Hinilot-hilot ko ang ulo dahil sa sakit. Binigyan ako ni nanay ng tylenol at ininom ko. Sobrang naubos ang energy ko sa pagsigaw, sa pag-iyak. Bagsak na ang katawan ko.
"Kamusta ang hearing? Anong resulta?" tanong ni nanay.
"Guilty. Habang buhay na pagkakakulong ang parusa sa kanila." sagot ko at naalala ko si tita.
"Wait lang, nay. Pupunta muna ako sa hospital." sabi ko at dali-daling nagpunta sa San Mateo Medical Hospital. Nasa emergency room si tita at nasa labas sina First, Second at tito. Wala na naman si Fourth. Hindi ko pa siya nakikita.
"Kamusta po si tita?" tanong ko.
"Hindi pa lumalabas ang doctor. Parang sa tagiliran tumama ang baril." sabi ni tito. Wala pa sa limang minuto na pagkarating ko ay lumabas na ang doctor.
"Natanggal na namin ang bala sa katawan niya, unconcious pa siya at hindi natin alam kung kailan siya magigising pero wag kayo mag-alala, okay na siya." sabi ng Doctor at umalis na. Napahinga ako ng maluwag doon. Akala ko katapusan ko na rin. Nilipat ng private room si tita at doon kami pumasok. Umuwi muna si tito at sina First sa bahay nila para kumuha ng mga gamit. Maya-maya'y darating din naman daw si Fourth at pamangkin niya kaya magkakaroon na ako ng kasama. Lumapit ako sa tabi ni tita at hinawakan ang kamay niya at hinalikan ito.
"Salamat sa pagligtas sa'kin, ita. You've become a good mother to Third and if ever makita mo siya sa panaginip, pakisabi po na nakuha na natin ang hustisya. Sana masaya na siya at mamuhay ng tahimik sa langit." Sabi ko at napatulo nalang ang luha ko.
"Magpagaling ka po, tita. Sasama na po ako sa pamilya ko na umuwi ng probinsiya pero pinapangako ko po na babalik ako. Hindi na po ako makaka attend ng graduation ni Fourth. Pakisabi nalang po, congrats in adavance." dagdag ko at niyakap siya. Napapunas ako ng luha nang bumukas ang pinto. Nandiyan na ang mga apo ni tita at asawa nila kuya First at Second. Nag-hi lang ako sa kanila at lumabas na ng kwarto. Napahinga ako ng malalim at patuloy na bumabagsak ang malalaki kong luha. Napatigil ako sa paglalakad nang may lalaking humarang sa daan ko ar inabutan niya ako ng panyo. Ito 'yung lalaki na nasa rooftop. Naka criminology uniform siya. Kinuha ko nalang ang panyo at pinunasan ang luha ko at nagdiretso na ng lakad.
Umuwi na ako sa sorrento, bumili muna ako ng Jollibee spicy chicken, spaghetti at fries sa mga kapatid ko dahil minsan lang naman makakain ng ganito. Wala kasing Jollibee sa probinsya. Nasa tapat na ako ng bahay at nagtataka ako kung bakit nakasarado ang pinto dahil pag si nanay ang nandiyan sa bahay, palaging nakabukas ang pinto. Bigla akong nakaramdam ng kaba at sana mali ang iniisip ko. Pagbukas ko ng pinto ay umagos sa paanan ko ang dugo na galing sa pamilya ko. Nabitawan ko ang pagkain na binili ko para sa kanila. Hindi ako makapagsalita dahil nanginginig ang kalamnan ko. Nakahandusay lahat ng kapatid ko pati na si nanay, wala na silang buhay.
"Nay, Jarl, Vhea, Vincent, Vincent..." tawag ko sa kanilang pangalan subalit hindi nila ako sinagot.
"Sinong may gawa nito sa inyo?!" umiiyak na sabi ko at hinipo ang pulso nilang lahat subalit hindi na tumitibok. Halos maligo na ako sa dugo nila.
"Sinong may gawa nito sa inyo?! Naaaay! Gumising kayo! Vhea!" sigaw ko at may pumasok na lalaki sa bahay. Nakita ko si Manong Sonny na may dalang kutsilyo at puno ng dugo ang damit. Walang salita-salita ay lumapit siya sakin at akmang sasaksakin na ako pero nakaiwas ako. Kumuha ako ng kutsilyo sa kusina. Pagkalapit niya sa'kin ay bumaon ang kutsilyong dala niya sa tiyan ko. Sinaksak ko rin siya sa dibdib at pinunterya ko ang kanyang puso. Paulit-ulit ko siyang sinaksak hanggang sa mawalan na ng hininga. Napahiga ako sa hita ni nanay at nandidilim na rin ang paningin ko. If I don't have any choice, mamatay nalang ako ng ganito kasama ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Misterio / SuspensoRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...