KC: Davao Memories

890 35 11
                                    

Ken's POV

"Pano mo nalaman?" Tanong ko kay Rita. Eto yung kinakatakutan kong mangyari eh. Imbes na ako nalang ang mag iisip, pati sya madadamay.

"Hindi ako tanga Ken. Marunong akong mag research. Buti na nga lang marunong ako eh, kasi kung hindi, may balak ka bang sabihin sakin? Wala naman diba?"

"Sa tingin mo ok lang sakin 'to? Ok lang sakin sarilinin lahat? Na sa tuwing makikita kita gusto kong yumakap sayo para kumalma ko kasi tangina naiisip ko na naman na mamamatay na ko." Nasisigawan ko na sya dahil sa daloy ng emosyon ko.

"Anong gusto mong sabihin ko sayo? Ha rita? Na HOY RITA, MAMAMATAY NA KO IN JUST FOUR MONTHS. MAY CANCER KASI AKO EH. GUSTO KITANG ALAGAAN, GUSTO KITANG MAHALIN KASO DI PWEDE EH. KASI NGA HANGGANG APAT NA BUWAN NA LANG AKO, YUN BA GUSTO MO?!"

"Gaano ba kahirap magsabi ng totoo Ken, ilang beses kitang tinanong!!! Paulit ulit mong sinabi na OK ka lang kahit hindi naman pala talaga." Patuloy lang syang umiiyak, hindi ko na gusto 'tong nakikita ko.

Napaupo ako sa kama at sinalo ang ulo ko. Hindi ko alam kung pano ko sya pakakalmahin, gusto ko lang maging masaya 'tong bakasyon namin dito pero bakit ganto? Bakit kailangan nya pang malaman.

"Ken, ang gusto kong sabihin mo yung totoong ikaw. Walang pagkukunwari, yung totoong nararamdaman mo. I'd rather be hurt by the truth than to be comforted with lies. Sa tuwing nahihirapan ka, bakit hindi mo sabihin sakin? Kasi tutulungan kita. Sasamahan kita. Mahal mo ko diba? Pero bakit hindi mo magawang magsabi ng totoo sakin?" Hindi ko talaga magawang pakalmahin sya sa pag iyak.

"Rita, hindi ko na kasi alam gagawin ko. Gusto kong maging masaya lang sa mga natitirang araw ko dito. At ayokong pag nawala ako may mga masasaktan."

"Natitirang araw? Madami tayong pwedeng gawin. Pwede kang pumunta abroad at dun nalang magpagaling. Ken, madaming paraan. Wag mong isipin na mawawala ka dahil pag yan ang inisip mo, dyan kana mag fofocus eh. Lalong hindi ka gagaling."

"Ayokong umasa Rita. Ayokong umasa na gagaling pa ko. I had my therapy last month. Kaya matagal akong nawala. Sinubukan ko kahit walang kasiguraduhan. Atleast may ginawa ako para mabuhay. Kaso, sabi ng doktor sakin ilan lang ang nag susurvive sa ganitong sakit."

Umupo si Rita sa harap ko. Kinuha nya ang dalawang kamay ko saka ito hinalikan.

"Ken, maniwala kang gagaling ka. Simula ngayon kasama mo ko. Sasamahan kita."

"Pano kung mawala din ako? Pano kung maiwan kitang mag isa?"

Bigla na lang syang humawak sa tyan nya at sumigaw.

"Aaahhhh!! Ken ang sakit." Nataranta naman ako kaya agad ko syang itinayo at tiningnan ang likudan nya. Wala namang bakas ng spotting kaya ang ginawa ko'y inihiga sya sa kama at ikinuha ng tubig.

Dahil sa kagagawan ko'y muntik na namang mapahamak ang baby ni Rita.

Uminom naman na sya ng tubig kaya medyo nahimasmasan na sya.

"Ken, please? Hayaan mo kong samahan ka. Eh ano kung hanggang 4months lang, gusto kitang makasama sa loob ng apat na buwan. Gagawin natin lahat para gumaling ka lang. Diba?" Sabi ni Rita sakin.

"Ssshhh. Kumalma ka na muna Rita. Wag mo muna isipin yan. Kung noon wala akong lakas ng loob para lumaban sa sakit nato, ngayon iba na. Binigyan mo ko ng lakas ng loob para labanan 'to. May dahilan na 'ko para lumaban."

Maya maya pa'y nakatulog na din sya. Inayos ko na muna ang mga gamit namin tsaka nagpahinga.

Pagkahiga ko sa kama ko ay nakita ko syang bumangon. Lumipat sya sa tabi ko. Kinuha nya ang braso ko tsaka ito ginawang unan. Hinalikan ko naman sya sa ulo nya tsaka sya niyakap.

Ken ChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon