Rita's POV
Kakatapos ko lang magpunta ng mall ngayon. Bumili ako ng cabinet at ilang damit ni Baby. Aayusin ko na kasi ang kwarto ni Baby sa bahay namin ni Ken. Inayos na ni Daddy ang magiging bahay namin ni Ken. Gusto ko kasi ay pagkatapos naming ikasal ay dun na kami titira ni Ken.
Medyo nagkakaumbok na din ang tyan ko. Im on my 4th month now. Excited na kong malaman kung anong gender ng baby ko. Sa ngayon puro whites na muna ang binili ko.
Dalawang linggo na din simula nung umalis si Ken. Dalawang linggo na lang ay babalik na din sya. Namimiss ko na sya. Pero kailangan kong tiisin. Alam kong gagaling si Ken. Nag research na din ako tungkol sa ospital kung saan sya nag te-therapy at maganda naman ang record nito lalo na sa mga therapies for cancer patients.
"Mommy, nandito na ko." Kararating ko lang sa bahay.
Umupo na muna ko sa couch habang kinukuha ako ni Mommy ng tubig.
"Anak, anong sakit ni Ken?" Nagulat ako sa tanong ni Mommy. Ang sabi kasi namin dito ay may trabaho lang si Ken abroad.
"Mommy..." nakatitig lang si Mommy sakin. Ayoko na ding magsinungaling sa kanya dahil mukang may alam na sya.
"May cancer si Ken mommy. Gallbladder." Nag uumpisa na namang magbagsakan ang mga luha ko. Hindi ko na din kayang ipakita sa kanila na ok ako, dahil sa totoo lang ay halos minu-minuto akong nagdadasal para kay Ken.
"Ssshhh, anak makakasama sa bata yan." pagpapakalma sakin ni Mommy.
"My, pano pag hindi sya nakabalik? Hindi ko kakayanin eh. Kulang nalang lumuhod ako sa lahat ng simbahan para lang gumaling si Ken."
"Sabi ng Daddy mo ay madaming gumaling na patients sa ospital na yun. Wala kang dapat ipangamba. Alam ko ding lalaban si Ken para sa inyo."
"Alam na ni Daddy?"
"Oo anak. Mama at Daddy ni Ken ang nagsabi samin."
Mas lalo akong umiyak.
"Mommy sorry kung tinago namin sa inyo."
"Kaya pala ganun nalang kayo magmadali. Kaya pala ganun ka alagaan ni Ken."
"Mommy, alam mo yung mahirap dito? Kaya ko maghintay kahit gaano pa katagal eh. Pero alam mo yun, walang kasiguraduhan na may hinihintay pa ko."
"Anak, magtiwala ka kay Ken. Babalik sya. Para sa'yo. Para sa inyo." Niyakap na ko ni Mommy.
---
Nandito ako sa tapat ng ospital kung saan nag te-therapy si Ken. Tatlong linggo na kasi at hindi na ko makapag intay na makita sya. Miss na miss ko na sya.
Pagpasok ko palang ay sobrang kinakabahan na ko. Baka kasi mamaya ay magalit sya sakin dahil ayaw nya ngang makita ko syang nandito.
Ayaw nyang makita ko syang naghihirap. Ang gusto nya lagi ay makikita ko sya bilang isang normal na tao. Masiyahing tao.
Room 307 ang binigay sakin sa lobby.
Iba ang kaba na nararamdaman ko lalo na nung nakatungtong ako sa 3rd floor. Bawat hakbang ko'y parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
"301"
"302"
Parang hindi ko na kayang tumuloy, nanginginig talaga ang buong katawan ko.
"303"
"304"
Habang papalapit ako ng papalapit ay parang babagsak ang mga tuhod ko. Inaamin kong hindi ako handa sa kung ano man ang makikita ko.