KC: Steven Daniel Chan

1.3K 48 32
                                    

Naglakad kami papunta kung saan sya inilibing. It's been 6 years simula ng mawala sya.

"Grabe, miss na miss na kita. Hindi ko akalain na ganun ganun ka lang kukunin samin." Nagpunas ako ng luha ko. Pati na rin si Mommy ay naiiyak.

Sinindihan namin ang kandila at inilagay na ang binili naming bulaklak.

Narinig ko namang tumakbo si Steven.



"Daddyyyyyyyyy!" At bigla naman itong binuhat ng pinuntahan nito.






It was Ken.

Yes, he survived. My man get through that phase of his life. Kinaya nya lahat ng yon, at syempre kasama ako. Nagtagal kami sa ospital na yun ng mahigit tatlong buwan pa para tuluyang gumaling si Ken. God was really great for giving me a second chance para bumawi kay Ken. Para patuloy na mahalin si Ken.

Dun ko na din nalaman na pinagbubuntis ko na pala ang aming pangalawang anak. After a year, I gave birth to this wonderful child and we named him Steven Daniel Chan.

Ngumiti ako ng makita sya. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko.

Nagmano ito kay Mommy.

"Mommy, pasensya na nalate ako, may tinapos pa ko sa kumpanya namin eh." sabi nya kay Mommy.

"Ok lang Ken." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Hi love." Sabi nya paglingon nya sakin.

"Kung makayakap naman akala mo hindi tayo magkasama kanina. Hahahaha."

"Eh bakit ba eh sa minu-minuto kita namimiss eh." sabi nito.

"Ang tagal ng wala ni Daddy no?"

Tumango naman ako pagkasabi ni Ken non.

Namatay si Daddy ilang araw pagkatapos kong manganak. Inatake sya sa puso. Mahirap para sa pamilya namin ang tanggapin iyon pero laking pasasalamat ko dahil hindi ako iniwan ni Ken. Nasa tabi ko lang sya nung mga panahong kailangan ko ng masasandalan.

Masaya na din si Mommy ngayon, nagawa nya ng tanggapin ang pagkawala ni Daddy. Wala na syang inatupag ngayon kundi alagaan si Steven.

Si Ken naman ay nagtatrabaho sa kumpanya nila. Ipinagkatiwala na ni Dad sa kanya ang kumpanya nila. Si Mama naman ay nagtayo na din ng sarili nyang boutique. Noon pa man ay nakita ko ng magaling talagang gumawa ng damit si Mama. Sya lahat ang nag gawa ng mga maternity dress ko nung ipinagbubuntis ko si Steven.

At eto naman ako ngayon. CEO ng kumpanya namin. Walang ibang magtataguyod ng kumpanya namin kundi ako kaya hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa din ako.

Maliban sa pagiging CEO, ay isa na din akong mabuting asawa. Nakakaloka nga minsan eh, pero keri lang. Hindi ako sanay ng nag aasikaso kaya napaka laking hamon talaga sa buhay ko ang maging asawa. Pero ok na rin to, wala naman akong pinagsisisihan. Isa pa'y napaka swerte ko din sa asawa kong si Ken. Bukod sa gwapo na ay napaka responsable pa nito.

"Daddy, Im hungry na." pangungulit ni Steven.

"Nakita mo lang si Daddy, nagutom ka na."

Buhat buhat ito ni Ken.

"Oo nga anak." Sabi ko rito. Yumupyop naman sya sa leeg ng Daddy nya.

"Tara na at mukang naiinip na ang apo ko." sabi naman ni Mommy.

"Daddy, aalis na kami ha? Babalik nalang ulit kami dito. Lagi mo kaming babantayan ha. Mahal na mahal ka namin." Sabi ko sa puntod ni Daddy.

"Paalam Daddy. Steven, say ba-bye na to your Lolo."

"Babye Lolo." Sabi ni Steven at nag flying kiss pa ito.

---

Ken's POV

"Love, punta ko mamaya sa ospital ha." sabi ko kay Rita.

Tumango naman ito habang nililinis ang kalat ni Steven. Kumakain kasi ito ng ice cream.

"Love, sa susunod nga wag mo ng bibilan ng ice cream tong si Steven. Mamaya ay sumpungin pa ito ng tonsillitis nya eh."

"Love, minsan lang naman." sabi ko sa kanya at natawa naman ito.

"Nagtext na pala si Arra kanina, bibinyagan na si Joshua sa linggo."

"Ay oo nga pala. Alam mo love, napakagwapo ng inaanak natin na yun no?"

Nakita ko namang tumingin sakin si Steven.

"Hahahahah. Dont worry My Steven, ikaw pa din ang pinaka gwapo at cute sa paningin namin ni Mommy. Right Mommy?"

Tumingin naman ito kay Rita.

"Yes honey, you will always be the most gwapo."

Ngumiti naman si Steven sa aming dalawa.

Wala na talaga akong hihilingin pa sa buhay kong ito. Napaka swerte ko dahil binigyan pa ko ng pagkakataon ng Dyos para makasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

May lumapit na sa amin na isang crew. May dala itong cake. Ito na siguro ang ne-request kong cake. Dala na din nila ang inabot kong bouquet kanina.

Napatingin si Rita sa crew.

"Ay wala po kaming order na cake." sabi ni Rita.

"Love, its for you."

Kinuha ko ang cake pati na rin ang bouquet.

Iniabot ko ito sa kanya at hinalikan sya.

"Happy 7th Wedding Anniversary"

Narinig ko namang pumapalakpak si Steven.

"Kaya naman pala. Hahahah. Happy anniversary love."

Tumayo naman ito para yakapin ako.

"I love you." Bulong ko sa kanya.

"I love you too."

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng restaurant. Pati na rin ang nga crews. Nahiya naman si Rita kaya bumalik ito sa pagkakaupo.

Bumalik naman ako sa upuan ko.

"Your mommy seems to be so surprised no?" sabi ko kay Steven at umapir dito.

Nagtataka naman si Rita.

"Si Steven ang pumili ng bulaklak na yan, and even the flavor of your cake."

"Come here, honey. Kiss mommy" ngumuso naman si Steven at kiniss ito ni Rita.

May kinuha naman si Rita sa bag nya at iniabot sakin.

"What's this?" tanong ko pagkaabot nya sakin ng box.

"Hindi naman pwedeng ikaw lang ang may regalo eh." nakangiting sabi nya.

Pagbukas ko rito ay bumungad ang isang Pregnancy Test Kit. At sa nakikita ko ay positive ito.

"Wait, Rita? How come?" gulat na pagtatanong ko kay Rita.

"Our little Steven make my ovaries become healthy." pabulong na sabi nya.

"Really?" hindi na mawala sa mukha ko ang ngiti.

"Yes." pagtango nito.

Tumayo ako at niyakap ulit si Rita. Sobrang saya ko na magkakaron na ng kapatid si Steven.

Eto na ang pinaka magandang Anniversary gift na natanggap ko mula kay Rita.







Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon