2 Aileen my first girlfriend

42 1 0
                                    

Hindi nagtagal at naka graduate na din ako at pinalad na matanggap sa isang malaking company bilang isang encoder. Dito ko inaasahan na unang makikita ang  kaunaunahan kong magiging girlfriend ngunit hindi ito ang nangyari.

Minsan akong napaaga ng uwi at isang tawag sa aking phone ang aking natanggap habang patulog pa lamang ako.

“Hello?” ang sabi ko

“Hello ikaw ba si Chard?” sabi ng isang boses ng babae

“Ako nga po”

“Ako pala si Aileen, ang kaibigan mo na si Monmon ang nagbigay ng numero mo. Nag-rerepair ka daw ng computer?”

Si Monmon? Marahil si Monmon na aking kababata ang kanyang tinutukoy, na malimit kong kapalitan ng CD.

Nais ni Aileen na mag parepair ng computer ng mismong oras? Nais ko sanang tumanggi pero nakikita ko sa isipan ko ang matabang mukha ni Monmon na binibigyan ako ng thumbs up. Ito na siguro ang tamang pagkakataon at hindi naman ako ipapahamak ng aking kaibigan.

Agad akong nagpunta sa binigay na address ni Aileen

Nang unang kong makita si Aileen ay marami akong hindi inaasahan. May kakagandahan syang taglay na dala ng kanyang morena at balinkinitang katawan, dagdag pa dito ang  abot likuran na haba ng buhok. Hindi siya ang ideal girl ko pero hindi ito ang nakatawag sa aking pansin dahil sa palagay ko ay may kakaiba syang dating sakin. Tinatawag natin itong sex appeal.

Virgin Problems     Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon