Lumipas ang 3 araw na wala kaming contact ni Aileen. Hindi naman ako nag alala ng mga panahon na iyon, siguro ay busy lang siguro sya sa family business nila at ako naman ay busy dahil lumabas na ang pinaka latest na story ni PilyongWriter sa Wattpad.
Pero makalampas pa ng 2 days nang nagsimula na akong mag-isip. Kahit ang text ko ay walang replies and worst, nang sinubukan kong tumatawag ay agad nitong inend call. Im sure end call un, nag ring ng halos kalahati at may sumagot at biglang nawala.
Nagsisimula nang kainin ng paranoia ng aking isipan, kung ano man ang dahilan kung bakit hindi ko ma-contact si Aileen ay sana naman hindi ang iniisip ko.
Dumating ang Saturday, dapat tumawag na si Aileen ng mga hapon pero wala ni isang galing sa kanya. Kahit man lang sana miss call.
Balisa na ako at hindi mapalagay, kinakailangan ko pang bumili sa malapit na tindahan ng dalawang bote ng strong beer para ako makatulog. Tinanong pa ako ng ama ko kung anong problema ko, dahil never pa ako nag inom sa loob ng bahay.
Ang ama ko lang ang pinaka malapit na tao sa akin bukod dito ay ang kanyang ka live-in na kinikilala ko ding ina na si Violeta. Dumating sa buhay ko si Violeta nang ako ay teen ager na at pareho silang nag-sikap na paaralin ako. Close man ako sa kanila ay hindi ko ramdam na sabihin sa kanila ang aking problema, lalo na at hindi pa ito tukoy.
Alas dose ng gabi ng mag ring ang aking cellphone. May ilang beses nang tumatawag ang caller at si Aileen pala ito, buti na lang at nagising ako.
Agad kong sinagot ang phone ko.
“Chard pasensya ka na sa sasabihin ko, pero hindi na tayo pwedeng magkita” ang sabi ni Aileen sa kabilang linya, halatang umiiyak ito sa tono ng boses.
“Ha? Bakit naman?” ang tanong ko, tumatangging maniwala
“Kailangan ko na kasing isipin ang future ko”
Naging masaklap at malaking gulat ang aming usapan, noong una ay parang gulat lang ang aking nararamdaman hanggang sa naging isang nagbabagang sakit ito, nakikipag break na sa akin ang aking girlfriend.
Nang matapos na ang pag call ni Aileen ay isang text ang aking natanggap pero hindi ko ito pinansin at pinidot ang callback button pero not in service lamang ang tanging narinig sa kabilang linya. Mga nasa 4 am na ata at sinusubukan ko pa ding tumawag.
6:35 am
Dumating na ang pagliwanag ng araw at kita na sa mga bintana, sumuko na ako ng mga oras na iyon. Mas Malala na ang aking pakiramdam, ano ba ang nagawa kong masama para maramdaman ang isang ganito kasakit na bagay?Naalalako ang unread text message at sinimulan ko itong basahin
Ayon sa text ni Aileen ay magpapakasal na sya sa BF nyang Amerikano, kinakailangan nya itong gawin dahil nalugi na ang kanilang family business at nagkaron ng malaking utang ang kanyang ama. Pero hindi lang ito ang binanggit ni Aileen kundi sinabi din nya na pepressure sya sa akin tuwing magkasama kami dahil alam nyang gustong gusto ko nang may mangyari sa amin.
BINABASA MO ANG
Virgin Problems
RomanceHanda na si Chad na wakasan ang kanyang pagiging virgin. Ito ang kanyang mission sa buhay at walang makakapigil sa kanya! Extreme Warning, for mature audiences only Grammatical errors ahead Based in true events