Rita's Pov
Pagbaba ko ng sala ay nakita ko si Ken na andun.
"Hi Love" bungad sakin ni Ken sabay halik sa noo ko. Niyakap ko naman sya agad. Grabe sobrang namiss ko sya kahit kanina lang kami magkasama.
"Hi baby." Hinawakan naman nya ang tyan ko.
"Nasan sila Daddy?" Tanong ko kay Ken
"Nasa garden sila Love, tara? May dala kaming food nila mama, kumain ka ng madami ha?" Sabi nya habang pinipisil ang pisngi ko.
Pagpunta namin ng garden ay nakangiting sumalubong sakin ang mama ni Ken. Si Tita Veron.
"Ay napakagandang buntis naman nito." Sabi nya sakin bago pa ko makalapit.
"Hello po Tita." Bati ko naman dito.
"Tita? Mama nalang." nakangiting sabi nito.
"Sige po Mama."
"Anak, kumuha ka na ng plate mo dun, kumain kana." Sabi naman ni Mommy habang nag iihaw ng barbecue.
"Love oh, kinuhanan na kita food." Pagtingin ko sa likod ko ay may dala ng plato si Ken at napakadaming laman nito.
"Jusko Love, napakadami nito. Baka sumakit na naman ang tyan ko nyan." Napakamot naman agad sa ulo si Ken.
"Ay oo nga."
"Ang cute talaga nila Mare no?" narinig kong sabi ni Mama
"Oo nga eh." Pag sang ayon ni Mommy. Grabe lang ah, close agad kayo?
Kumuha nalang ulit ng plato si Ken at hinayaan akong kumuha ng gusto kong kainin. Sya nalang daw ang kakain nung mga kinuha nya. Kunwari pa eh para sa kanya talaga yun. Hahahaha
"Iha?" si Dad.
"Good evening po Mr. Chan" Bati ko sa Daddy ni Ken.
"Masyado ka namang pormal anak, hindi na tayo basta business partners lang ngayon. Magiging asawa ka na ng anak ko eh." namula naman ako pagkarinig ko ng "asawa". Mukang nasabi na ni Ken ang plano naming pagpapakasal.
---
"Ano? May plano ka pang bumalik sa trabaho?" Gulat na sabi ni Ken.
"Oo love, madami pa kasi akong naiwan sa opisina. Ayoko namang ipagkatiwala sa iba yon."
"Anak, mabuti pa'y dito ka nalang sa bahay. Mas magiging safe kayo ng apo ko." Sabi naman ni Mommy. Nasa sala kaming lahat.
"Oo nga Anak, maselan ang pagbubuntis mo eh." Sabi naman ni Dad.
"Tsaka love, ako nalang tatapos ng mga gagawin mo." Tiningnan ko sya ng masama.
"Fine, alam kong di ko kaya mga ginagawa mo. Pero please love, para sa baby natin. Wag na muna. After 9months tsaka ka magtrabaho ulit."
"Ehhh!" Bigla nalang akong naluha, feeling ko ay pinagtutulungan nila ko.
Kumuha naman agad ng tissue si Mama para ibigay sakin.
"Normal yan sa buntis anak." Sabi nya habang inaabutan pa ko ng tissue.
"Anak, kailan nyo ba balak magpakasal?" Tanong ng Dad ni Ken.
"In two weeks."
"Next month po Dad."Sabay naming sagot ni Ken. Akala ko ba'y in two weeks na? Gusto ko na syang pakasalan eh.
"Hindi nyo pa ba napag uusapan iha?"
"Tito, Dad, Ma, Mommy, pwede po bang umakyat na muna kami ni Rita? May pag uusapan lang po kami."