KC: "Ken, Nandito Na 'Ko"

1.2K 33 33
                                    

"MC, nasan si Georgia?" Tinawagan ko na si MC para tawagan si Georgia. Si Georgia ang Vice President ng kumpanya ko.

"Nasa opisina po" sagot nya.

"Paki-tawagan, pakisabi pumunta dito sa office ko. Now." utos ko rito.

"Ok po."

---

Maya maya pa'y dumating na si Georgia sa opisina ko.

"Bakit Rita?"

"Ikaw na muna bahala dito sa kumpanya. Pakitanong nalang kay Mae lahat ng sched ko, ikaw na pumunta. I've trusted you enough for this."

"Wait Rita, what happened?" pagtataka nito.

Tumayo naman ako at kinuha na ang bag ko.

"Kailangan ako ng asawa ko." sabi ko sa kanya tsaka lumabas ng opisina ko.

Dali-dali kong pinuntahan ang kotse ko. Didirestso na ko sa ospital.

---
Naabutan ko sila mama na umiiyak sa labas ng ICU. Nandun na din ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung lalapit na ko sa kanila dahil bawat hakbang ko ay kumikirot ang puso ko. May kung anong nakabara sa mga ito.

Mukang napansin ako ni Mommy kaya agad itong tumakbo sakin. Niyakap nya ko.

"Anak, Si Ken." ramdam ko ang pag iyak ni Mommy.

Pagkabanggit nya ng pangalan ni Ken ay tumulo na din ang mga luha ko.

"Anong nangyari sa kanya Mommy?"

"Nire-revive sya anak. Ilang beses na syang nire-revive."

Nananatiling parang tambol ang puso ko.

Pagkalapit namin sa pinto ay saktong lumabas ang doktor. Si Arra.

"Arra" Tinawag ko sya.

"Rita, nahihirapang lumaban ang puso nya."

"Ano ba kasing results nung nakaraang session nya, kahit kailan ay hindi nya binanggit sakin." naiiyak na ko sa harap ni Arra.

"It was good news Rita. Kaya nga ang alam ko ay si Ken na ang magsasabi sayo. Bumaba na ang counts ng cancer cell nya. Kaya't nagtataka ko kung bakit napakahina ng katawan nya pagbalik nya dito. Dapat ay onti nalang ang lilinisin ng session na ito."

Good news na pala pero bakit hindi nya sinabi sakin.

Hindi nya nga ba sinabi sakin, o hindi ko sya hinayaan sabihin sakin.

"Ok na ba sya ngayon?"

"Still, kailangan namin syang bantayan. Bigla bigla na lang syang nag fa-flat line. Nakikita ko din na lagi syang umiiyak kahit tulog ito. Hindi ko alam pero mukhang ayaw ng lumaban ni Ken."

Umiiyak na din si Arra.

"Palaban yan si Ken eh. Kaya nga kahit masakit, kahit mahirap ang mga sessions na ginagawa namin ay kinakaya nya. Pinipili nyang kayanin. Pinipili nyang lumaban." dagdag pa nito.

Lalo akong nasasaktan sa mga sinasabi ni Arra.

Masyado ko na nga atang nasaktan si Ken. Masyado akong nadala sa emosyon sa pagkawala ng anak namin.

Pagpasok ko sa ICU ay may humarang sakin na isang nurse.

"Kaano ano po ng pasyente?" Tanong nito.

"Asawa nya ko." Agad naman nya kong sinuotan ng ICU gown at binigyan ng mask.

Pagkalapit ko kay Ken ay sunod sunod ng nagbagsakan ang mga luha ko.

Mas malala ang itsura nya kesa sa itsura nya noong huling punta ko rito.

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon