Si Manong Guard.” Nakangiti kong sabi.
“Bat kamukha mo si Levi?” here comes Boy Tanong. Takte naman oh!
“Bakit ang dami mong tanong?” pag-iiba ko ng usapan. Eh sa nakakatamad at nakakaasar na lagi na lang yan ang naririnig kong tanong ng mga tao sa akin eh.
“Wha- You-“
“Shh…” tapos tinapakpan ko na naman ng daliri ko yung labi niya. Grabe! Ako na ang malandi! Ang lambot ng lips niya! Kyaaaaaaaaah!
Babawiin ko na sana yung kamay ng bigla niya itong hinawakan. Eh? Hinila ko ulit pero mas hinigpitan niya yung paghawak sa kamay ko. [Patay ka! Yan kasi ang landi landi!]
Tumigil ka nga! Di ka nakakatulong! Waaaaaaaaaaaaaah! Ano ba itong gulong pinasukan ko.
Tinignan ko siya.
Bale, yung kamay ko hawak-hawak tapos yung mga daliri ko nasa labi niya.
OH MY GOD! Watta scene!
“A-are y-you… trying to… s-seduce m-me…?” utal-utal kong sabi. Assumer na ba ako masyado?
Kasi eh! Kakatunaw yung titig niya eh.
Tapos mas hinila niya pa yung kamay ko at hinapit ang bewang ko.
Ilang inches na lang! OH MY GOD! Tatalon na puso ko.
Grabe ang lapit na masyado ng mukha niya sa pez ko! Waaaaaaaaah! Ano na to?!
Help, help! Tapos unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya kaya napapikit ako.
Naramdaman ko na lang yung hininga niya sa kanang tenga ko.
>////////////<
“Why… are you being seduced?” he said with a husky voice.
My God! Mahihimatay na ako dito.
Napadilat ako at pagdilat ko nakatingin na siya sa akin. Di ko na talaga kaya ito.
Kanina pa ako…
.
.
.
.
.
…NAIIYAK!
₀· ˚ ˚ ·(>д<;)· ˚ ˚ ·₀
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” tuluyan na akong umiyak.
[a/n:yan po muna for today. ngarag eh. salamat po sa mga nag read and nag-vote chaka po sa mga napilitang basahin. hehe ^____^ thank you very, very much!]
![](https://img.wattpad.com/cover/2519735-288-k892e24.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Clumsiness and I'll Fall (ON HOLD)
Humor"Height doesn't matter." Yan ang motto ni Levi. Isang clumsy college student with a cute face and height. Mabait sa mabait. Uto-uto na nga minsan eh. Pero pagdating sa nag-iisang KAPRE sa buhay niya, naku lumalabas ang pagiging 'snapping turtle'...