Kinabukasan ay sinundo ako ng mama at papa ni Third. Pwede naman na daw akong lumabas ng hospital. Si nanay naman ay hindi na sumama dahil maglilinis daw siya sa bahay. Nagtungo na kami sa Municipal trial Court. Nasa labas ang mga taong nagpoprototest, sumisigaw sa galit at may kanya-kanya silang dala na placard. Kita ko ang mga dyaryong nagkalat sa labas ng munisipyo at kami ang laman ng balita. May pangilan-ngilang media ang gusto akong interviewhin subalit ayokong magsalita.
"#JUSTICEFORTHIRD#JUSTICEFORMARK#JUSTICEFORLOLOPABLITO#DIERAPIST #DIEKILLER#DEATHPENALTY#ABUSEOFPOLICEPOWER"
"Sabihin mo lang ang totoo. Kung ano ang tanong sa'yo, sagutin mo ng walang pag-aalinlangan. Wag kang kakabahan. Kaya mo yan, Rosie. Ipapanalo natin ang laban." sabi ni Atty. Cesar na sabi ni tita Luz, kusang lumapit samin para ipagtanggol kami. Kahit hindi na nga daw namin siya bayaran. Nagvolunteer siya para samin.
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko na ulit ang mukha ng anim na demonyo. Nakatingin lang sila sa'kin at nakatingin naman ako ng masama sa kanila. Dumating na ang judge at nagsalita na ang court clerk.
"All rise. This court is now in session. Honorable judge please preside."
"Thank you. All be seated. Let's open the case."
"We call on case 1017 of Third Alvaro, Mark Maglacas, Pablito Luna and Rosie Daymil versus Siao, Rassel, Gregory, Eduardo, Cedrick and Carl for murder and rape."
"Are prosecutors ready?"
"Yes, your honor."
"Is the defense ready?"
"Yes, your honor."
Feeling ko walang ibang tao dito kundi ako lang at ang anim na demonyo. Nararamdaman ko na ulit kung paano mapunta sa impyerno. Nagstart ng magcross examination at naupo na ako sa witness seat. Ikinuwento ko na ang nangyari.
"Nagpunta ako sa bahay nila..." napatingin ako kay Manong Sonny. Nakatingin siya ng masama sa'kin.
"Sinubukan kong humanap ng ebidensya sa kagustuhan kong matulungan si Third at lolo Pablito. Hinalughog ko ang bahay nila hanggang sa mapunta ako sa kwarto ni Siao. May nakita ako doon na dalawang sachet ng shabu, halos fifty thousand na pera, baril at camera. Pag open ko ng camera, doon ko nakita ang pangbababoy nila sa katawan ni Third. Pagkatapos ibitin at mamatay, nilagare, tinadtad ang katawan niya na para silang butcher. Kinuha ko ang memory card at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Pinilit kong tumakas, pinagkasya ko ang sarili sa bintana hanggang sa mahulog ako. Tumatakbo na ako at pupunta sana sa police nang tawagin ako ni Mark. At babarilin na sana siya ni Manong Sonny nang pigilan ko siya, sinalubong ako ni Siao at sinuntok sa sikmura." tinry ko ang best kong magkwento ng malinaw dahil sa aking hikbi.
"Paggising ko, nakita ko si Mark na nakatali rin, maya-maya'y dumating na sila. Binugbog nila si Mark ng walang kalaban-laban, hinubaran, binalatan ang ari at biniak ang katawan. Napakasahol niyo pa sa hayup. Tinry kong humingi ng tulong, nagmakaawa ako sa kanila subalit sadyang matigas ang mga puso nila. Pagkatapos kay Mark, ako naman ang s-sinunod nila. Tinadyakan, sinikmuraan, sinipa, lahat na ginawa nila sa'kin hanggang sa mahulog ang baby sa sinapupunan. Nirape nila ako, pinagpasa-pasahan, tinahi ang aking bibig ng mga demonyo. Mas demonyo pa sila sa demonyo." halos hindi ako makahinga habang nagsasalita dahil sa tangis ko. Gusto kong lumapit sa kanila, at patayin sila kagaya ng ginawa nila kay Third, Mark at lolo Pablita. Papahirapan ko muna sila hanggang sa magmakaawa na sila sa'kin. Bumalik ako sa realidad ng magsalita ang prosecutor nila.
"Objection, your honor. Bakit ka nagtresspass sa kanilang bahay? Ang magpunta sa bahay na walang permiso ng may-ari ay isang illegal na gawain, maaring hindi ka lang naghahanap ng ebidensya doon kundi nagnakaw ka."
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Misterio / SuspensoRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...