KC: Huling Pagkakataon

727 36 10
                                    

Rita's POV

Nagulat ako sa sinabi ng Doctor sakin.

Buntis? Ako? Eh wala nga kong boyfriend man lang.

Ghad. So, that One Night Stand? With him?

"Are you not aware of it?" Tanong sakin ng doctor.

"Of course I know it, its just that nagulat lang ako. Buti naman safe ang baby ko." Pagsisinungaling ko.

"You must be careful then, maselan ang pagbubuntis mo. Babalikan kita mamaya ha? Take a rest muna." At sumang ayon nalang ako.

Paglabas naman ng doctor ay syang pasok ni Ken.

"Anong sabi ng doktor? Ok kana ba? " Tanong nya.

"Labas! Umuwi kana. Kaya kong mag isa to."

"Pero wala kang kasama, isa pa..."

"LABAS!"

Hindi nya dapat malaman na sya ang ama ng dinadala ko. Ni hindi ko nga man lang sya kilala ng lubos. Anong gagawin ko sa batang 'to. Napakarami ko pa namang aasikasuhin sa trabaho.

Isa lang ang pwede kong gawin.

Ang ipalaglag ang batang 'to. Kahit nga condo ko ay di ko magawang linisin tapos magkakababy pa ko. Ano nalang mangyayari saming dalawa.

---

Halos isang linggo na din ang lumipas simula ng malaman kong buntis ako. Madaming beses na din sinusubukan ni Ken na kausapin ako pero ayoko talaga magkaron ng kahit ano sa taong yun. Ayokong mattached masyado sa kanya dahil alam kong sa bandang huli ay iiwan nya lang din ako.

Naka-schedule ako ngayon para ipatanggal ang batang to. Pagkagising ko palang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nakailang suka na din ako. Minsan ay nakakatulugan ko na din pati trabaho ko. It is not so me.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto kung saan gagawin ang pagtanggal ay iba na ang nararamdaman ko. May kung ano sa dibdib ko ang bumibigat.

"Bakit ko nga ba to gagawin? Gustong gusto kong magkaanak, tapos ngayong nandito na ipapatanggal ko naman?" Yan yung mga linyang sumasagi sa isip ko.

"Maaaring eto na ang huling beses na mabubuntis ako dahil na din sa kundisyon ng matres ko."

"Bakit ko papatayin ang sarili kong anak?"

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Lumabas nalang ako sa lugar na yun dahil hindi ko na itutuloy ang pagpapalaglag. Kahit sino pang ama nito, kahit alam kong di ako magiging mabuting ina sa batang 'to, anak ko pa rin to eh. Eto ata yung tinatawag nilang Maternal Instinct.

Dumiretso ako ng grocery para mamili. Bumili ako ng gatas. Maraming gatas. Its for my baby. Bumili na din ako ng mga prutas at gulay, kailangan kong maging malusog para maging malusog din ang baby ko. Kung nung nakaraang linggo, ang bigat bigat ng pakiramdam ko, ngayon naman ay di ako magkandamaliw sa saya. Hahaha. Hormonal imbalance.

Kukuha na sana ko ng yogurt ng may kumuhang iba dito. Ang mukang di ko inaasahang makita rito.

"Rita? Kamusta ka?" Tanong nya sakin.

"Ok lang naman ako Ken" Kumuha na ko ng yogurt at tumalikod na sa kanya.

"Healthy living ah." Habol pa nito.

"Yeah. I need to." Sagot ko lang rito at umalis na.

Sa wakas, natapos na din ako mamili. Lumapit na ko sa counter para bayaran na lahat ng kinuha ko.

Napansin kong buntis din ang cashier na napuntahan ako. Napangiti ako sa kanya, at syang ikinagulat ko naman sa sarili ko. Hindi ako palangiting tao. Alam yan ng lahat ng kakilala ko.

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon