Nakarating ang dalawa sa Davao. Wala naman sila masyadong napag-usapan sa eroplano dahil natulog lang si Rita at inintindi ito ni Ken.
Nag check-in sila sa isang hotel doon at napagdesisyunang magsama nalang sa isang kwarto.
"Rita, are you sure ok ka na dito?" Tanong ni Ken kay Rita.
"Yes. Twin beds naman eh. Wala ka naman sigurong gagawin sakin. Susme Ken, buntis na ko. Hahahaha." Sagot ni Rita.
Lumapit naman si Ken at hinawakan ang tyan ni Rita.
"Eh ikaw baby? Ok ka lang dyan? Pahiram lang kay Mommy mo saglit ha."
Natawa naman sila parehas sa ginawa ni Ken.
"Ken, may sasabihin sana ko."
"Pahinga kana muna Rita, alam ko napagod ka sa byahe."
"Uhm, sige." Humiga naman na si Rita sa kama nya habang inaayos ni Ken ang mga gamit nila. Wala pang ilang minuto ay nakatulog si Rita.
---
Rita's POV
Nagising nalang ako ng maramdaman kong humihilik itong lalaki sa tabi ko. Nakaupo lang sya sa isang upuan at nakapatong ang isang kamay nya sa tyan ko.
"Anak, si Daddy mo oh. Masyadong nag aalala sayo." Bulong ko habang hinihimas ang tyan ko.
Dahan dahan ko naman itong inalis dahil pupunta ako sa banyo. Ihing ihi na kasi ako. Isa rin siguro to sa factor pag buntis ang isang babae.
Paglabas ko ay nakita ko si Ken na ang himbing ng tulog. Tiningnan ko sya at hinaplos ang buhok nya.
Ang ganda o ang gwapo lang talaga ng magiging anak ko dahil sya ang ama. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Ken
Nakita ko naman na inayos nya na ang mga gamit namin. Pagbukas ko ng cabinet kung nasan ang mga gamit ko ay may nalaglag na isang jacket. Kay Ken pala ang cabinet na ito.
Nagulat ako ng may gumulong na lagayan ng gamot mula sa jacket.
"Para san kaya ang gamot na ito? May sakit ba sya?" Bulong ko.
---
Ken's POV
Nagising nalang ako bigla dahil may ingay akong narinig. Nag bblower pala si Rita. Mukang bagong ligo ito.
"Hi, beautiful."
"Hello handsome." Sagot nya sakin. Kinilig ako dun ah.
Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran.
"Pwede ba sa mga pagkakataong ito, ako na muna ang boyfriend mo?" Humarap sya sakin. Bakit mugto ang mga mata ni Rita? Siguro'y dahil galing sa tulog.
"Wala naman akong boyfriend eh."
"Ha? Diba sabi mo meron?"
"Ikaw ang nagsabi nun, hindi ako."
"Gago yun ah, binuntis ka lang. Tsk."
"Oo nga eh. Tapos iiwan lang rin pala ko." Pilit ang ngiti na ibinigay nya sakin. Tumalikod na ulit sya para suklayin pa ang buhok nya.
Mukang may pagka-bitter pa sya sa lalaking 'yon.
"Kain na tayo, tara." Aya ko sa kanya. Di naman sya kumontra.
---
Kumakain kami ngayon sa isa sa mga pinakamagandang restaurant dito sa Davao.
"So, asan ang family mo?" Tanong sakin ni Rita.