Unting panahon pa ay naging mas malapit pa kami ni Aileen. Isa sa mga bagay na hindi nya harapang ipinahiwatig sa akin ay ang hindi nya pagiging seryoso sa kanyang Amerikanong BF.
Ang totoo ay tulad din lamang naman sya ng ibang pilipina na nag aasam ng magandang buhay sa Amerika.
Oo alam ko mabagal ako kumpara sa ibang lalake ay nakakahiya ako at parang isang pagong. Isang araw bago ako matulog ay nagkwentuhan kami ni Aileen sa phone. Hanggang sa hindi ko alam kung papaano ako napunta sa parte na maging girlfriend ko sya.
“Gusto mo naman ako diba?” ang tanong ko
“Oo naman”
“Hindi naman tayo nag aaway diba, lagi nga tayo magkasundo eh”
“Oo”
“Edi maging tayo na, hindi naman kita pipigilan makipag chat sa BF mo na kano”
“Ikaw ang bahala”
“Edi kailan tayo mag dadate?”
Isa talaga akong mangmang sa larangan ng date, sa totoo lang si Aileen pa ang kinulit ko kung saan kami pupunta at anong gagawin sa date naming dalawa.
Sa sinehan ang aming napagkasunduan. Isang hour pa bago dumating ang oras ng aming pagkikita ay dumating na agad ako sa lugar na aming napag kasunduan.
Sa loob ng sinehan ay tila bumalik ang pagiging mahiyain ko sa babae. Nang makapili na kami ng upuan sa may balcony, sa hindi gaanong mataong lugar ay kinuha nya ang aking kamay at iniyakap sa kanyang bewang.
“Ang lamig kasi” ang sabi ni Aileen habang nakatingin sa palabas
Hindi ako sumagot, nakatingin din ako sa aming pinapanood ngunit ang aking pagiisip ay nakatuon sa kanang kamay ko na nakapatong sa kanyang tiyan na minsan naglalaro ang mga daliri at dinadama ang kalambutan ng kanyang katawan.
Maya maya pa inilapit ko na rin ang aking pisngi sa kanyang mukha. Si Aileen naman ay nanatiling walang imik maliban sa muling paghawak sa aking kamay na nasa kanyang tiyan upang iyakap ito ng mas mahigpit.
Inamoy amoy ko ang leeg ni Aileen, natural at walang halong pabango maliban sa sabong pinang ligo nito.
Idinikit ko ang aking mga labi sa kanyang pisngi, ang una ay isang light lamang na halik hanggang sa pina ulit ulit ko ito dahil hindi naman sya umiimik. Tama yun nga ang nais ko. Nang biglang humarap ang kanyang mga labi sa akin.
Isa lamang simpleng kiss ang akin inaasahan ng mga oras na iyon. Labi sa labi. Ngunit nagulat ako ng bumuka na ang kanyang bibig at pumasok ang kanyang dila.
Oo alam ko ito bilang French kiss, hindi ko ito dapat ikagulat ngunit ngayon ko lamang ito naranasan.
Espadahan ng dila na kay sarap. Ginaya ko lamang ang ginagawa ni Aileen sa akin gamit ang sarili kong dila.
“Humalik ka na ng humalik kasi hindi naman tayo pwede maghalikan sa labas” ang sabi ni Aileen
Nang matapos ang aming pinapanood na halos wala akong naintindihan ay pabaya akong tumayo. Mabuti na lamang at hindi nakatingin si Aileen dahil busy ito sa pagkuha ng kanyang bag. Tumalikod agad ako at ikinambyo ko ang aking sandata na halatang halatang naka tulis sa aking pantalong may kaluwagan.
BINABASA MO ANG
Virgin Problems
RomanceHanda na si Chad na wakasan ang kanyang pagiging virgin. Ito ang kanyang mission sa buhay at walang makakapigil sa kanya! Extreme Warning, for mature audiences only Grammatical errors ahead Based in true events