7:14 pm
Dating gawi ay nauna ako ng halos isang oras sa aming tagpuan ni Aileen. Pumasok ako sa nalalapit na convenience store at bumili ng isang malaking bag ng cheezy chips.
“55 pesos po sir” ang sabi ng cashier
Inabot ko ang buong five hundred
“Sir wala po ba kayong smaller bills?” tanong ng cashier
“Wala eh, ahh wait bigyan mo ako noon” sabay turo ko sa likod nya
“Alin po sir?”
“Yung Du…”
“Durex po sir?”
“Oo yun nga”
Nag iwan ako ng text kay Aileen na dito na lang ako puntahan. Naupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan. Isang left over na hotdog sandwhich naman ang aking maingat na kinuha ng tissue at itinapon sa trash can.
“Sir ako na po ang gagawa nyan” biglang lapit ng cashier
“Okey lang” sabi ko ng may ngiti
Ngayon ko lang napansin na babae pala ang cashier na ito. Tumingin ako sa paligid at tila nang-iisa lamang ito maliban sa guard na naka poste sa pintuan.
Sinimulan kong buksan ang chips na binili ko at sinimulang kumain habang binabasa at dala kong bagong libro ni PilyongWriter. Kay ganda talaga ng araw ngayon, at nang akala kong nagkataon lamang na maaring swerte ang araw ito ay laking gulat ko nang makitang papunta muli sa aking kina-uupuan ang cashier.
“Sir tanggapin mo ito, free of charge po yan kasi mabait ka”
Binigyan ako ng cashier ng isang free soda in can. Ito ata ung pinaka uso ngayon na malimit na pinapakita sa television. Kombinasyon ng fruity orange flavor at energy drink, hindi kaya alam nito ang gagawin naming ng syota ko mamaya?
Ngumiti ako at nagpasalamat sa cashier, nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang kanyang name plate pero ang bumihag sa mga mata ko ay ang mala pusang mga mata nito. Akalain mo na hindi ko napansin ang isang magandang babae na tulad nya, patunay lang ito na kanina pa overloaded ang utak ko kay Aileen.
Talking about Aileen, eto sya at himala na dumating nang maaga.
Nakasuot si Aileen ngayon ng isang simpleng white shirt at maong pants. Naka pony naman ang kanyang buhok na mahaba at light lamang ang make up. Himala! Dahil si Aileen ang tipo ng babae na mahilig sa porma at make up.
“Ang aga mo ah” ang sabi ko
Naupo si Aileen sa harapan ko “Sino sya?” tanong ni Aileen habang nakatingin sa magandang cashier
“Ah sya” itinaas ko ang binigay akin na free drink ng cashier “Binigyan nya ako ng free drink kasi itinapon ko ung kaunting kalat sa desk”
“Ganon nga po mam” sabi ng cashier sabay bahagyang tungo at ngiti
“Ay ganun ba? Hahaha thank you” ang sabi ni Aileen sa cashier
Nang maka alis na ang cashier ay lumipat si Aileen sa tabi ko.
“Tara na mahal medyo masakit kasi ung likod ko baka pwede mo hilutin”ang sabi ni Aileen na may lambing
“Sabi mo eh”
BINABASA MO ANG
Virgin Problems
RomanceHanda na si Chad na wakasan ang kanyang pagiging virgin. Ito ang kanyang mission sa buhay at walang makakapigil sa kanya! Extreme Warning, for mature audiences only Grammatical errors ahead Based in true events