Ken's POV
Ipinasok na si Rita sa loob. Napakadami ng dugo sa suot nya. Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman. Tinawagan ko na ang mga magulang namin para puntahan kami dito sa ospital.
"Ken, ano nangyare?!" tanong sakin ni Mama. Humahangos ito papunta sakin.
"Mama, si Rita. Dinugo." nangangatal kong sabi. Nanginginig talaga ko.
"Ano bang nangyari anak?" tanong naman ng Mommy ni Rita.
"Nasa kotse kasi kami ma. Tapos pumreno ako, hindi ko naman alam na makaka-apekto yun kay Rita. Tapos ayun, nakita na lang namin na may dugo na sya."
"Anong pangalan ng pasyente?" tanong ng isang nurse na lumapit sakin.
"Rita Daniela Chan" sabi ko.
"Pakifill up-an na lang po ito" sabay abot sakin ng papel at ballpen.
Kinuha naman ito ng mommy ni Rita, sya nalang daw ang sasagot dahil hindi daw ako makakafill-up kung hanggang ngayon natataranta ko.
---
Nakaupo lang kami sa labas kung saan pinasok si Rita. Paulit ulit akong nagdadasal na sana hindi mawala ang anak namin. Na sana maging ok lang silang dalawa ni Rita.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang doktor sa loob.
"Dok? Im her husband. Ok na po ba sya at yung baby namin." tanong ko agad sa doktor. Hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko.
"Ok na si Mrs. Chan, pero si baby... Im sorry
Kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin ng doktor.
"Mahina ang kapit ng bata."
Tila nabingi na ko sa mga sunod nyang sinabi.
Ang narinig ko na lang ay ang iyak ng mga magulang namin.
"Kailangan na naming linisin ito." Napaupo na ko ng marinig ulit ang doktor.
Wala na ang baby namin. Wala na. Ng dahil sakin.
Wala na kong nagawa kundi umiyak. Pinagsusuntok ko ang pader, hindi ako tumigil hanggat hindi namamanhid ang mga kamay ko sa sakit.
"Anak, tama na." pinapatigil na ko ni Mama.
"Mama, kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit nawala ang baby namin." iyak lang ako ng iyak. Wala na kong pake kahit tumutulo na ang dugo sa kamay ko.
"Anak, walang dapat sisihin." sabi ng Daddy ni Rita.
"Ano bang kasalanan ko, bakit ganito ang nangyayare sa buhay ko."
Naramdaman ko na lang na bumagsak na ang katawan ko.
"Ken..." sigaw nila Mama.
---
Rita's POV
Nagising akong nasa loob ng operating room. Wala akong kahit anong maramdaman, nakita kong may ginagawa sila sakin.
Teka, bakit ako nandito?
Yung baby ko...
"Yung baby ko... Iligtas nyo" tumutulo na ang mga luha ko.
Wala kong nararamdaman sakit na pisikal, pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko.
Naalala ko lahat, kung paano ko kinakausap ang baby namin. Kung paano ko pinaghandaan ang pagiging ina. Kumpleto na nga ang gamit ng magiging baby ko eh. Excited pa kong malaman kung babae o lalaki. Ang tagal ko syang hinintay.