Chinachat ako ni Mark na makipagbalikan na sa kanya. Pero hindi ko siya nireplyan at inignore ko lahat ng message niya. Naglinis nalang ako ng buong bahay at sa paglilinis ko ay nakita ko ang pocket size na bible sa ilalim ng couch. Akala ko sinunog na nila ito? Tanong ko sa sarili ko at sa unang pagkakataon ng buhay ko, binuksan ko ito at binasa.
Mateo 22:30 Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa makatulog ako. Naaalimpungatan ako dahil sa kamay na humahaplos sa ulo ko. Pagmulat ko ay tumambad sa akin ang isang babaeng napakaganda. Nakangiti siya sa'kin at patuloy lang siya sa paghaplos ng buhok ko na para bang pinapatulog ako. Panaginip lang ba ito? Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Mahaba ang buhok niya, golden brown ang kulay, mapula ang labi, matangos ang ilong at medyo singkit ang mata, mahaba ang kanyang pilik-mata at medyo makapal ang kanyang kilay, may apat na hikaw sa kanang tainga at isa sa ilong. Nagoglow ang kanyang katawan na tila diyamanteng kumikinang. Napakaaliwalas niyang tingnan at para bang nasa langit na rin ako.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagtunong ng cellphone ko. Ano ba 'yan? Ang ganda pa ng panaginip ko eh. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang nagtext.
RASSEL: Matatapos na ang trabaho ko. Pabalik na ako diyan.
Napangiti ako sa message niya at agad akong naligo, syempre konting pabango at lotion lang ayos na. Siguro kaya ako pinagpalit ni Mark dahil hindi naman ako palaayos. Nevermind. Kakalimutan ko na siya at unti-unti ko ng tinatanggap na hindi talaga siya para s'akin.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Rassel na may dalang pagkain. Sabay kaming naghapunan habang nagkukuwento siya tungkol sa kanyang asawa na nasa France. May iba na daw itong kinakasama at kinukuha ng kapatid ng asawa niya si Jc subalit ayaw niya.
"Ikaw ang tatay kaya mas may karapatan ka kesa sa kapatid niya." sabi ko at dinig ko ang pag-iyak niya. Nakakaawa siyang tingnan at halatang problemado siya sa asawa niya.
"Pasalamat ako dahil dumating ka." sabi niya
"Paumanhin sa aking pag-iyak. Ito kasi ang unang beses na nagkwento ako sa ibang tao tungkol sa pamilya ko." dagdag pa niya at hinaplos-haplos ko ang likod niya.
"May mga kaibigan ka ba?" singit kong tanong at napatingin siya sa'kin.
"Bakit?"
"Wala lang."
"Meron."
"Pwede mo ba akong ipakilala sa kanila?"
"Bakit?"
"Gusto ko lang."
"Ayoko."
"Bakit ayaw mo?"
"Dahil masasama silang tao."
"Eh ikaw?" tanong ko at napatigil siya.
"Anong sa tingin mo? Anong nararamdaman mo pag kasama mo ako? Pag tinitingnan mo ako ng ganyan?" tanong niya at hindi ako makasagot.
Little by little parang nakoconvince na akong hindi masamang tao itong si Rassel dahil noong gabi din na iyon, hindi ko siya nakitang nagdrugs. Nung isang araw naman kahit tulog ako wala siyang ginawang masama sa'kin. Nung nagsex kami hindi naman sapilitan yun kase kusa akong pumayag na ibigay ang sarili ko sa kanya. Kusa akong pumayag na gamitin niya ako siguro dahil sa namimiss ko na rin makipagsex. Alam ko napaka makasalanan kong tao, hindi ko deserve mapunta sa langit dahil puro kalaswaan ang nasa utak ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture kami. *Evil smile* Akala mo Mark ikaw lang ang may kayang makahanap ng iba? Pinost ko ito sa facebook at pinublic. Wala na akong pakialam kung sino ang makakita.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Mystery / ThrillerRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...