Hindi ko akalain na pati ang multo ay magkakagusto sa'kin. Sounds impossible pero narinig ko mismo na sinabi ni Third na gusto niya ako. Kinilabutan ako actually, may feeling pa rin pala ang nga kaluluwa kahit na namatay na sila. Pagkatapos maligo ay kumain na ako at nasa tabi ko siya, nakatingin lang siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko siya, wala naman akong third eye. 'Yung itsura niya ay normal lang, i mean, 'yung ordinaryo niyang itsura noong buhay pa siya, nagoglow ang kanyang katawan, umiilaw, kumikislap na parang isang bituin at napakaseryoso ng kanyang mukha.
"Curious lang ako, nagugutom ba kayong mga multo?" tanong ko at umiling siya.
"Marami ba kayong mga multo? Na kagaya mo?"
"Oo. Marami ding naghahanap ng hustisya katulad ko." sagot niya
"Ibibigay ko ang hustisya na nararapat sa kanila. Bukas na bukas din isusuplong ko sila sa mga pulis pero kailangan ko munang malaman kung ano ba talagang nangyari?" tanong ko at napatungo siya.
"Sasabihin mo sa'kin ngayon o ipapakita mo sa panaginip?" dagdag ko at nagsimula na siyang umiyak.
"Ang bahay na ito ay inoffer sa akin ni Mam Tina, siya ang assistant manager sa jollibee na pinagtatrabahuhan ko bilang service crew. Nirerent ko lang ito sa halagang dalawang libo kada buwan, ako na rin ang nagbabayad ng tubig at kuryente. Pinalayas ako ni ama at ina sa bahay dahil hindi nila tanggap ang tunay na ako. Sa mga unang linggo nang pagtira ko dito hindi naman ako natakot dahil kasama ko ang aking gf na tumira dito hanggang sa makipaghiwalay siya sakin. Nakipagbalikan siya sa ex niya. Naiwan ako mag-isa diyan sa bahay at doon na nagstart na may magparamdam sa akin. At 'yun nga ang babaeng baliw na nagbitay dito sa bahay. Iyong puting kumot na nakatali sa bubong, 'yun ang ginamit niya. Siya rin ang nagtutulak sa'yo at bumubulong na magpakamatay ka subalit ako naman ang nagliligtas sa'yo. Ako ang nagputol ng lubid noong nagtangka kang magbitay. Ako rin ang nagtago sa'yo sa ilalim ng cabinet kaya hindi ka nila nakita. Alam ko na ikaw lang ang makakatulong sakin, sa anim na lalaki na iyon na tumatambay dito sa loob ng bahay." sabi niya at taimtim lang akong nakikinig sa kanya.
"Ikaw ang matagal ko ng hinihintay, Rosie. Nakikita ko kung gaano ka katapang sa loob at labas. Walang makakapagpatumba sa'yo sa isang iglap lang. Ang lakas ng spiritual aura mo." dagdag pa niya at napangiti lang ako sa sinabi niya.
"Noong 22nd birthday ko nung August, bumili ako ng piano. Iyon ang regalo ko sa sarili ko dahil pangarap kong maging musician balang araw. Gusto kong magperform sa harap ng maraming tao pero nawala na lahat ng pangarap ko." Infairness at may tugma naman ang kwento ni manong at Third.
"Nandiyan sa ilalim ng lababo ang piano ko. Diyan tinago ni Mam tina. 'Yung mga gamit ko tinapon na niya at pinamigay. Buti nalang hindi niya kinuha ang piano. Sa tuwing tumutugtog ako para sa'yo iyon, nagtataka lang ako kung bakit nagtatabon ka ng tainga. It was your lullaby Rosie. Ngayon lang ulit ako umibig sa isang babae."
"Pero multo ka?" tanong ko at napangiti ang labi niyang kanina ay malungkot.
"Gusto mo na bang sumama sa'kin?" tanong niya
"Malapit kana sa pila." dagdag niya at napakunot ang noo ko. Anong malapit na ako sa pila?
"Pero pwede mo namang baguhin ang kapalaran mo, Rosie. Lisanin mo na ang mapanganib na bahay na ito, hindi lang ang bahay na ito kundi ang lugar na'to." sabi niya
"Kailangan pa kitang tulungan, Third." sagot ko
"Hindi pwedeng basta-basta nalang ako aalis dito at ikaw na rin ang nagsabi na matagal mo na akong hinihintay. Pag tinakasan ko lang ito, duwag ako. Kailangan ko 'tong harapin, kasama ka." dagdag ko pa
"Pinapasabi nga pala ni tita na namimiss kana niya at mahal na mahal ka niya. Sana patawarin mo siya sa kanyang kasalanan bilang mama mo at sana matahimik kana at lagi kang nasa puso ng pamilya mo." wika ko subalit hindi na siya umimik at natapos na ako sa aking kinakain. Tumayo na ako at nagtungo sa sala. Binuksan ko ang speaker at nagpatugtog. Playing If I die young by The Band Perry.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Misterio / SuspensoRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...