Chapter Eleven

20 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si nanay na tulog sa bangko. Buti hindi natatakot si nanay dito. Kumuha ako ng kumot at binalutan siya. Napahinga ako ng malalim at bigla nalang akong nakaramdam ng takot. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig ang katawan ko. Parang naririnig ko ang iyak ni Mark dito sa bahay, ang mga tawa ng demonyo at nakikita ko ang mga mukha nila. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang ginawa nila. Napansin ko ang aking cellphone sa lamesa. Kinuha ko ito at binuksan. Naiwan ko nga pala ito sa bag noong time na pumasok ako sa bahay nila Manong Sonny. Nagpunta ako sa photos at dinala ako sa unang picture namin noong 2017. Nag-aaral pa kami at magkasabay kaming kumain. Ang saya-saya namin dito. Hinanap ko ang number niya sa contacts ko at tinawagan ko siya. May nagring na cellphone sa lamesa. Kay mark 'to ah? Nandito siya? Pilit kong nilabanan ang kabaliwang tumatakbo sa isip ko pero hindi ko magawa. Gusto kong paniwalain na nandito ang mahal ko para makita ako.

"Mark? Nasaan ka? Homeleave mo na ba?" tanong ko at nagising si nanay.

"Rosie, wala na si Mark. Patay na siya." sabi ni nanay. Masisiraan na yata ako ng ulo. Pumasok ako sa banyo at doon humagulgol ng iyak. Bakit ganun? Parang walang katapusan ang hinanakit na nararamdaman ko. Basta alam ko lang kumikirot ang puso ko dahil sa sakit. Parang lahat ng kalungkutan sa mundo ay ibinigay na sa akin.

Ang alam ko nagtatrabaho lang si Mark sa semirara. Buhay pa siya. After 2 months ulit kami magkikita. Busy lang siya kaya hindi niya ako kinakausap.

"Anak kahapon nilibing si Mark. Sinabi ko na sa'yo." tinabunan ko ang aking tainga.

"Hindi, Rosie. Nagtatrabaho lang siya. Sanay ka naman sa LDR diba? Magkikita rin kayo after 2 months." paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko. Inuntog-untog ko ang aking ulo sa pader ng banyo. Gumising kana, Rosie. Masyado ng mahaba ang iyong tulog. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at nagpunta sa messenger. Nagchat pala sa'kin ang ate ni Mark.

NENE: Rosie, pumunta ga dito sa Batangas pag ayos kana. Gusto ka namin makita. Mahal na mahal ka ng kapatid ko sana alam mo 'yan.

ROSIE: Nene, nakalabas na ako ng hospital kanina lang. Nasaan po si Mark? Gusto ko po siya makausap. Sabi niya sa'kin homeleave na niya. Bakit hanggang ngayon hindi pa siya nakikipagkita sa'kin?

NENE: Wala na si Mark at hindi na kayo magkikita ulit. Patay na siya ga. Namatay siya diyan sa bahay mo. His death is too heartbreaking for us.

ROSIE: Hindi ko na alam ang gagawin ko, ne. Hirap na hirap na ako.

NENE: Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan kami dahil kami ang pamilya. Namatay siya dahil sa'yo, Rosie. Kung hindi ka lalaban, eh sino?

Kinuha ko ang cellphone ni Mark at inopen ang messenger niya at nasa unang convo niya ang babaeng ipinalit niya sa'kin dati.

MARK: Pupuntahan ko si Rosie sa San mateo. Kakausapin ko siya at hihingi ako ng closure.

MARK: Magbreak na tayo, shem. Mahal ko pa pala si Rosie. Siya ang hinahanap-hanap ko. Hindi ko siya kayang ipagpalit sa malapit. Sorry.

SHEM: Hindi ko matanggap na wala kana. Kahit isang buwan lang naging tayo, mahal na mahal kita Mark. Sana hindi mo nalang pinuntahan si Rosie sa kanila edi sana buhay ka pa hanggang ngayon. Si Rosie ang may kasalanan ng lahat. Napakatanga niyang babae. Malandi. Hindi ka nun minahal. Sana naniwala ka nalang sa'kin.

Naitapon ko lahat ng cellphone na hawak ko. Pinukpok ko ang aking dibdib dahil hindi ako makahinga sa pag-iyak. Binuksan ko ang shower at hinilamusan ang aking mukha para mahimasmasan. I just wanna die right now. I fucking wanna stop this pain in my heart. Please can someone pull out these million thorns buried in my heart.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si nanay. Binalutan niya ako ng tuwalya at pinatay ang shower.

"Tama na 'yan, Rosie. Magpahinga kana at uminom ng gamot." pinulot ni nanay ang mga cellphones na tinapon ko at tinabi. Kinuhaan niya ako ng damit at nagpalit na ako.

"Hindi ko na kaya, nay. May alam ka bang daan papunta sa langit?" tanong ko at niyakap niya ako.

"You are God's bravest and toughest soldier, Rosie. Magtiwala ka sa susunod na kabanata ng iyong buhay dahil ikaw ang nagsusulat nito. Akala mo lang walang katapusan ang hinagpis mo subalit isang araw, gigising ka na magaan na ang pakiramdam mo. Maghintay ka lang sa araw na 'yon." sabi ni nanay at pinainom na niya ako ng gamot. What's the sense of my braveness kung hindi ko naman naprotektahan at nailigtas ang taong pinakamamahal ko? Hindi ako matapang, duwag ako, tanga at walang kwenta.

Naglatag si nanay dito sa sala at doon ako natulog. Hindi mapalagay ang loob ko, parang gising ang diwa ko at may malagong na boses akong naririnig sa ilalim ng lupa. Napaupo ako bigla at may nagtulak sa aking itim na babae pahiga, mapupula ang mata niya at kita ko ang kanyang sungay. Ibinuka niya ang bibig ko at pilit na pumasok. Nangingimi ang aking katawan at nabibingi ako sa matinis na tunog na naririnig ko.

Nagising ako sa kalderong hinuhugasan ni nanay. Buhay pa ako. Napahinga nalang ako ng malalim.

"Happy Birthday, Rosie. Pupunta tayo ngayon sa Batasan, doon kana magcelebrate ng birthday mo. Doon na rin didiretso ang mga kapatid mo dahil si ceedee ang sumundo sa kanila. Christmas break naman nila kaya okay lamang kahit dito muna sila magstay. Hintayin na rin natin ang pag-uwi ng tatay mo." Sabi ni nanay. Birthday ko na pala. Hindi ko man lang namalayan ang mga araw na nagdaan. Dati, kapag nagbibirthday ako, excited na excited ako dahil marami akong kaklase na pupunta sa bahay. Ngayon, nakakawalang gana.

"Anong araw ngayon?" Tanong ko

"Miyerkules."

Nagtungo na kami sa Batasan. Niyakap ako ng mga kapatid ko nang makita nila ako. Nagluto lang sila nanay ng spaghetti at pansin. Nagsponsor naman si ate ceedee ng cake.

"Namiss ka namin, ate." sabi ni Vhea

"Namiss ko rin kayo. Kamusta si inay?"

"Ayos lamang. Nagpadoctor 'yun kahapon at nagpabunot ng ngipin." sagot ni jarl

"Ate, bakit namatay si Mark? Ano ba talagang nangyari? Ang iyak namin nung nalaman namin 'yun. Hindi pa man lang namin ulit siya nakikita. Nakakamiss 'yung panlilibre niya sa'min ng ice cream." sabi ni Vhea at napahinga ako ng malalim. Hindi ko sila sinagot dahil ayokong umiyak sa harap nila.

"Saka na ako magkukwento pag kaya ko na." sabi ko at pumasok sa loob ng bahay. Nang matapos na magluto ay kinantahan na nila ako. 22 years old na ako. And I wonder if I can get to 100 years old? But anyways, what's the point of living? Napatingin ako sa masayang mukha ng mga kapatid ko at ng nanay ko, sa tita ko at mga pinsan ko na kinakantahan ako. Maybe they are the reasons of my living, the reasons not to die.

"My wish is the recovery of my sister. Sana gumaling na ang kanyang sugatang puso." sabi ni Vhea at ngumiti ako sa kanya.

Brave Rosie [Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon