KC: He

1.7K 34 4
                                    

"Ma, alis na ko ha." Paalam ni Ken sa kanyang ina.

"Anak, trabaho ka ng trabaho pero 'di mo nabibili ng gamit sarili mo. Tingnan mo yang damit mo oh, bente anyos ka palang ata sinusuot mo na yan eh." sabi ng kanyang ina.

"Ma hanggat nasusuot ko pa, ok pa yan. Isa pa nagtratrabaho ako para magkaron ng ipon. Para satin din." Niyakap naman ni Ken ang kanyang ina para kumalma ito.

"Hay nako anak. Napakadami mo ng pera sa bangko, bangko nalang ang kumikita sayo." Panenermon nito.

"Hahahaha. Mama naman. Sige na po, alis na ko. I love you ma!" Paalam ni Ken.

Namumuhay ng isang tahimik at masaya si Ken kasama ang kanyang ina. Ang tatay nya ay matagal ng wala kaya sila na lang dalawa ang magkasama.

Isang mabait at responsableng anak si Ken. Kaya nga kahit damit ay hindi na nito nagagawang bumili dahil lahat ng pera nito ay iniipon nya para sa kanilang mag ina.

Habang papasok sa opisina ay nakaramdam ng sakit sa tyan si Ken pero hindi nya ito pinansin. Natural na kasi sa kanya ang pananakit nito kaya parang sanay na sya.

Isang empleyado si Ken sa isang prestige na travel company. Sampung taon na din syang nagtatrabaho rito. Isa sya sa mga nag assists ng mga clients from other countries para i-tour dito sa Pilipinas. Madalas na kliyente ni Ken ay mga sikat na artista galing ibang bansa.

Kahit 30 years old na sya ay wala pa syang nagiging girlfriend. Para sa kanya ay isang sakit lamang ito ng ulo. 20 years old pa lang sya ay wala na syang ibang ginawa kundi kumayod para sa kanilang mag ina dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang ina para sa gastusin nilang dalawa.

"Ken!!!" Tawag ng kanyang boss.

"Wala ka pa bang nahahanap na sasakyan para sa pag uwi ni Mr. Jung? Tatlong araw nalang ang meron ka!" Napaka agang panenermon ng kanyang boss.

"Sir, meron na po ako nung gustong sasakyan ni Mr. Jung. Kaso sir, naaksidente yung may ari kaya hindi na natin pwede gamitin yung sasakyan nya. Kung yung katawan nga nung may ari eh durog durog ano pa kaya yung kotse? Bakit ba naman kasi limitado lang dito sa Pilipinas yung sasakyang gusto nya eh."

"Kailangan mong maghanap. Gusto yun ng kliyente eh."

"Ok sir."

Bumalik sa upuan nya si Ken. Nag research ulit sya kung sino ang taong may ganung klaseng sasakyan. Isang malaking kliyente si Mr. Jung kaya't kailangan nilang ibigay ang lahat ng request nito.

Bulung-bulungan din ang mga katabi nyang mga kapwa empleyado.

"Ken, mag asawa kana kasi. Para makaalis kana dito. Ayaw na ng mga kliyente ng matatandang tg." Sabi ng isa.

"Bakit di pa kasi mag asawa eh." Sabi pa ng isa.

Lahat ng kapwa nya empleyado ay naiinggit sa kanya dahil sa lagi nalang sya ang gusto ng mga kliyente siguro ay dahil sampung taon na nga sya dito. Hindi nya naman masisisi ang sarili nya kung tamad ang mga ito magtrabaho kaya gusto sya ng mga kliyente.

Hinayaan nya lang ang mga ito. Para sa kanya ay masyado pang bata ang mga ito kaya ganun pa mag isip.

Basta sya ay maghahanap ng kotse, yun na yon.

Pagbaba nya ng office para kumain ay may nakita syang kotse na nakapark sa tapat na building ng office nila.

Agad agad nya itong tiningnan at sinuri kung kaparehas nga. At bigla syang ngumiti ng malamang ito nga yung klase ng kotse na kailangan nya para kay Mr. Jung.

Patawid na sya ng mapansin nyang may papalapit rito na isang babae. Isang magandang babae. Maganda ang postura at hindi pagkakailang mayaman.

Nang malapit na sya rito ay pumasok na sa loob ang babae at pinaandar ito. Agad naman syang sumakay ng taxi para mahabol ito. Kailangan nya itong mahabol at makausap para mahiram ang kotse nito.

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon