Chapter Fourteen

9 2 0
                                    

Nakatulog nalang ako pagdating sa bahay dahil sa sobrang pagod. Ang dami naming ginawa ni Atty. ngayon, ang daming paperworks at halos libutin na namin ang probinsiya dahil sa iba't-ibang meeting niya. Lumipas ang tatlong buwan ngunit ngayon nalang ulit nagpakita sa'kin si Third sa panaginip. Masaya na siya, nakikita ko na ang gaan sa ngiti niya. Umupo siya sa harap ng piano at nagstart tumugtog ng Rosie's Lullaby. Inistop na niya ang pagtugtog at humarap sa'kin.

"Gusto mo ng bumalik?" tanong niya

"Bakit ako babalik? Para saan?" balik kong tanong sa kanya at hinipo niya ang pisngi ko.

"May sasabihin sa'yo ang kapatid ko na si Fourth." sagot niya at ngumiti.

At bigla na akong nagising. Napahilot ako sa aking ulo. Tiningnan ko ang orasan at alas dos palang ng madaling araw. Napapikit ako sa sinag buwan na tumatagos sa bintana na tumatama sa mata ko. Is it time to go back in the city? Pero, para saan? Anong rason ko para bumalik pa doon? Wala naman na akong hahabulin doon. Fourth? Hindi ko pa siya nakikita. Anong sasabihin niya sa'kin?

Lumipas ang isang linggo bago ko naisipan na bumalik. Nag-ipon muna ako ng lakas na loob para magpaalam kay nanay. Hindi ko man alam kung anong naghihintay sa'kin doon subalit susubukan ko. Kung mamamatay naman ako e mamamatay ako, diba? Kumuha ako ng ballpen at papel at nag-iwan ng sulat sa pamilya ko. Pagkatapos ay itinupi ko ito at isiningit sa libro na binigay sa'kin ni Vhea.

"Sigurado kana sa desisyon mo, Rosie?" tanong ni nanay at tumango ako.

"Susubukan ko ulit, nay. Nagpaalam na ako kay Atty. na aalis na ako." sagot ko

"Sige. Tumawag ka lang sa'kin pag may kailangan ka. Mag-ingat ka doon ha, alam mo naman kahit anong gusto mo, susuportahan lang kita." sabi ni nanay at niyakap ko siya. Bago ako sumakay ng barko ay may huli akong tanong kay nanay.

"Bakit Rosie ang ipinangalan mo sa'kin?"

"Dahil sa the little prince at ang kanyang Rose. Alam mo ba anak ang story nun? Isang araw may umusbong na Rose sa kanyang maliit na planeta. Binigay ng prinsipe ang buong puso niya para sa kanyang katangi-tanging bulaklak, inalagaan niya araw-araw, diniligan, prinotektahan, hanggang maging isang magandang Rose na ito subalit ang pagmamahal niya dito ang nagdulot sa kanya ng sakit at kalungkutan kaya iniwan ng prince ang Rose dahil tinake for granted lang siya nito. Pero sinabi ng Prince sa pilotong nakausap niya kung gaano niya kamahal ang Rose niya. Naglakbay siya ng naglakbay hanggang sa marating niya ang hardin na maraming bulaklak na kagaya ng inalagaan niya at prinotektahan pero walang halaga 'yun sa kanya sapagkat ang pagmamahal niya sa kanyang Rose ang dahilan kung bakit namumukod tangi ito, nag-iisa, naiiba at walang katulad kaya hindi dapat siya malungkot." sabi ni nanay. Matagal ko ng alam ang kwento ng the little prince by Antoine de Saint-Exupery pero hindi ko alam na diyan pala inspired ang pangalan ko.

"Ganyan kami ng tatay mo noong ikaw palang ang ipinagbubuntis ko. Ako ang Rose niya, siya ang the little prince, hanggang ngayon naman parang ganyan pa rin ang scenario namin. Alam ko sa sarili ko na wala akong katulad, marami mang naka affair ang tatay mo, sa'kin pa rin siya babalik dahil ako ang nag-iisa niyang pag-ibig." How sad it is for my mother getting hope to the little prince na hindi na babalik kahit kailan.

"Dapat hindi iniwan ng little prince ang rose niya. Diba ganun naman ang pag-ibig? Dapat magiistay ka kahit na nalulungkot kana at nasasaktan. Dapat gagawan niyo ng solusyon ang problema. Hindi dapat siya umalis." sabi ko

"Hindi mo makikilala ang isang tao dahil lang sa salitang lumalabas sa bibig nila. Kailangan mong tingnan ang kaloob-looban ng puso nila para lalo mo siyang makilala. Lahat ng rosas ay may tinik at 'yun ang ginagamit nila pamprotekta sa kapahamakan kaya hindi ko masisisi ang tatay mo kung bakit mas pinili niya ang umalis." sagot ni nanay at hindi nalang ako umimik.

Brave Rosie [Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon