Hindi lang isang beses ang naririnig ko kundi marami sila. Andiyan na ang magbabarkadang demonyo. Nagtatawanan sila at paakyat na sila at nang makita nila kami ay humilera sila sa harap namin. Nakatingin ako ng masama kay Siao. Gigil na gigil ang aking pagkatao sa sobrang kasamaan ng kaluluwa niya.
"Ikaw pala 'yung nakatira dito, Rosie." wika ni Carl
"Ikaw 'yung nagnakaw ng pictures namin sa cellphone ko, mali pa 'yung binigay mo na number at hindi mo naman talaga ako in-add sa facebook." sabi ni Eduardo.
"Ikaw pala 'yung naghahanap ng hustisya para kay Third." sabi ni Gregory
"Kamusta ang pagbubuntis mo?" Tanong ni carl at may sarkastiko pang tawa.
"Siya ang pinagsawaan kong tikman." Dagdag ni Rassel at nagtawanan silang lahat. Naglalapat ang ngipin ko sa galit.
"Totoo ba 'yun?" Tanong ni Mark at tahimik na tumulo ang luha ko.
"At ikaw 'yung boyfriend niya?" Tanong ni Rassel. Tila ba isa silang matataas na puno na hindi marunong yumuko. Lumapit sa'kin si Siao at umupo sa harap ko.
"Matapang ka ba, Rosie?" tanong niya at dinuraan ko siya sa mukha. Inuntog ni Mark ang ulo niya sa mukha nito dahilan para matumba siya at magdugo ang ilong. Kita ko ang inis sa mukha niya.
"Hindi ko na hahayaang malapatan pa ng ibang lalaki ang balat ng mahal ko." sabi ni Mark at agad siyang sinuntok ni Siao sa mukha. Bumwelo pa siya at muling sinuntok hanggang sa sumuka na siya ng dugo. Nakatingin lang ang iba niyang kasamahan.
"Lumaban kayo ng patas." hinihingal na wika ni Mark.
"Tama na. Parang awa niyo na. Wag niyo siyang idamay. Diba ako naman ang gusto niyo? Ako nalang ang saktan niyo. Wag siya."
"Panoorin mong mabuti ang gagawin mo sa jowa mong hilaw." sabi ni Siao.
"Mark." tawag ko sa pangalan niya at nakatingin lang siya sa'kin. Umiiyak lang ako at pinilit kong tumayo subalit nadapa ako. Naglalapat ang ngipin ko sa gigil sa kanila. Binugbug nila ulit si Mark nang walang kalaban-laban. Pinagsusuntok, pinagsisipa at pinaghahampas ng tubo. Hindi ko na siya makilala dahil maga na ang kanyang mukha at katawan.
"Mark." Paulit-ulit kong sambit at umaasa akong magkakaroon ng himala. Umaasa ako na sana may ibang tao na makakarinig samin at tutulungan kami. Bakit kailangang may mabuhay pang tao na katulad nila? Iparanas sana sa inyo ng mundo ang sakit na dapat niyong maranasan! Inalis nila ang tali sa kamay at paa at hinubaran nila si Mark at nilabas ni Siao ang mga ginagamit niya sa pang eembalsamo.
"Tama na please. Parang awa niyo na. Wag niyo gawin 'yan sa kanya. Nagmamakaawa ako sa inyo." sabi ko subalit tinawanan lang ako. Naisip ko na wala sa propesyon o trabaho, sa tayog ng nakamit sa buhay, nakapagtapos ng pag-aaral, valedictorian o magna cumlaude, mayaman o mahirap, hindi doon masusukat ang isip ng isang tao dahil kapag adik ka o nakadrugs ka, pare-parehas ang kanilang iniisip at wala silang pinipiling biktimahin.
"TULONG! TULONG! TULONG!" sigaw ko kahit na sarado ang bintana at alam kong imposibleng may makakarinig sa'kin. Lumapit sa'kin si Rassel at nilagyan ng tape ang bibig ko. Pinilit kong lumapit kay Mark subalit tinadyakan ako si Siao sa ulo. Sumisigaw ang isip ko sa galit. Pati brief ni Mark ay inalis,pinatigas nila ang titi nito. Hinawakan nila ang kamay at paa ni Mark.
"Hindi ito masakit. Ayos lang kahit walang anesthesia parang kagat lang 'to ng langgam." sabi ni Siao at binalatan nila ang ari ni Mark pati na ang bayag. Binuhusan nila ito ng tubig na may asin. Napapikit nalang ako at tila ba ang sigaw ni Mark ay tumataginting sa tainga ko. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Lord, kung panaginip lang 'to, gisingin niyo na po ako. Masyado na pong mahaba ang panaginip ko. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan. Gusto ko nalang maging bulag at pipi.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Mystère / ThrillerRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...