Hindi ko na alam kung papaano ko pa ito matitiis. Sabik na sabik na akong may mangyari sa amin ni Aileen. Ilang buwan na din simula nang kami'y magka kilala, masaya naman ako pero sa isang punto ay heto pa din ako at isang virgin.
‘Virgin ka pa din pare!’ ito ang bulong ng demonyo sa isip ko na nang aasar malimit.
‘Hanggat hindi pa nagkikita ang iyong sundalo at ang kanyang langit ay virgin ka pa din’ muling bulong demonyong sa aking utak
“Oh fuck tigilan mo ako!” ang aking sigaw
Muling dumating ang pinaka hihintay kong weekend, tatawag ng bandang hapon si Aileen at magtatanong kung ano ang aming gagawin sa araw na iyon.
Mga quarter to three nang mag ring ang aking cellphone, mostly sabik ako lagi sa pag hihintay sa tawag ni Aileen pero nang humiga ako matapos kumain ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nitong mga nakaraang araw ay nakakaramdam ako ng panglalata at panghihina, bakit kaya?
Sa paikot-ikot na usapan naming ni Aileen ay sa sinehan pa din ang balik ng aming plano. Alam nyang ma bobored ako kung papasyal lang kami sa ibang lugar na maraming tao, napaka maunawain talaga niyang girlfriend at napakabait pa. kaya naman minsan kahit sagad sagad na ang aking pagnanasa sa kanya ay pinipilit ko na pumunta kami sa mga park at iba pang pasyalan.
Sa kwarto ko na lang binabawi ang lahat, well? Kailan ba hindi sa kwarto ko? Bakit hindi naman kaya sa kwarto ni Aileen?
“Ano mahal may naisip ka nang masarap puntahan?” ang tanong ni Aileen sa kabilang linya
“Umm.. teka… … .. sa Mall? Gusto mo mag ice Skating?”
“Ayoko, hindi naman ako marunong mag skate, magkakapasa lang ang pwet ko kaka bagsak”
“Hahahah ako bahalang sumalo sa pwet mo”
“Tawa ka dyan, baka hindi pwet ang saluhin mo”
“Hahaha malamang”
“Ohh eh ano saan mo nga gusto pumunta?” muling tanong ni Aileen sabay humikab ng malalim
“Inaantok ka na yata eh?”
“Oo nga eh”
“Edi magpunta tayo sa kung saan ka makakatulog at relax”
“Huh? Saan?”
“Sa motel!”
“Hala ka! Baka kung anong gawin mo dun sa akin”
“Kailan ba kita pinilit sa hindi mo gusto”
“Cge na nga”
BINABASA MO ANG
Virgin Problems
RomanceHanda na si Chad na wakasan ang kanyang pagiging virgin. Ito ang kanyang mission sa buhay at walang makakapigil sa kanya! Extreme Warning, for mature audiences only Grammatical errors ahead Based in true events