"Ken, kamusta ka anak? Ilang araw ka ng nakakulong dito ah. Sa gabi ka lang lumalabas ng kwarto mo." tanong sakin ni Mama pagpasok sa kwarto ko.
"Mama, wala naman ng dahilan para lumabas ako eh. Nawalan ako ng anak at mukang nawalan na din ako ng asawa." Nakatingin lang ako sa balcony ng kwarto ko.
"Anak, hindi kana naman ba nya kinausap kagabi? Halos isang buwan na kayong ganyan, malapit na yung next session mo diba? Last na yun, sana gawin mo na lang anak"
Tumulo ang luha ko ng maalala ko kung anong nangyari kagabi.
- Flashback -
Halos gabi gabi akong pumupunta sa bahay namin ni Rita para tingnan kung ok lang ba sya. Hindi ko na kasi sya pwedeng puntahan pag umaga dahil bumalik na ito sa trabaho. Sabi nila Mommy ay bumalik ito sa dating sya. Iritable, mainitin ang ulo, at ni ngumiti ay hindi na magawa. Subsob lang ito sa trabaho. Pagkatapos mawala ng anak namin ay isang araw lang syang umiyak, tapos kinabukasan ay balik trabaho na. Madami raw ang nagulat sa biglaang pagbalik ni Rita sa trabaho. Kahit si Daddy ay hindi sya magawang makausap.
Ilang gabi na ko pabalik balik, pero wala akong naabutan na Rita sa bahay namin. Siguro nga ay iniiwasan nya ko.
"Mommy, nandito po ako sa bahay namin ni Rita ngayon." sabi ko sa kabilang linya.
Nasa labas na ko ng bahay namin kaya naisipan kong tawagan si Mommy para alamin kung nandun si Rita.
"Oo anak, alam ko. Kaya pala hindi umuuwi dyan si Rita. Lagi lang nasa office. Dun na nga ata natutulog eh. Uuwi lang dyan para maligo at magpalit ng damit."
"Mommy, kamusta sya?" Gumagaralgal na naman ang boses ko. Sobrang miss ko na ang asawa ko.
"Hindi nya kami kinakausap Ken. Mabuti pa nga noon kahit subsob sya sa trabaho ay naglalaan sya ng oras samin, pero ngayon talagang wala."
"Sa susunod na linggo na po kasi ang last session ko Mommy."
"Oo anak, sinabi sakin ni Daddy mo. Anak, kahit ganyan si Rita wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka nya at wala syang ibang gusto kundi gumaling ka ha. Lakasan mo lang ang loob mo."
Tila ayaw na naman mag paawat ng mga luha ko.
"Opo Mommy. Kahit pakiramdam ko'y wala lang ako sa kanya, alam kong mahal nya pa rin ako." nagpaalam na din ako kay Mommy.
Pumunta na ko sa pinto ng bahay. Sisilipin ko kung nandito si Rita.
Mukang nandito nga si Rita dahil hindi naka-lock ang main door.
Napakalinis talaga ng bahay naming dalawa. Siguro nga'y kaya nagpapaka-busy si Rita ay para makalimutan ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pagkawala ng anak namin.
And I will be here
When the laughter turns to cryin'
Through the winnin' and losin' and tryin'
We'll be togetherNarinig ko ang boses ng babaeng pinakamamahal ko.
Kinakanta nya yung kanta namin nung kasal. Dahan dahan akong umakyat para hanapin kung san ko narinig ang boses nya.Sumilip ako sa pinto kung saan nanggagaling ang boses nya. Nasa kwarto sya ng baby namin.
Nakaupo sya paharap sa balcony. Meron syang hawak na isang boteng alak at isang wine glass. Mukang kanina pa sya umiinom, dahil paubos na ang laman ng bote.
Naka-white sleeping dress ito. Nakalugay ang buhok. 'Di ko maipagkakaila na napakaganda talaga ng asawa ko.
I will be true
To the promise I have made
To you and to the
One who gave you to me