KC: Baby Iriñgan-Chan

995 38 9
                                    

Ken's POV

"Anong sabi mo?" Gulat kong tanong kay Rita.

"Kung anong nasa isip mo, yun na yon."

"Wait, so baby ko yan?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Rita.

"Ikaw lang naman eh. Alam mo na yun."

"Ano? Ako lang ang? Ituloy mo." Pagbibirong sabi ko sa kanya. Inangat ko sya at niyakap ko sya patalikod.

Naluluha ako sa sobrang saya. Mas lalo akong nabuhayan ng loob. Mas kailangan kong lumaban ngayon.

"Rita, kung alam mo lang kung gaano ko kasaya ngayon."

"Akala ko magagalit ka sakin pag sinabi ko sayo, kasi syempre madaming pagkakataon na dapat sinabi ko na kaso, nauunahan ako ng takot eh. Baka magalit ka." Sabi ni Rita sakin habang nakahiga lang sya sa dibdib ko.

"Love, bat naman ako magagalit? Wala na kong oras para magalit. Hahaha."

"Wag ka namang ganyan. Kailangan ka namin ni Baby."

"Oo naman. Lalaban ang Daddy para sa baby." Nakangiti kong sabi sa kanya. Hinahaplos haplos ko lang ang tyan nya habang hinahalikan ang ulo nya.

"Sana lalaki. Para may Ken Chan Jr. na hahaha!"

"Hoy ang pangit! Nakakadiri love." Tawang tawa ko sa reaksyon ni Rita. Halatang nainis ito.

"Love, mahal na mahal kita. Wala na kong hahanapin pang iba" sabi ko kay Rita. Sobrang saya talaga ng puso ko ngayon.

"Sus, baka pag gumaling ka madami ka ng babae. Gwapo mo kaya!"

"Hala, so aminado ka ng gwapo ako. Ikaw Daniela ha! Patay na patay ka sakin."

"Bakit ayaw mo ba?" Ginamitan nya na naman ako ng boses na yun. Boses na nakakaakit.

"Tigilan mo nga yan Rita, baka kahit buntis ka nako. Isa pa, magkakaron lang ako ng ibang babae pag babae ang baby natin." At kiniliti ko sya sa bewang, napatayo naman sya.

"Love, wait. Wag kang gagalaw. Dyan ka lang." Sabi ko kay Rita pagtayo nya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nya sakin.

"Wag ka basta bastang tumatayo ng ganun. Dala dala mo ang anak ko." Sabi ko habang inaayos ang buhok nya.

Hinalikan ko sya sa labi at tumugon naman sya rito. Ng magbitiw ay dinikit ko ang noo ko sa noo nya.

"Salamat love. Salamat kasi hindi lang sarili mo ang binigay mo sakin. Bibigyan mo pa ko ng anak." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"You deserve all the love, Ken."

---

Nag iimpake na kami ng mga gamit namin dahil babalik na kami ng Maynila.

Inaayos ko ang kama ng may tumawag sa phone ko.

"Hello, Ma?" Sabi ko sa kabilang linya. Si mama pala ang tumatawag.

"Hello anak?" Bakit boses lalaki ang sumagot.

"Ken? Ako ito anak. Ang Daddy mo." Hindi ko inaakalang dadating sa pagkakataon na maririnig ko ang boses nya.

"Anak, alam na namin ang lahat. Bakit di mo sinabi sakin anak?" Naririnig kong umiiyak si Mama.

"Ma, ano kaba? Ok lang ako. Sobrang saya ko kaya ngayon."

"Anak, umuwi ka na. Pag uusapan natin yan. Kailangan mong magpagaling."

"Pauwi na ko ma. Sige na ma. I love you."

"Love? Kamusta si mama mo?" Nasa likod ko na pala si Rita.

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon