Paalis na si ate ceedee at gusto ko ng sumama sa kanya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin dahil tuwing gabi nalang ay nakakapanaginip ako ng masama. Baka mamaya mamatay ako nang dahil sa panaginip. Di bale sana kung ang mapanaginipan ko eh sina Jungkook ng BTS, e hindi eh.
"Aalis na ako. Ingat ka dito Rosie ha. Laging mong isarado 'yang pinto." paalala niya at tumango ako.
"Salamat ate. Ingat ka rin po pauwi. Ipakamusta mo nalang po ako kana tita."
"Pupunta na lang kami dito nila nanay para bisitahin ka."
"Sige po. Salamat ulit." sabi ko atsaka sumakay na siya ng tricycle na napadaan.
"Neng." tawag nung matandang kapit-bahay.
"Mag-ingat ka diyan." sabi niya at bumungisngis na naman ng tawa. Ang sarap litikin eh. Pati 'yung aso niyang tahol ng tahol, sarap patayin eh. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na sa loob.
Kinuha ko ang laptop at gumawa nalang ng resume/curriculum vitae. Nagulat ako sa biglang pagkatok sa pintuan. Para akong aatakihin sa puso dahil sa kaba. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang lalaki.
"Electric bill po." sabi niya in plain emotion. Namumutla siya na parang may sakit. Inabot niya sa akin ang sobre.
"Okay ka lang kuya?" tanong ko at tumango lang siya at umalis na. Tiningnan ko ang electric bill at nasa 15 pesos lang. Napakamura naman. Sa bagay, wala namang gumagamit ng kuryente dito. Tiningnan ko ang address ng bahay. Block 27, Lot 9 Sorrento Village, Burgos, (Montalban) Rodriguez, Rizal. Ibig sabihin, hindi na kami sakop ng San Mateo? Sinarado ko na ang pinto at humarap na sa laptop. Hindi ko napansin na tumatawag pala si Mark. Sinagot ko na ang tawag niya.
"Ano bang ginagawa mo? Ang tagal mo sumagot." pagalit na sabi niya.
"Gumagawa ako ng resume. Nakasilent pati ang cellphone ko."
"Bakit kailangan isilent pa 'yan e mag-isa ka naman diyan." sabi niya
"Bakit galit ka?" tanong ko
"Hindi ako galit. Sinasabi ko lang."
"Lagi ka namang galit eh. Konting pagkakamali ko lang galit kana agad. Wala na akong ginawang tama para sa'yo." sagot ko
"E totoo naman sinasabi ko ah."
"Aba! Himala at tumawag ka sa akin ngayon. May kailangan ka?" galit na tanong ko sa kanya.
"At ikaw naman ang galit? Sige magalit ka! Bahala ka sa buhay mo. Bawal na ba akong tumawag ha?" tanong niya.
"Tumatawag ka lang naman pag may kailangan ka. Kilala na kita." sabi ko
"Sige lang." sabi niya at binaba na ang tawag. Bahala ka rin sa buhay mo. Nakakainis ka. Pinunasan ko ang aking luhang tumulo dahil sa inis. Ganyan 'yan, konting pagkakamali ko lang sisigawan agad ako. Hindi niya yata alam na tao rin ako, nasasaktan. Minsan nga iniisip ko na baka may ibang mahal na yan kaya ang cold sakin. Wala na yung sweetness, katulad nung una kaming nagkakilala. Nagbago na siya. Alam mo naman at nararamdaman mo naman kung mahal ka pa ba ng bf mo o hindi na eh. Maaalala niya lang ako pag gusto niya ng sex. Tama nga sila, dapat pag nagmahal ka, wag mo ibibigay lahat, dapat magtira ka para sa sarili mo, para sa huli hindi ikaw yung sobrang nasasaktan.
Tumatawag na naman siya. Sinagot ko naman.
"Lagi na lang ba tayong ganito?" Tanong ko
"Bakit ba lagi ka nalang galit sakin? Mahal mo pa ba ako? May iba ka ng mahal?" dagdag ko.
"Ikaw lang ang mahal ko, Rosie." mababa na ang tono ng boses niya.
"Bakit ganyan ka sakin?"
"Hindi ko alam. Gago ako eh. Hindi pa siguro ako mature para sa relasyon natin." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Gizem / GerilimRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...