Nagising ako sa tunog ng alarm, masakit ang ulo ko at balot pa ng antok ang aking mga mata. Madaling araw na akong nakatulog, dahil sa kahit anong pilit ko kagabi ay paulit-ulit akong ginugulo ng aking isipan.
Ano bang pumasok sa isipan ko at nagawa ang mga bagay na iyon?
Sa hallway papuntang department namin naka salubong ko si Paolo. Pucha yari ako nito, pero nilampasan lamang ako nito na parang walang nakita. Dapat kong bayaran ang kasalanan ko sa kanya, magkano kaya ang magagastos sa damage na ginawa ko sa sasakyan nya? bahala na, basta babayaran ko na lang.
“Paolo saglit!” ang sabi ko, handa nang humingi ng sorry at magmaka-awa
Tumigil si Paolo at lumingon sakin
“Its okey, its okey okey” ang sabi nito sabay kumaripas paalis, habang ako naman ay napanganga lamang
Well kung ganon ang gusto nya edi mas okey sa akin iyon. Pero ito pa ang isang inaalala ko, ang nakaka hiyang ipinakita ko kay Jaja kagabi.
Hindi na naka alma ng gabing iyon si Jaja, pagdating na pagdating naming sa may labas ay agad ko syang ipinara ng taxi at inabutan ng buong 500 ang driver sabay pina alis ito dala si Jaja sa loob.
Seryoso si Jaja sa kanyang ginagawa, naka talikod ito ay may kinukuhang mga documents sa Xerox machine, sinamantala ko ito at mabilis na binaybay ang daan papunta sa sarili kong workspace.
Nagsimula akong magtrabaho, pero nakaka ilang pages palang ako ng aking tinatype dahil sa malimit itong mali.
Pasimple kong sinilip si Jaja, nakabalik na ito sa kanyang cubicle at may ginagawa, paniguradong nakita na nya ako at siguradong masama ang loob nito sa akin. Patay na! anong gagawin ko shiiieeet. Paano kong ipapaliwanag ang mga ikinilos ko kagabi.
Dumating ang lunch time. Mabilis na sumabay ako sa agos ng ibang employee upang maka iwas kay Jaja. Paglabas ay kumaliwa ako pinili ang pinaka liblib na kainan kung saan wala masyadong kumakain na empleyado.
Pagbalik ay naging maingat ako, eto naman si Paolo at muli kong naka salubong. Nahihiya itong kumaway at binati pa ako, anong nangyari sa taong ito? hindi kaya nagkukunwari lamang ito at maya-maya ay babawian na ako nito pagkatapos ng shift namin? Wag naman!
Pabalik ng aming department ay naka chamba muli ako ng pagkakataon ng tumalikod si Jaja na parang may ginagawa sa gilid ng kanyang computer. Agad ako na pumunta sa desk ko at nag huminga ng malalim. Napaka tense naman ng araw na ito, hindi ko na yata kakayanin ang isang second serving pa bukas, bakit hindi na lang ako mag resign.
Iilan pa lamang ang nagagawa kong trabaho, napansin kong umiikot ang aming supervisor kaya nagsimula na ako magconcentrate sa work. Type type type ganyan nga! Concentrate lang at wag magpa apekto masyado sa kung ano man.
Mabilis akong nakatapos ng isang document. Nang kukunin ko ang bagong set ng files sa kaliwang bagahi ng aking mesa ay napansin ko ang isang sticky note na nakadikit dito. Binasa ko ito at kinailangan ko pang ulitin ito upang maintindihan kung anong nakasulat dito.
‘Hintayin mo ako sa Coffee shop mamaya pagkatapos ng shift’ ang sabi sa note, halatang babae ang nagsulat nito.
Sumilip ako kay Jaja at nagulat ng makita ko itong nakatingin sa akin. kumaway ito ng nakangiti na parang isang killer na may kakatayin.
BINABASA MO ANG
Virgin Problems
RomanceHanda na si Chad na wakasan ang kanyang pagiging virgin. Ito ang kanyang mission sa buhay at walang makakapigil sa kanya! Extreme Warning, for mature audiences only Grammatical errors ahead Based in true events