Chapter Fifteen

16 1 0
                                    

Kinabukasan kahit na malakas pa rin ang ulan ay umuwi na ako sa bahay. Mag-aayos ako ng requirements ngayong araw para sa trabaho. Hindi ko na dapat palampasin ang oportunidad na ito. Magdamag umulan kahapon hanggang gabi. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang panligo ko dahil malamig. Papasok na sana ako sa banyo nang may marinig akong nagsalita sa labas na nakamegaphone.

"Sa lahat po ng residente ng Sorrento village, maari pong kayo ay lumikas dahil sa nagbabantang pag-awas ng wawa dam sa montalban dahil sa walang tigil na pag-ulan. Ito ay may 280 FT (85M) at kaya nitong iwash out ang buong montalban kasama na ang San Mateo at Marikina. Maaaring ito ay paaalala lamang subalit ligtas ang may alam." sabi ng barangay na nakasakay sa mobile. Pero imbes na magpanic ay nagkape nalang ako at napagdesisyunang ipagpaliban ang lakad ngayon. Maya-maya'y may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay katapat-bahay ko pala.

"Hindi po ba kayo lilikas?" tanong ng babae na kaedad lang ni nanay.

"Saan po ba 'yung dam na sinasabi?' tanong ko. Hindi ko alam na may dam pala dito.

"Sa San Rafael. Lilikas na kami para makasigurado."

"Diba sabi nung barangay mawawash out ang Montalban at San Mateo. Saan po kayo pupunta?' tanong ko

"Sa Manila pero hindi kami sigurado dahil nagbabaha din doon. Gusto mo ba sumama?"

"Hindi po. Dito nalang po ako. Titila din naman po siguro ang ulan." sabi ko at napatingin kami sa sumisigaw.

"UMAWAS NA ANG DAM!! MGA KAPIT-BAHAY!! MAGSILIKAS NA TAYO!!" sigaw nila at nagpanic na ang lahat. Nakita ko ang mga taong umakyat sa bubong ng kani-kanilang bahay.

"Ano pang hinihintay mo? Umakyat ka na rin para hindi ka abutan ng baha. Wala na tayong oras." sabi ng babae. Kinabahan at natataranta na rin ako, nagpapanic attack na naman ako. Huminga ako ng sobrang lalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ako natatakot. Hindi ako natatakot. Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko. Nakita ko ang cellphone ko na umilaw, kinuha ko ito at nilagay sa jacket ko. Lumabas na ako ng bahay at napatingin ako sa bahay ni Manong Sonny na nakasarado. Lumapit ako at kinatok iyon subalit walang nagbubukas. Hinawakan ko ang doorknob at bumukas ito. Nakita ko siya at ang asawa niya sa sala, nakaupo sa couch at tila ba walang balak umalis sa bahay nila.

"Hindi po ba kayo lilikas?" hingal na hingal na tanong ko at napatingin lang sila sa'kin.

"Miss! Ano pang ginagawa mo? Halika na! Andiyan na ang baha!" sigaw ng katapat-bahay. Hindi nila ako sinagot. Sinarado ko na ang bahay nila at pumunta sa katapat-bahay. Basang-basa na ako ng ulan. Umakyat ako sa hagdan at nagstay kami sa bubong. Dinig ko ang malakas na tunog na nangagaling sa hilaga wari ko'y pagbagsak ng mga building at bahay. Nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yun at nakita ko ang message ni nanay.

NANAY: Umuwi na dito ang tatay mo. Hinahanap ka.

Sabi ni nanay at biglang namatay ang cellphone ko. Napatingin ako sa tila tsunaming baha na sasalubong sa amin. Tinumba nito ang mga bahay na madaanan niya kasama ang mga tao at malapit na ito sa'min. Napatingin ako sa mga kasama ko na nasa bubong din at nakayakap sila sa kanya-kanya nilang pamilya. Umiiyak ang mga bata at yakap lang sila ng kanilang mga magulang.

"Ma, ayoko pang mamatay. Mahal na mahal ko kayo mama at papa." sabi ng anak ng babaeng kausap ko kanina. Parang binabangungot na naman ako ng iyak nila.

"Mahal na mahal ka rin namin, anak." Nabitawan ko ang aking cellphone na hawak ko nang dumating na sa amin ang lagpas bubong na baha. Inanod kami at nagpagulong-gulong ako sa tubig. Hinihila ako pailalim dahil sa putik na dala nito. Para bang nananaginip na naman ako. Siguro sadyang may sumpa ang pagbabalik ko dito. Hindi ko matatakasan ang nakatadhan sa'kin na mamatay. Takasan ko man ay paulit-ulit at patuloy pa rin ako nito hahabulin. Hanggang sa mawalan na ako ng hanging pumapasok sa aking ilong patungo sa baga at sa wakas, natagpuan ko na ang katahimikan.

Brave Rosie [Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon