KC: One Night

890 27 9
                                    

Rita's POV

Iritang irita talaga ko kay Daddy ngayon. Pinauwi ako ng Pilipinas para maging General Manager lang? CEO ako ng sarili kong kumpanya sa Spain tapos papauwiin ako dito para sa isang posisyon na ganto? Hindi ko alam kung anong gusto ng Daddy pero I have no choice. Mahal na mahal ko si Daddy kaya di ko sya kayang di sundin.

Hays. Hindi ko naman hinihingi 'tong kumpanya na to pero pilit binibigay sakin.

Papunta na ko ngayon para sa isang dinner date kasama si Daddy at kung sino mang lalaki yon. Alam ko naman kasing may irereto sya sakin. Noon pa man ay gustong gusto nya nakong nakikipag meet sa mga anak ng mga kapwa nya businessman. Pero kahit ni minsan ay di ako sumipot.

Nakaramdam ako ng sakit sa puson kaya medyo nagpahinga na muna ko sa office ko, im sure umuusok na naman ang ilong ng Daddy ko.

Ilang minuto lang ay napagdesisyunan ko na ding umalis.

Naiilang ako dito sa lalaking kasama ko sa elevator, kung makatitig akala mo kakain ng tao.

Bigla akong nabothered nung humawak sya sa tyan nya, kitang kita sa mukha nya yung sakit. Nagulat nalang ako ng kumapit sya sakin at nawalan ng malay.

"Ma'am Rita ano pong nangyari sa kanya?"
Sabi ng staff.

"I don't know. Bigla nalang syang natumba."

"Ken, ken?" Tinatapik nung staff yung lalaki.

"Sige po Ma'am. Kami na po magdadala sa kanya sa clinic."

"Ok." At umalis na 'ko.

Pagdating ko sa place ay nandun ang daddy. Buti naman at wala syang kasama. Akala ko ay ibubugaw na talaga nya ko.

"Good evening, daddy." At bumeso ko sa kanya.

"Hi iha."

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla syang magsalita.

"Iha, bukas imeet mo na yung anak ni Mr. Prada ha? Nak, doctor yun."

"Dad, alam mo namang wala akong balak mag asawa diba? Sakit lang yan sa ulo. Isa pa di ko naman kailangan ng lalaki sa buhay ko. Wag nyong problemahin ang anak, pede ako umampon."

"Anak, 30 years old kana. Hindi pa ba time para sarili mo naman isipin mo? Puro ka trabaho? Kung tutuusin ay hindi mo na kailangan magtrabaho."

"Dad alam ko na kung san papunta to. Mahal ko ang trabaho ko. Para ko ng anak ang mga kumpanya natin."

"Please do this for me anak?" Dito nako nahihirapan humindi kay Dad eh.

"Sige na dad. Nako pasalamat ka talaga mahal kita."

"Hahaha I love you too anak."

Natapos yung dinner namin ni Dad ng nakangiti kami. Si Mama kasi ayaw nyang lumalabas ng ganto. Gusto nya lang nasa bahay, nag aasikaso, nagluluto, nagtatanim, in short simpleng tao lang si mama. Pag kasama ko si Mama, feeling ko simpleng tao lang din ako.

Maaga kong nagising dahil madami pa kong aasikasuhin sa company ni Dad. Pero kailangan ko din munang dumaan sa doctor, para ipatingin kung bakit sumasakit yung puson ko.



"Good morning Ms Rita" bati ng doctor sakin.

"Good morning Doc."

"How was it doc? Need ko bang magpasurgery? Siguro mag tetake muna ko ng medicines kasi di pa ko free ngayon eh. Punong puno na sched ko para sa buong taon, siguro next year second quarter magkakatime ako."

"Please calm Ms Rita. Actually, it's not tumor. but it's not good. Based on your test, meron kang ovary ng isang 52 years old woman. This year or next year, pwede ka ng mag menopause."

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon